12

30 18 18
                                    

Ihinanda ko na ang mga gagamitin ko para sa pagbʼbake namin. Katulong ko pa rin si Nihannah at si Ryo naman ay nasa sala pa rin. Magsisimula na kaming magbake para hindi abutin ng anong oras mamaya.

“Anong oras na ba?” tanong ko habang hinahalo na na ang ingredients.

“1:11. Bakit?” tanong naman ni Nihannah.

Natigilan ako nang marinig ko ang sinabi niyang oras. Hindi kaya...

“Oras na inuulit!” sabay pa naming sinabi ni Nihannah.

Mabilis kong binanggit ang... “Sana maging ganap na tao na si Ryo!” Nakapikit ko pang sabi.

Naghintay kami ng ilang minuto pero parang wala namang nangyari. Sinilip pa namin si Ryo pero parang wala lang sa kaniya. Walang nangyaring kahit ano.

“Oras na inuulit naman ang 1:11. Bakit parang walang epekto?” tanong ko sa sarili ko.

“May 2:22 pa naman at marami pa. Subukan mo lang nang subukan siguro. Baka isa sa mga oras na ʼyon ang tutugma!” sabi ni Nihannah.

Tumango na lang ako. Binalik ko ang atensyon ko sa ginagawa ko pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Nihannah. Paano naman kung mali pala kami?

“Abangan mo ang 2:22pm or 2:22am. Basta kahit alin basta inuulit na oras,” sabi pa niya.

“Nagsisimula na kayo?” tanong ni Ryo na kapapasok lang dito sa kusina.

Tumango lang ako sa kaniya. Mabilis kong binalingan si Nihannah na ngayon ay nakatingin naman din sa akin. Para kaming nag-uusap gamit ang mga tingin lang.

“Anong pwede kong gawin? Gusto ko ring tumulong magbake!” sabi niya pa.

Lumapit siya sa akin para tingnan ang ginagawa ko. Nakapwesto siya sa likuran ko at effortless na pinanonood ang ginagawa ko. Ang tangkad naman kasi niya.

“Wala pa namang gagawin, tawagin kita kapag meron na,” sabi ko sa kaniya.

Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko at ang pagpatong ng baba niya sa balikat ko.  Heʼs smelling my neck and shoulder. Argh, Ryo!

“Dito muna ako kung wala pang gagawin...” mahinang sabi niya pa.

Sinubsob niya na ang mukha sa leeg ko at humigpit pa lalo ang yakap sa akin. Alam kong nakatingin sa amin si Nihannah ngayon. Nasa sala lang ang magulang ko, walang hiya talaga ʼtong Ryo na ʼto, e.

“Umupo ka muna roʼn,” sabi ko pa sa kaniya pero naramdaman ko lang ang pag-iling niya.

“May tao pa po rito, hindi ako kinikilig sa inyo, a. Naiinggit ako mga bebs, oo, inggit nararamdaman ko,” rinig kong sabi ni Nihannah.

Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Nihannah. Bahagya ko ring inilalayo si Ryo sa akin pero ayaw talaga niya. Pasaway na lalaki.

“Tulungan na ninyo akong magbilog nito,” sabi ko sa kanila.

Kumalas na si Ryo sa akin para gawin ang sinabi ko. Si Nihannah ay tumulong na rin sa akin. Ilalagay pa ʼto sa oven. Balak kong maligo muna habang nakasalang ʼto.

“Ligo lang ako, kayo muna rito,” paalam ko sa kanila.

Hindi naman na ako naghintay pa ng sagot nila at mabilis na akong pumasok sa kwarto. Baka nga pagtapos kong maligo ay tapos na rin sila sa binake namin. Medyo matagal akong maligo, depende pa sa ganda ng kakantahin ko. Pfft.

“Maby, paano malalaman kapag okay na ʼyung cookies?” rinig kong tanong ni Ryo.

Mabi? Maby? Anong sinasabi niya?

“Tutunog naman ʼyon. Kapag tumunog na saka mo ilabas ʼyung tray. May potholder naman diyan sa tabi nung oven!” malakas na sabi ko para marinig niya.

“Okay!” malakas niya ring sabi at nakarinig na ako ng yapak. Mukhang palabas na siya ng kwarto.

Mamaya ko na lang itatanong kung bakit ganoʼn ang tinawag niya sa akin. Ang pangalan ko ay Sol or Solemn, hindi Mabi o Maby.

“Ang bango!” sabi ko paglabas ko ng kwarto.

Amoy na amoy ang bango ng cookies na binake namin. Nakakagutom naman. Gusto ko tuloy magkape at itong cookies ang partner.

“Tikman mo na ang gawa mo!” excited na sabi ni Nihannah.

May nakahanda na ngang platito na may cookies. May milk na ring katabi. Napatingin ako kay Ryo na ngayon ay nakatingin na rin sa akin at nakangiti.

“Hinanda ko ʼto para sa ʼyo, Maby!” natutuwang sabi niya pa. Ito na naman tayo sa pagtawag niya ng ibang pangalan sa akin.

“Anong Maby ba ʼyan? Solemn ang pangalan ko,” salubong ang kilay kong sabi sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

“Maby short for My Baby. Cute kaya!” sabi pa niya. Narinig ko naman ang pagkakasamid ni Nihannah.

“Ang corny ninyo!” sabi niya sa amin ni Ryo.

Tinikman ko na ang cookies na gawa ko. Mainit-init pa ʼyon kaya medyo malambot pa. Mas masarap kapag malamig na, e.

“Natikman na ba ninyo?” tanong ko sa kanila.

Tumango si Nihannah sa akin. “Ang sarap. Nakatatlo ako hehe,” sagot niya sa akin.

“Muntik na naming maubos, ang sarap kasi ng gawa mo!” sabi ni Ryo sa akin at nakiagaw pa nga sa cookies ko.

“Baka kulang pa sa inyo? Kuha lang kayo sige lang,” plastic ang ngiti at sarcastic na sabi ko sa kanila. Ewan ko lang kung maramdaman nila.

“Okay na ako sa nakain ko, baka tumaba ako,” sabi ni Nihannah na ngayon ay nakahawak pa sa tiyan niya.

Si Ryo naman ang binalingan ko. Abala sa pagnguya habang nakatingin sa cookies na hawak niya. That was cute gesture ackk!

“Sana maging totoong tao ka na...” nasabi ko na lang habang nakatitig sa kaniya.

Nagulat naman siya nang mapatingin sa akin. May konting umilaw sa dibdib niya. Nanlaki rin ang mga mata ko nang makita ko ʼyon.

“2:22pm na, Sol! Sumakto ang sinabi mo!” malakas namang sabi ni Nihannah.

Hinintay naming may mangyari kay Ryo pero saglit na pag-ilaw lang naman sa dibdib ang nangyari. Hindi ko alam kung anong sign ba ang mangyayari para malaman kung natupad na ba ang hiling ko.

“So you know how to do it...” mahinang sabi ni Ryo habang nakahawak sa dibdib niya. “Pero hindi umilaw ang buong katawan ko kaya hindi pa iyon ang nakatakdang oras para sa pagbigkas ng mga salita,” dagdag niya pa.

So kailangan pala na iilaw ang buong katawan niya. Kapag nangyari ʼyon ibig sabihin ay nagawa ko na ang dapat. Magiging ganap na tao na siya noʼn.

To be continued. . .

KEKKA (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon