Hinatid nga ako ni Ryo pero wala pa rin siyang imik sa akin. Nandito pa rin kami sa kotse niya at hindi ako bumababa hangga’t hindi niya ako pinapansin. What is his problem anyway?
“Ryo...” pagtawag ko sa kaniya
Nanatili lang nasa harapan ang tingin niya. Gano’n na ba kalakas ang naging hampas ko sa kaniya at nagawa niyang magtampo ng ganito?
“Josaiah...” muling tawag ko sa kaniya.
“I’m not Josaiah.” Ang sungit niya naman yata ngayon.
“Si Josaiah ka,” pilit kong sabi sa kaniya.
He hissed. Masamang tingin din ang binungad niya sa akin nang balingan niya ako. Nakangiti naman ako sa kaniya, sinusubukan kung eepekto ba sa kaniya ang pagpapacute ko.
“I’m Ryo. I’m not Josaiah. Magkaiba kami kaya huwag mo kaming gawing iisa,” seryosong sabi niya pa at muling iniwas ang tingin sa akin.
Nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagtataka ang itsura ko ngayon. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngayon.
“What do you mean magkaiba kayo?” mahinang tanong ko na.
Ayokong paniwalaan kung anong nasa isip ko ngayon. Ayokong mag-isip nang kung anu-ano ngayon.
Muli siyang bumaling sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata. Nilabanan ko ang titig niya sa akin.
“Simula nang makilala mo ako bilang Ryo, matagal nang wala ang Josaiah na minahal mo. Sinabi ko naman sa ’yo na ilang beses akong nagpapalit ng pangalan ’di ba? Kaya please lang, Sol. Ako si Ryo, si Ryo na ang mahal mo at hindi si Josaiah na nakita mo sa libro,” aniya pa.
Napaawang lang ang bibig ko sa sinabi niya. I get his point. Parang nakahinga rin ako ng maluwag nang malamang mali ang iniisip ko. Akala ko ay magkaibang tao sila ni Josaiah. Mali pala ako.
“I’m sorry about that...” mahinang usal ko.
Tama naman siya. Si Josaiah ang nakilala ko sa libro pero si Ryo ang lumabas at nakasama ko ng matagal. Magkaibang personality ang pinakita niya sa akin kahit iisang tao lang naman ang Josaiah at Ryo. Mas minahal ko ng sobra ang Ryo na nakasama at nakakasama ko.
“Just don’t call me Josaiah again. Gusto kong isipin mong normal lang lahat ng ’to. Gusto kong mawala sa isip mong lumabas lang ako sa libro...” mahinang sabi niya sa huli.
Tumangu-tango na lang ako. Ayokong magbigkas ng mga salita ngayon. Pakiramdam ko ay ma-ooffend siya kapag nagsalita pa ako.
“I’m sorry rin. Naiinis lang ako kapag sumasagi pa rin sa isip mo ang pangalang ’yon. Gusto kong mamuhay tayo ng normal kaya gusto ko ring kalimutan mo na ang pangalang ’yon,” sabi niya pa.
Kinabig niya ako para mayakap. Mahigpit na yakap ang binigay niya sa akin. Ngayon ko lang napansin na hindi talaga siya totoong tao, hindi normal ang init niya kumpara sa init ng totoong tao. Para siyang may lagnat lagi.
“Papasok na ako,” paalam ko sa kaniya.
Malapit na rin kasing matapos ang libreng oras ko. Hindi naman pwedeng isama ko siya sa loob para hindi ako mainip sa kaniya. Sighed.
“Ingat ka. Susunduin kita mamaya at huwag ka munang lalabas hangga’t hindi mo natatanggap ang text o tawag ko,” bilin niya pa sa akin.
Nanatili pa rin siyang nakayakap pero hindi na tulad kanina. Tumango na lang ako sa kaniya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi at ngumiti sa akin.
“See you later. I love you.” Napangiti na ako nang marinig ko ’yon sa kaniya.
“I love you...” Dinikit ko ang labi ko sa kaniya. Saglit lang iyon pero grabe ang epekto sa akin. Parang kamatis na naman siguro ang pisngi ko sa sobrang pula.
“Ingat ka!” muling sabi niya nang makalabas na ako sa kotse niya.
Kumaway pa ako sa kaniya at ngumiti. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay muna akong makapasok bago siya umalis.
“Good morning!” bati ko kay Nihannah nang makita kong nandito na siya.
Agad siyang lumapit sa akin. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya. Sabog pa yata ’to.
“Hindi ako nakatulog nang maayos!” mariing sabi niya sa akin.
Taka naman akong napatingin lang sa kaniya. “Oh? Bakit?” tanong ko na.
“Hindi pa rin magsink in sa utak ko ’yung mga nangyari kahapon. Hindi ko alam kung totoo ba ’yon o naimagine ko lang, e.” Nagtantrums pa siya.
Bahagya akong natawa. “Totoo lahat ng nangyari, Nihannah. Hindi ka nag-imagine lang,” simpleng sagot ko sa kaniya.
Nakanguso naman siyang napatingin sa akin. Parang hindi pa rin siya naniniwala sa sinasabi ko.
“So totoo ngang galing sa libro si Ryo?” mahinang tanong niya. Tumango lang ako. “Paano ba kasi ’yon? Lahat ba ng characters sa libro ay lumalabas? Kasi kung oo, willing akong gumawa ng sarili ko para naman may ganiyan din ako,” dagdag niya pa.
Natawa na ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung joke ba ’yon o what. Willing talaga siyang gumawa ng sarili niyang manga para lang magkaroon din ng tulad ni Ryo? Para naman tuloy kaming walang-wala at umaasa lang sa mga karakter sa libro.
“Gusto ko ring maranasan ang ganiyan, e!” sabi niya pa.
Naiiling na lang ako. “Hindi madaling maranasan, Nihannah. Huwag mo na lang naisin at hintayin mo na lang ang totoong tao na para sa ’yo,” seryosong sabi ko naman.
“Pero ’to seryoso na. Hindi na siya babalik sa libro ’di ba?” seryosong tanong niya na nga.
Napabuntong hininga ako. “Ang alam ko ay hindi na. Parang ang kailangan naman ngayon ay kung paano siya makakatagal dito sa atin. May dapat banggitin na salita at sa oras na inuulit daw,” kunot noong sabi ko sa kaniya.
Ito na naman kami sa oras na inuulit. Hindi ko maintindihan talaga kung ano ’yon. May gano’n ba?
“Oras na inuulit...” mahinang sabi niya naman habang nakatitig sa akin. “Anong babanggitin mo kung sakali?” tanong niya pa.
“Something connected sa pagiging tao. Like sana maging tao ka na talaga, gano’n?” I shrugged. Hindi ko alam kung tatalab ba iyon.
“Ano naman ang kapalit kung hindi masasabi iyan? Kung hindi na kamo babalik sa libro si Ryo, anong kapalit kung sakaling hindi magawa ang bagay na ’yan?” muling tanong niya.
Doon ako napaisip. Oo nga naman... Anong mangyayari kung hindi ko agad magawa ang dapat?
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
KEKKA (BOOK 2)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 26, 2022 Ended: June 8, 2022 結果 Kekka Once you fall in love everything will be over. Don't fall or face the consequences? The decision is all yours!