(17)curious

42 2 0
                                    

KIAN'S POV

Humihina na ang bagyo at signal #1 nalang kaya nagpaalam na ako kay Steve para umuwi. Isang buong araw din ako sa kanila kahapon at halos wala kaming magawa.

Mabilis ko lang na pinatakbo ang motor ko. Ganito naman ako lagi magpatakbo. I love drag racing eh. Pagdating ko sa bahay ay dineretso ko na ang motor ko sa garahe at pumasok na sa sala. Medyo basa pa din ang damit ko. Sinauli ko kasi ang boxer at sando na pinahiram ni Steve sakin at kahit medyo basa pa ang damit kong suot nung pumunta ko sa kanila yun nalang ulit ang isinuot ko. Ang panget kayang tignan kung nakasando at boxer ako habang nagmamaneho ng motor ko.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko. Pero hindi pako nakakapasok sa pinto ay may biglang umakap sakin mula sa likod ko.

"I'm so worried and scared. Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka umuwi?"halos na pabulong nyang sabi habang nakaakap pa din sakin.

Nandito nga pala sya. Tapos wala ang parents ko dito sa bahay at nag-siuwi ang maids nung isang araw. Malamang maiistranded din yun sa bagyo kaya hindi agad makakabalik dito. I'm so stupid to leave her alone here.

"Sorry Stacey."that's all what I can say. Hindi ko rin naman kasalanan na bumagyo.

Inalis ko ang pagkakaakap nya sa akin at humarap sa kanya. Napakaamo ng kanyang mukha. Halata din sa mata nya ang lungkot. Hay, kahit ayaw ko sa kanya hindi ko rin naman sya matitiis.

"Nagpunta kasi ako kila Steve. Hindi ko naman alam na babagyo kaya nagtagal ako. Dun din ako natulog. Sorry ah?"paliwanag ko sa kanya habang nakahawak sa magkabilang balikat nya.

Ngumiti naman sya sakin at nag-nod nalang.

"May niluto akong sopas,baka.... gusto mo akong samahang kumain?"alok nya sakin.

"Sige magbibihis muna ako at basa pa ang damit ko ha?"sagot ko naman sa kanya.

Nakangiti pa rin syang tumango sa akin at tumalikod na.Ako naman ay pumasok na agad ako sa kwarto at nilalamig na talaga ako. Medyo sumasakit na din ang ulo ko.

RHOAN'S POV

Haaay, wala ng bagyo kaya may pasok na naman.Medyo nakakatamad lang kasi umuulan pa ng konti konti.

Papasok palang ako ng gate ng school ay may biglang umakbay sa akin at pinihit ang katawan ko pabalik.

"Hoy-omp!"di ko naituloy ang sinasabi ko kasi tinakpan nya ang bibig ko gamit yung kamay nyang nakaakbay sa akin.So parang halos nakayakap na sya sakin kase nakapalupot yung kamay nya sa sa leeg ko para matakpan yung bibig ko.

"Wag ka ng magreklamo.Sumama ka nalang at may atraso ka pang kailangang asikasuhin."bulong nya sa akin.

Atraso? Bakit? Wala naman akong inaagrabyadong tao sa pagkakaalam ko.May nasaktan ba ako ng hindi sadya? Mabait naman akong bata ahh..

Lilingon sana ko para tignan kung sino ang lalaking ito pero paglingon ko ay lumingon din sya sa kabilang pwesto.Laging ganun ang nangyayari. Batok lang tuloy nya nakita ko.Aish.Nakakainis na ha.

Tahimik lang sya habang naglalakad kami.Habang ako naman ay napapaisip paano makakalayas dito.Abah! May pasok kaya noh?! Tapos umaambon pa.Wala man lang ka-gentle-gentleman tong kasama ko hindi kuhanin yung payong na hawak ko eh nangangalay na kamay ko. Tangkad nya kaya noh?

Ahah! I have a brilliant idea. Hehehe tignan lang natin hindi mo tanggalin kamay mo sakin. Bakit ba ngayon ko lang naisip to. Hehehehe.

"AAAAHHHH!"

Sakto tama ang naisip ko. Hahaha pagkatanggal nya ng kamay nya ay bigla akong tumakbo palayo. Nang lumingon ako sa pwesto ng pinag-iwanan ko sa kanya ay bigla nalang akong lumutang.

"Waaaaah! Ibaba mo ako gagO ka! Saan mo ako dadalhin hayOp ka!"hiyaw ko habang nagpupumiglas at sinusuntok ko ang likod nya. Binuhat nya kasi ako sa balikat nya. Alam mo yung nakabitin ako sa balikat nya tapos yung paa ko hawak nya tapos yung ulo ko nasa likod nya? Waaaah.. Ano ako? Palay???

"Kung hindi mo inapakan paa ko hindi sana ganyan sitwasyon mo. Wag kang maglikot kung ayaw mong makitaan ka sa ginagawa mo."cold na sabi naman nya.

"Nakakainis ka! Saan mo ba ako dadalhin! Ha?!"bulyaw ko sa kanya

"Sa tahimik na lugar. Wag kang mag-alala safe naman dun. May atraso ka lang talaga kaya kaylangan kitang dalhin."sabi ng pamilyar na boses sakin.

"Sige na, tatahimik na ako. Ibaba mo lang ako. Hindi na rin ako tatakas please. Nahihirapan ako eh."pagmamakaawa ko sa kanya.

Masunurin naman sya at binaba nya din ako. Pagkababa ko ay inayos ko agad ang uniform ko. Psh. Nalukot tuloy kainis!
Pagtapos kong ayusin ang uniform ko ay humarap na ako sa kanya.

"S-STEVE?! Teka anong atraso ko sayo bakit kinakaladkad mo ako?!"takang tanong ko sa kanya.

Walanjo lang! Sasama naman akong maayos kung nagpaalam sya eh. Hayst.

"Ano bang kasalanan ko sayo at nasabi mong may atraso ko sayo ha?! Nababaliw ka na ba? Basta basta ka nalang nanghahablot dyan!"dirediretso kong sabi sa kanya. Wala talagang preno yun. Badtrip sya eh!

Tinignan ko yung oras sa relo ko pero nadisappoint lang ako ng makita ko kung anong oras na. I'm late. Psh. Batrip talaga to.

"Sumama ka nalang sakin. Kaylangan nating mag usap. Hindi ka naman maimamark as cutting dahil hindi ka pa naman pumapasok ng school."walang emosyong sabi nya..

Ano pa bang magagawa ko? Andito na ko. Kasama ko na sya. Parang wala na rin naman akong kawala sa kanya kaya sumama na din ako.

Sakay ang motor nya, in fairness may big bike sya ang sarap sumakay para kong nililipad haha, nakarating kami sa isang lugar na tahimik nga. Sementeryo lang naman ang pinuntahan namin.
Sa isang bahay na may nitso sa loob kami huminto to be exact.
Ang ganda nga eh, bali parang maliit na bahay sya na may upuan sa magkabilang gilid tapos nakatiles pa. Nakapasok dito yung nitso na gawa sa marmol.

Pumasok si Steve sa loob ng bahay na may nitso kaya pumasok na din ako. Binasa ko nakasulat sa nitso.

Kyle Luke Tan
Born: June 16, 1998
Died: September 26, 2014

"Kyle Luke Tan?.."bulong ko lang pero mukhang narining naman ni Steve.

"Kapatid ni Kian. Kambal nya."sagot nito kahit wala naman akong tanong.

"May kambal pala si Kian. Ano ginagawa natin dito?"

"Nasa inyo ba si Kian nung bagyo?"out of the blue na tanong nya. Pano nya nalaman kami kami lang naman nakakaalam nun. "Malapit lang apartment na tinitirahan ko sa inyo at nagpunta sya samin kahit napakalakas ng ulan. Buti nga hindi sya naaksidente sa lakas ng hangin eh"dagdag pa nito.

Nangungunsensya ba sya? Effective kase pangungunsensya nya eh =_=
Nanatili nalang akong walang kibo at hinayaan syang magsalita. Kinakaen ako ng konsensya ko eh. Dapat talaga di ko sinabi sa kanya yun eh, napaka insensitive ko talaga.

"Nagulat ako sumulpot sya sa bahay nung araw na yon. Nag inom lang sya hanggang malasing. Mabait naman yung taong yun eh. Kung matututunan mo lang syang intindihin. Maloko sya oo pero masarap kasama. Maalalahanin at mapagmahal na kaybigan,maaasahan sa lahat ng oras. Tanga nga lang sa pag ibig kaya laging napeperahan. Ewan ko lang kung nagtino na sya ngayon."

Bakit ba nya sinasabi sakin lahat to,para mapabango pangalan ng kaybigan nya sakin?
Pero... curious din naman ako kung sino talaga si Kian eh.

Hinayaan ko nalang sya magkwento sa akin,nakinig nalang ako. Kwentuhan nalang ng konti at umuwi na rin sya. Ako kasi kaylangan ko pang pumasok sa part time job ko kaya dun nalang nya ko hinatid.

Sa mga naikwento ni Steve kanina naging interesado ako lalo sa kanya.
Haaay. Napapaisip tuloy ako sa kanya..

---

A/N:
hahahaha
After 53815530years nakapag UD din bwahahaha.
Salamat sa pagsilay :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Accidentally BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon