13

33 18 10
                                    

Naglalakad kami ngayon ni Nihannah papunta sa canteen. Lunch break na at wala rin namang masyadong ginagawa o piniprint ngayon kaya maaga kami.

“You know what, I searched for the meaning of those numbers,” sabi niya sa akin.

Taka ko siyang tiningnan. “Alin?” tanong ko dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.

“Those angel numbers,” sagot niya pa na mas lalong nakapagpagulo sa akin.

Walang masyadong pila kaya naman mabilis din kaming natapos sa pagbili ng pagkain namin. Agad din kaming nakahanap ng pwesto.

“Anong angels number ba?” tanong ko ulit sa kaniya. Nakatutok na siya ngayon sa phone niya.

“Wait. Basahin ko sa ʼyo lahat,” sabi niya na tinanguan ko na lang. “The number 111 is usually considered to be a sign of enlightenment. It can also represent self-love, abundance, and good luck. Another reason you keep seeing the number 111 is because it's your inner voice telling you to focus on your desires and not to give up.”

Napatingin siya sa akin matapos basahin iyon. Ang ganda naman nung meaning nung 111.

“May mga meaning pala ʼyan?” tanong ko. Akala ko ay sa 11:11 lang meron, iyon daw ʼyung magwiwish ganoʼn. Hindi naman ako naniniwala sa ganoʼn.

“Meron naman lahat. Kung anong madalas mong makita na number, as in sobrang dalas tulad na lang nitong 111 or 1:11, ito ang meaning noʼn,” sabi niya naman.

Tumangu-tango na lang ako. Ngayon ko lang nalaman na may ganoʼn pala. Nakinig na lang ako sa sinasabi ni Nihannah habang kumakain kami.

“The angel number 444 is also associated with productivity, durability, and resolve. 444 is a sign that one should keep faith and that the angels are watching over one. They have taken it on themselves to guide one to a brighter future.” Tumatangu-tango lang ako sa kaniya. “May naisip ako,” bigla ay sabi niya naman.

Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya. “Ano ʼyon?” tanong ko bago sumubo.

“Kung tumalab kanina kay Ryo ang pagbanggit mo noong sumakto sa 2:22. Siguro kailangan nating malaman kung anong meaning nung angel numbers ang tutugma sa sitwasyon ninyo. Baka iyon ang maging sagot sa hiling mo,” paliwanag niya.

“Paano naman natin malalaman ang tutugma sa sitwasyon namin?” takang tanong ko.

Binalik niya muli ang atensyon sa phone niya at muling binasa ang mga nakalagay na meaning sa bawat number.

“I got it!” maya-mayaʼy sabi niya. “1010 ang gamitin mo. Nakalagay kasi rito is 'If youʼve been seeing 1010 angel number, it means that your angel are working hard to protect you from harm. The 1010 angel number is one of the most popular angels number. Itʼs a sign that your angels are near you, and want to protect you.' Sa lagay ninyo ni Ryo, siya ang poprotekta sa ʼyo kaya siya nakalabas sa libro,” pagtatapos niyang sabi.

Nakaawang lang ang bibig ko sa sinabi niya. Totoo nga na si Ryo ang poprotekta sa akin. Ang galing naman nito. So kailangan ko lang hintayin ang oras na 10:10 para mabanggit ko ulit iyon at maging ganap na siyang tao.

“Wait for 10:10pm. Susunduin ka niya mamaya ʼdi ba? Huwag mong kalimutan ang oras na inuulit,” makahulugang sabi niya pa sa akin.

Hindi na nga nawala sa isip ko ang sinabi ni Nihannah. Mabuti na lang talaga at hindi kami overtime ngayon kaya maaga kaming makakauwi. Gusto kong sabihin kay Ryo ang nalaman namin pero mas okay sigurong banggitin ko na lang ang dapat kapag sumapit na ang tamang oras.

“Una na kami sa inyo!” paalam ng isang kasamahan namin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko. Nakausap na ako kanina ng Boss namin about sa story ko at nagsisimula na raw iprint iyon. Kailangan ko na talagang matapos iyon para kumpleto na ang maprint.

“Una na rin ako, okay ka lang ba rito?” tanong ni Nihannah sa akin. Katatapos niya lang mag-ayos.

“Oo. Go lang, maghihintay ako kay Ryo,” nakangiting sagot ko naman sa kaniya.

Lumapit na siya sa akin para humalik sa pisngi ko. Patapos na rin naman ako sa pag-aayos ko at hihintayin ko na lang si Ryo. Wala pa akong natatanggap na text sa kaniya.

“Mag-8pm pa lang naman,” nasabi ko na lang sa sarili ko nang mapansin kong ako na lang ang naiwan dito sa office.

Wala pa ring text si Ryo, kahit chat o tawag ay wala pa rin. Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may narinig akong mga nag-uusap. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon. Yakap ko ang bag ko ng mahigpit at tumingin ako sa gawing pintuan.

“Wala na yatang tao, nakaalis na yata si Solemn!” rinig kong sabi ng isang lalaki. Mukhang malayo ang kausap niya base sa lakas ng boses niya.

“Gago! Nalusutan na naman tayo? Lagot tayo nito kay Boss!” sabi naman nung isa pa.

Mabilis akong yumuko para pumunta sa ilalim ng lamesa ko. Walang tigil sa bilis ng tibok ang puso ko dahil sa kaba. Nakarinig ako ng mga yapak. Napapikit ako at nagdasal sa isip ko.

“Lagot na naman tayo kay Boss Dominic nito. Ilang beses na tayong natatakasan ni Solemn!” sabi nung unang nagsalita kanina.

Napadilat ako nang marinig ko ang pangalan ni Dominic. Ang tagal na simula noong narinig ko ang pangalang ʼyon. Anong gusto niyang mangyari at pinaaabangan niya ako?

“Ano ba kasing trip ni Boss? Ang sabi niya lang ay kunin si Solemn, huwag sasaktan at kukunin lang,” rinig ko ulit na sabi nung naunang lalaki.

Mas lalo lang akong kinabahan. Ano nga bang kailangan ni Dominic sa akin? Bakit niya ako gustong makuha?

“Tara na nga. Wala naman na yatang tao rito. Lagot na naman tayo!” sabi ng huling lalaki.

Pinalipas ko ang ilang minuto na umabot na yata ng isang oras para makasiguro akong wala na nga ang mga ito. Wala pa ring text mula kay Ryo. Hindi ko alam kung bakit ganoʼn.

“Ryo...” mahinang banggit ko sa pangalan niya.

Isinubsob ko ang sarili ko sa tuhod ko. Naramdaman ko ang basa roʼn. Umiiyak ako. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa takot na naramdaman ko kanina.

“Sana totoong tao ka na lang, Ryo. Sana maging totoong tao ka na. Gusto kitang makasama ng matagal, gusto kitang makasama sa ganitong sitwasyon—na aalisin mo ang takot na nararamdaman ko.”

To be continued. . .

KEKKA (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon