“Ano?!” gulat na tanong ni Nihannah sa akin nang sabihin ko na umilaw ang buong katawan ni Ryo kanina.
“Oo, hindi ko alam na sumakto pala sa 10:10 ang oras tapos binanggit ko ʼyung dapat sabihin,” sabi ko naman.
Nanlalaki ang mga matang nakatingin siya kay Ryo ngayon. Tulog pa rin si Ryo dahil masyado siyang napuruhan kanina. Kailangan niya ng mahabang pahinga.
“So kaya siya tinablan dahil tao na siya?” mahinang tanong ni Nihannah.
“Ganoʼn na nga siguro,” sagot ko. Hindi ko kasi alam kung tatablan ba siya kung hindi pa siya ganap na tao.
“So tao na nga siya talaga. Pwedeng-pwede na talaga kayo...” usal ni Nihannah. Napabuntong hininga pa siya. “Lord, anak mo rin naman ako pero bakit si Sol lang ang may ganito?” nakatingalang sabi niya pa.
Hinatak ko siya para makalapit sa tabi ko. Nakaupo kami ngayon sa sofa at hinihintay na lang magising si Ryo.
“Anak, anong nangyari?” tanong ni Mama. Kararating lang nila ni Papa rito.
“Ma... Natamaan si Ryo kanina habang nakikipaglaban siya sa dalawang lalaking balak kunin ako,” paliwanag ko naman.
Chineck pa nila ako kung may nangyari ba sa akin. Nakahinga sila ng maluwag nang masigurong maayos lang ang lagay ko.
“Sino naman ang dalawang lalaking ʼyon at balak kang kunin?” tanong ni Papa.
Pinaupo ko muna sila. Nanatiling tulog si Ryo at ayaw kong mastorbo siya.
“Tao sila ni Dominic. ʼYung dating kaklase ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako gustong kunin,” sagot ko sa mahinang paraan.
“Baka nga may gusto sa ʼyo si Dominic?” tanong ulit ni Nihannah.
Inilingan ko siya. Hindi nga kasi talaga magkakatotoo ang sinasabi niyang ʼto. Hindi ako magugustuhan ni Dominic.
“Baka naman may nagawa ka sa kaniya?” tanong naman ni Mama.
Nagkibit balikat ako. “Sila pa nga ang may atraso sa akin noon. Wala akong ginawa sa kaniya o kahit sino sa mga kaklase ko,” sagot ko.
“Anong atraso nila sa ʼyo?” tanong ni Papa.
Natigilan ako dahil doon. Hindi ko pala napigilan ang sarili ko at nasabi ko ang ilang taon kong hindi binabanggit sa magulang ko.
“Sol...”
Sabay-sabay kaming lumingon kay Ryo nang marinig namin ang tawag niya. Mabilis akong lumapit sa kaniya.
“Kumusta pakiramdam mo?” agad na tanong ko sa kaniya.
Tinulungan ko siyang makaupo at sumandal sa headrest ng kama niya. Nahihirapan pa siya at bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman niya.
“Water...” mahinang sabi niya.
Mabilis akong bumaling sa mga kasama ko. Nakahawak pa rin ako kay Ryo ngayon at hindi ko magawang umalis kaya isa sa kanila na lang ang umabot ng tubig.
“Here!” si Nihannah na ang kumuha ng tubig para kay Ryo.
Nakatingin lang ako kay Ryo habang hinihintay na matapos siyang uminom. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon. Akala ko talaga kanina ay mawawala na si Ryo sa akin.
“Okay ka na ba?” tanong ni Mama kay Ryo.
Bahagyang tumango si Ryo. “Opo medyo okay na,” sagot niya kay Mama.
“Sol. Samahan mo nga muna ako sandali sa labas,” sabi naman ni Papa.
Tumingin ako kay Ryo na bahagyang ngumiti sa akin. Dahan-dahan kong inalis ang mga kamay ko sa kaniya para makasunod na ako kay Papa sa labas. Nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo.
“Ano ʼyon, Papa?” tanong ko kay Papa nang makalabas ako.
Seryoso siyang nakaharap sa akin ngayon. Nakaramdam ako ng kaba.
“Panahon na para malaman mo ang totoo,” sabi niya. Wala akong idea kung anong totoo ba ang sinasabi niya. “Lola mo ang may kagagawan ng mahika,” dagdag niya pa.
Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Paanong nangyaring si Lola? Nanay ni Papa? O Nanay ni Mama?
“Si Mama ang gumawa ng Ochinaide noon, sinabi niya sa akin na para sa magiging anak ko ang librong iyon. Nagkahiwalay kami ng Lola mo dahil sa mga taong sumugod sa amin nang malamang gumagawa ng mahika ang Lola mo. Inisip nilang mangkukulam si Mama at sinunog ang bahay namin. Hindi ko na alam kung nasaan siya at ilang taon na ang lumipas noon,” kwento ni Papa.
“Pero inakala ninyong baliw ako noon, Pa. Dinala ninyo ako sa Psychiatrist para ipatingin at pinadala ako sa rehab,” sambit ko naman.
“Parte ng mahika ang mga nangyari noon. Nawala sa alaala namin si Josaiah o Ryo. Nawala ang librong matagal na nasa iyo dahil na rin sa paglabag ng karakter nito. Ang sabi ni Mama sa akin noon ay ang taong nasa libro ang poprotekta sa ʼyo. Mukhang hindi naman niya tayo binigo dahil nandito na nga si Ryo,” nakangiting sabi pa ni Papa.
“So all this time alam ninyo ang ibig sabihin ng mahika sa librong Ochinaide at Kekka?” tanong ko sa kaniya.
“Oo. Alam ko lahat at binibigyan kita ng hint para sa mga mangyayari. Nagawa mo na, anak. Ganap na tao na si Ryo,” bakas ang tuwa sa tono ni Papa.
“Anong kapalit ng pagiging ganap na tao niya?” tanong ko. Alam kong may kapalit pa rin lahat ng ito.
Nawala ang ngiti at tuwa ni Papa. Napalitan ng walang emosyon ang mukha niya. Kinabahan na naman ako.
“Hindi lalagpas sa dalawangpuʼt pitong taon ang buhay niya bilang tao. 27 years lang ang itatagal niya sa mundong ʼto.”
Mabilis na nanggilid ang mga luha ko. Alam kong matagal na rin ang 27 years pero gusto ko sabay kaming tatanda. Gusto kong mawala kami parehas dahil sa katandaan at hindi dahil sa sakit o ano pa mang dahilan ng kamatayan.
“Normal na talaga siya. Pwede siyang magkasakit na...” Ayaw kong gawing negatibo lahat ng nangyayari o mangyayari pa.
“Matanda na rin kami, anak. Si Ryo na ang bahalang mag-alaga sa iyo. Magkaroon sana kayo ng pamilya, maabutan pa sana namin ang magiging apo namin ng Mama mo,” nakangiting sabi pa ni Papa.
“Aabot kayo, Papa. Malakas pa naman kayo,” siguradong sagot ko. Ayokong isipin na mawawala isa man sa kanila. Ayokong maging negatibo.
“Ngayong natapos na ang mahika at normal na lahat, gusto kong maging masaya ka at gawin mo na ang gusto mong gawin sa buhay mo. Kung nais mo ng bumukod sa amin ay papayag naman na kami ng Mama mo,” dagdag niya pa.
Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Hindi ako bubukod, Papa. Habang buhay kayo, kasama ko kayo sa iisang bahay. Hindi ako aalis,” seryosong tugon ko.
Tumango-tango siya sa akin at tinapik pa ako sa balikat. Inaya niya na akong pumasok muli sa loob pero nagpaiwan muna ako saglit.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
KEKKA (BOOK 2)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 26, 2022 Ended: June 8, 2022 結果 Kekka Once you fall in love everything will be over. Don't fall or face the consequences? The decision is all yours!