Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Nihannah. Bakit nga ba ngayon ko lang naisip ang iyon kung kailang may nakapagsabi na.
Kung hindi na siya babalik sa libro dahil iba na ang misyon o nakatakda... Paano na siya kung hindi ko magawa ang dapat?
“Lunch na tayo!” pag-aaya ni Nihannah sa akin.
Hindi pa ako tapos sa ginagawa ko pero pwede namang iwan muna ito. Wala pa rin palang balita sa librong pinasa ko. Malapit ko naman na iyong matapos at handa na rin naman ang cover na gagamitin ko.
“Nagsulat ka?” tanong ni Nihannah nang mapansin ang nasa computer ko.
Inayos ko na muna ang mga gamit ko para mamaya ay hindi na ako mag-aabala pa.
“Oo, patapos na rin naman. Ilang chapter lang naman ’yon at manipis lang kung magiging libro,” sagot ko naman.
“Ang ganda nga nung cover mo, e. Sure akong maraming bibili niyan kung magiging libro. Ang ganda rin naman ng gawa mo,” puri niya sa akin.
Nang matapos ay umangkala na ako sa kaniya para sabay na kaming pumunta sa canteen. Sa loob ng ilang taon, si Nihannah lang ang naging kaibigan ko. Wala akong ibang naging kaibigan bukod sa kaniya. Ewan ko ba kung may sumpa ako at wala man lang nagtatangkang makipagkaibigan sa akin.
“Try natin bagong ulam dito, may nakita ako kanina,” sabi niya pagkarating namin sa canteen.
Nakapila kami ngayon at medyo mahaba pa kaya naman kinuha ko ang phone ko at tiningnan kung may text ba si Ryo sa akin. Hindi naman ako nagkamali nang may matanggap nga ako.
From: Ryo^^
Good afternoon. Lunch na ninyo? Kumain ka at huwag kang magpalipas ng gutom. See you later.
Hindi mo talaga aakalaing galing sa libro ang lalaking ’to. Ang normal niya kasi at parang totoong tao lang. Sana nga totoong tao na lang siya.
“12:12pm pa lang pala. Ang aga nating naglunch, a!” rinig kong sabi ni Nihannah kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.
“Late kasi talaga tayo maglunch kaya naninibago ka ngayon,” sabi ko naman.
Ilang saglit lang naman kaming naghintay dahil hindi naman gano’n katagal bumili ang iba. Nang kami na nga ang bibili ay sinubukan nga ni Nihannah ang bagong ulam dito. Mukhang masarap naman pero hindi ako mahilig sa gulay.
“Try mo ’tong kainin, a!” sabi niya pa habang papunta na kami sa table namin.
Tiningnan ko ang pagkain na binili niya. Hindi ko alam kung anong tawag dito pero puro gulay talaga, e. Hindi ko trip.
“Hindi ako masyadong kumakain ng gulay, okay na ako sa ganito,” sabi ko sa kaniya at tinuro ang plato kong may lamang isang chicken leg.
“Kaya ang payat mo at ang tamlay, e. Kulang ka sa sustansya,” sabi niya pa sa akin.
Aminado naman akong kulang ako sa sustansya. Madalas din akong puyat dahil na rin sa trabaho ko. Pero okay naman ako, sadyang ganito lang ang katawan ko—slim lang.
“Ikaw na lang ang kumain niyan. Mukhang bet mo naman,” sabi ko na lang.
Nagsimula na kaming kumain dahil marami pa nga kaming tatapusin. Ako ay may tatlong chapter pa para matapos ko na ang story ko. Sana lang ay maging pisikal na libro iyon.
Mahika ang title na ginamit ko at dalawang kamay na magkahawak ang cover. Isang kamay na normal at isang kamay na nababalot ng ibang kulay na magsisilbing mahika. Sa librong ’yon ay ginamit ko si Josaiah at ang kaibahan lang ay POV niya ang nandoon. Kumbaga ginawaan ko siya ng kwento noong mga panahong nasa loob siya ng libro, kung paano ang buhay niya ro’n at kung paano nagsimula lahat—pero sa sariling imagination ko lang iyon, hindi ko talaga alam kung paano siya sa loob ng libro.
“Solemn De Vera?” rinig kong tawag sa pangalan ko.
Nagsusulat ako ngayon sa storya ko nang tawagin ako ng boss namin. Mabilis naman akong napatayo para makita niya ako. Agad siyang ngumiti sa akin.
“Congratulations! Naapprove na ang book mo at sooner or later ipiprint na ’yon kasabay ng iba pa. Magiging pisikal na libro na ang akda mo!” natutuwang balita sa akin ni Boss.
Napaawang naman ang bibig ko dahil sa balitang iyon. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon dahil sa natanggap kong balita.
“Omg ka! Congrats!” bati sa akin ni Nihannah.
Katatapos lang ng trabaho namin. Hindi tulad nung mga nakaraan, maaga kaming natapos ngayon. 7pm pa lang ay tapos na kami kaya maraming oras para gumala ang iba naming katrabaho.
“Salamat. Soon ikaw naman!” sabi ko naman sa kaniya na tinawanan niya lang.
“Natutuwa talaga ako. Gusto kong mahawakan ang librong ikaw mismo ang sumulat. Pwede bang libre na lang sa akin? Kaibigan mo naman ako,” nakangusong sabi niya pa.
Natawa naman ako habang inaayos ang mga gamit ko. Wala pa man ay naiimagine ko na ang magiging itsura ng libro ko.
“Sure. Isang copy lang naman para sa ’yo. Regalo ko na rin sa birthday mo,” nakangiting sabi ko sa kaniya.
Tumili naman siya dahil sa tuwa at niyakap pa ako. Excited na raw siyang mabasa ang gawa ko. Hindi siya mahilig sa fantasy pero kung gawa ko naman daw ay babasahin niya pa rin naman.
From: Ryo^^
Nandito na ako sa labas. Hihintayin kita rito, Sol. I love you.
Napangiti ako nang mabasa ko ang text ni Ryo sa akin. Napansin ni Nihannah iyon kaya naman inasar-asar niya ako. Binitbit ko na ang mga gamit ko at sabay na kaming lumabas ng office.
“Isang libro lang ba ang balak mo? I mean hindi ka na magdadagdag ng isa pang gagawing pisikal na libro?” tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
“Hindi muna siguro. Mahika muna siguro ang una at huli sa ngayon,” sagot ko naman. “Nandito na si Ryo. See you tomorrow!” paalam ko kay Nihannah at humalik sa pisngi niya.
Nang makalapit naman ako kay Ryo ay agad niya akong niyakap at hinalikan sa noo. Ang sarap namang umuwi kapag ganito palagi ang sasalubong sa akin.
“How’s my baby? Hmm?” mahinang tanong niya sa akin.
Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya. Ang hot lang ng dating sa akin ng pagkakatanong niya. D*mn! Malala na ako at kasalanan ni Ryo ito.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
KEKKA (BOOK 2)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 26, 2022 Ended: June 8, 2022 結果 Kekka Once you fall in love everything will be over. Don't fall or face the consequences? The decision is all yours!