Nakaupo ako ngayon habang umiinom ng kape sa cafè na nasa tapat lang ng condo ko. Bagong bukas lang ’to last week at ngayon ko lang nasubukan dahil ngayon lang ako may free time.
“Siya ’yon!” rinig ko pang sabi ng mga dalaga sa paligid.
Isinara ko na ang librong Kekka na katatapos ko lang basahin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako mismo ang sumulat ng Ochinaide at Kekka. Parang imposible pa rin kahit hawak ko naman na ang physical na libro nito.
“Magpapicture tayo!” sabi pa ulit ng mga ito.
Naramdaman ko na lang ang mga presensya nila sa tabi ko. Mabilis kong inangat ang tingin ko sa kanila habang may nakapaskil na ngiti sa labi ko.
“Yes?” tanong ko sa kanila.
Nagtutulakan pa ang mga ito at halata namang nahihiya sa akin. Bahagya akong natawa at bumaling na ng tuluyan sa kanila.
“Ano ’yon?” tanong ko ulit sa kanila.
“Uhm... Pwede po bang magpapicture, Miss Sab?” tanong ng nasa gitna. Bakas pa rin ang hiya sa kaniya.
“Sure!” nakangiting sagot ko naman.
Isa-isa silang nagpapicture sa akin. Nang matapos ay muli na naman silang nagtulakan at nagbulungan.
“Pwede po bang pa-sign na rin sa book namin?” tanong naman ng babaeng maikli ang buhok.
Inilabas nila ang mga libro nila. Ang isa sa kanila ay kumpleto na ang libro. Ochinaide, Kekka at Mahika. Nakakatuwa namang makita ang librong ako mismo ang sumulat.
“Maupo muna kayo at magkwentuhan tayo habang pumipirma ako sa mga libro ninyo,” sabi ko sa kanila at bahagyang idinasog ang mga gamit ko para makatabi sa akin ang isa.
Tatlo lang naman sila at ang dalawa ay pwedeng sa harapan ko maupo dahil apatan na upuan naman ang nandito. Sinimulan ko na ngang pirmahan ang mga libro nila.
“Anong pangalan ninyo?” tanong ko sa kanila. Hindi maalis ang ngiti ko habang pinipirmahan ang mga librong nasa harapan ko.
“Noriz po,” sagot ng katabi ko, siya ang nagsabi kanina kung pwedeng magpapicture.
“Ang ganda naman ng name mo,” sagot ko sa kaniya at binigyan siya ng isang malawak na ngiti.
“Mixie naman po ako,” sagot nung nagsabing magpapapirma raw.
“Althea naman po name ko,” pakilala nung huli.
Tapos ko nang pirmahan ang mga libro nila kaya binalik ko na sa kanila iyon at inilagay muli sa bag ko ang paborito kong pen. Ito ang gamit ko simula noong naging Published Author ako. Dala ko ito kahit saan ako magpunta.
“Ang gaganda naman ng mga name ninyo, pwedeng gamitin sa story!” natutuwang sabi ko pa.
“Speaking of story po. Pwede po ba naming malaman kung paano nabuo ang novella ninyo?” curious na tanong ni Mixie.
Humigop muna ako sa kape ko at muling ngumiti sa kanila. Inisip ko kung paano ko nga ba iyon ginawa.
“Wala akong ibang kaibigan mula noong mag-aral ako at hanggang ngayong nakapagtapos,” natatawang umpisa ko na. “Sa pagsusulat ko idinaan lahat ng mga naranasan ko. Sa novella na Ochinaide, si Solemn lang ang totoo—I mean ako kasi si Solemn, ako ang gumanap doon pero lahat ng mga kasama niya ay gawa lang ng imahinasyon ko,” kwento ko sa kanila.
Napatangu-tango sila at iniintindi ang mga sinasabi ko. Nakikinig lang at naghihintay na magsalita ulit ako.
“Bata pa lang ako nang mawalan ako ng magulang. Naranasan kong pagpasa-pasahan ng mga kamag-anak ko para alagaan ako. Mahirap mabuhay ng walang taong nandiyan para damayan ka kahit papaano pero kinaya ko naman. Kagaya ng sabi ko ay dinaan ko lahat sa pagsusulat. Sa storya kung saan kaya kong magkaroon ng pamilya at kaibigan. Na kahit sa story lang maranasan ko lahat ng hindi ko naranasan in real life,” dagdag ko pa.
“So hindi talaga nag-e-exist si Josaiah and Ryo?” malungkot na tanong ni Althea.
Umiling ako. “Hindi sila nag-e-exist. Mismong character lang ni Solemn ang totoo which is ako nga iyon,” natatawang sagot ko pa.
“So totoo pong nabubully ka noon? Wala kang kaibigan hanggang ngayon kahit po sikat ka na?” tanong naman ni Noriz.
I sip in my coffee again. “Yes. Nabubully ako noon—normal ʼyon sa mga kabataan lalo na kung elementary ganiyan. Mga simpleng asaran lang naman. Pero never talaga akong nagkaroon ng kaibigan, siguro they considered me as their friend pero para sa akin kasi hindi ko alam, nahihirapan akong magtiwala. Naiisip kong baka kinakaibigan lang ako kasi nga sabi mo sikat ako. Ayaw ko ng ganoʼn,” sagot ko.
“Kung bibigyan ka po ng pagkakataon na magkatotoo ang isa sa mga character mo, sino po ang gusto ninyong mabuhay rito?” tanong ni Althea.
Napangiti ako sa tanong niya dahil kahit ako sa sarili ko ay natatanong ko na rin iyon. Sino nga ba ang gusto kong mabuhay na character ko?
“Siguro si Ryo...” sagot ko na agad nilang tinilian. Pinagtinginan pa kami dahil sa ingay nila. “Si Ryo kasi ʼyung nagprotect kay Solemn kagaya ng kung paano siya protektahan ng magulang niya. Si Ryo ang nasa tabi ni Solemn noong walang gustong kumaibigan sa kaniya. In short, Ryo can do anything for Solemn. He can be her mother and father at the same time, he can be her best friend and lover at the same time, too. Si Ryo ang gusto kong mabuhay kung bibigyan ako ng pagkakataon,” nakangiting sagot ko.
“Kinikilig ako!” sabi ni Noriz.
“Sana nga po may makilala kayong tulad ni Ryo, hindi man katulad pero ʼyung guy sana na handa ka pong mahalin hanggang dulo at gawin din lahat para sa ʼyo,” sabi naman ni Mixie.
Nagbuga ako ng isang malalim na hininga at tumangu-tango sa kanila. Nakatingin lang sila sa akin at bakas pa rin ang paghanga sa mukha nila. Pare-parehas lang naman kami ng estado sa buhay, siguro nga kilala ako bilang sikat na manunulat pero hindi ibig sabihin noʼn na naiiba ako sa kanila. Gusto kong tingnan nila ako na parang normal lang ganoʼn, na hindi isang sikat at mahirap abutin.
“Mauna na ako sa inyo, ha. May trabaho pa akong naghihintay,” napapakamot sa ulong sabi ko sa kanila.
“Sure po! Ingat ka po, Miss Sab!” masiglang sabi pa ni Mixie sa akin.
Nakipagkamay ako sa kanila na ikinagulat pa nila. Mga dalaga sila at halatang mahilig nga magbasa, naiintindihan ko naman kung ganito ang reaksyon nila kung makikita man nila ang hinahangaan nila. Pero gusto ko talagang itrato lang nila akong parang kakilala.
“Ingat din kayo. See you when I see you!” nakangiting usal ko at kumaway sa kanila para tuluyang umalis na.
To be continued. . .
BINABASA MO ANG
KEKKA (BOOK 2)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 26, 2022 Ended: June 8, 2022 結果 Kekka Once you fall in love everything will be over. Don't fall or face the consequences? The decision is all yours!