11

28 18 8
                                    

Walang pasok ngayon kaya naman nandito si Ryo sa bahay at dito siya nakatambay ngayon. Wala si Mama at nasa Palengke. Si Papa naman ay abala sa mga binabasa niyang diyaryo.

“Tito, ako na magluluto ng tanghalian!” malakas na sabi ni Ryo dahil nandito kami sa kusina at si Papa ay nasa sala.

“Hayaan mo na si Sol na magluto, hijo. Nakakahiya naman sa ʼyo,” sabi naman ni Papa.

“Ako na po!” muling sabi ni Ryo. “Ano bang gusto mong tanghalian natin?” tanong niya naman sa akin.

Pumunta ako sa ref para tumingin ng pwedeng iluto ngayon. Wala na naman pala kaming stocks kaya pala namalengke si Mama.

“Parang masarap ang ginisang kamatis at tinapa o galunggong?” sagot ko naman.

May nakita akong tinapa sa ref kasama ang iba pang gulay. May galunggong naman din sa freezer. Mas masarap yata ang galunggong sa ginisang kamatis.

“Sige, magginisang kamatis tayo at galunggong na lang, paabot ako nung mga kamatis,” sabi niya naman.

Kinuha ko na ang isang plastic na kamatis. Hindi naman sobrang dami noʼn at sure naman akong kakasya na sa amin iyon kapag naluto. Hinugasan niya na ang mga kamatis kaya naman ako na ang nagtalop sa iba pang sangkap.

“Curious lang ako, kumakain ka rin ba sa loob ng libro?” tanong ko bigla. Bigla rin kasing pumasok sa isip ko iyon.

Natawa naman siya sa akin. “Of course. Kung anong buhay ko ngayon ay ganoʼn din naman sa loob ng libro. Para lang kaming normal na tao roʼn. Nag-iiba lang naman kapag nakalabas ng libro dahil may mahikang nababalot sa katawan ko noong lumabas ako,” sagot niya naman.

Napatangu-tango na lang ako. Ganoʼn pala ang buhay niya roʼn. So tama lang pala ang sinulat ko sa librong MAHIKA. Kahit pala wala akong alam talaga sa kung anong buhay niya roʼn ay medyo tumama naman pala kahit papaano ang mga sinulat ko.

“Ang angas lang ano, posible pala ang ganitong pangyayari?” natatawang sabi ko pa.

“Kahit ako ay hindi ko alam na pwede pala ang ganito,” sabi niya rin naman.

Magkatulong kami sa pagluluto. Ako ang nagprito sa galunggong at siya naman ang naggisa sa kamatis. Naabutan pa kami ni Mama pero patapos na kaming magluto nang dumating siya.

“May lakad ba kayong dalawa?” tanong niya sa amin.

Kasalukuyang nag-aayos siya ng mga pinamili niya. Since huling salang naman na ang nasa kawali ay tumulong na rin ako sa pag-aayos niya ng mga groceries.

“Wala yata. Ryo, aalis ba tayo?” tanong ko dahil hindi rin ako sure kung may lakad ba kami.

“May gusto ka bang puntahan?” tanong niya rin pabalik. “Tita, tikman mo nga kung ayos na ba ang alat,” sabi niya kay Mama.

May hawak siyang isang kutsara at may lamang kamatis na ginisa. Pinanonood ko lang sila ni Mama. Bigla kong naisip na ganito rin kaya siya sa Magulang niya sa loob ng libro?

“Okay na ʼyan. Ang sarap naman ng luto mo,” sabi pa ni Mama kay Ryo. Nagkatuwaan pa nga silang dalawa kaya napangiti na rin ako.

“Wala naman akong ibang pupuntahan. Dito na lang siguro tayo sa bahay? Parang gusto kong magbake,” sagot ko sa tanong ni Ryo kanina.

Bumaling naman siya sa akin habang may ngiti sa labi. “Sure. Kumpleto ka ba sa ingredients mo?” tanong niya na agad kong tinanguan.

“Imbitahan mo rin kaya ang kaibigan mo, Sol?” sabi ni Mama.

Iyon nga rin ang balak ko kanina pa. Since wala namang pasok ay baka bored na bored na si Nihannah sa bahay nila.

“Mamaya ay ichachat ko siya,” sagot ko naman. Binalikan ko na ang niluluto ko.

“Anong balak mong i-bake?” tanong ni Ryo sa akin.

Tapos na siya sa pagluluto kaya ako na lang ang nandito sa harapan ng kalan. Nakaupo na siya at tumutulong sa pag-aalis ng mga binili ni Mama mula sa plastic.

“Cookies and brownies lang naman kaya ko, isa roʼn siguro,” sagot ko.

Hinango ko na ang niluto ko at nang matapos ay nakisali na rin ako sa kanila. Chinat ko na rin si Nihannah at sinabi niyang pupunta naman daw siya. Sinabi ko ring dito na lang siya mananghalian kung gusto niya.

“Nasa labas pa lang ako ay naamoy ko na ang bango ng ulam ninyo, a! Nakakagutom naman!” bungad niya pagkarating.

Natawa naman si Mama at Papa sa kaniya. Agad siyang nagmano sa magulang ko at tumango naman siya kay Ryo.

“Maupo ka na at nang makapagsimula na tayong kumain,” sabi ni Mama kay Nihannah.

Nakahanda naman na lahat kaya nagsimula na nga kaming kumain. Masarap kumain kapag nakakamay kaya iyon ang ginawa namin. Mapaparami ang kain ko nito.

“Magbʼbake ako, gusto mong tumulong?” tanong ko kay Nihannah.

Katatapos lang naming kumain at kami na ni Nihannah ang nagliligpit ng mga ginamit namin. Magkausap sa sala si Mama, Papa at Ryo.

“Anong i-bʼbake mo?” tanong niya naman.

Ako na ang naghugas ng mga kinainan namin at si Nihannah na ang nagpunas sa lamesa.

“Brownies or cookies. Ano bang tingin mong mas magugustuhan ninyo?” tanong ko rin sa kaniya.

Kung ako lang ang magdedecide, mas gusto ko ang cookies para pwedeng ma-stock dito sa amin, kung sinong may gusto ay pwedeng kumuha anytime.

“Cookies na lang,” sagot niya naman.

Tumango na lang ako kahit hindi ko sigurado kung nakita niya ba. Pinagpatuloy ko na lang ang paghuhugas ko ng mga plato. Naririnig ko pa ang tawanan nila Mama mula sa sala. Mukhang maganda ang usapan nila.

“Ano na pala ang balita tungkol doon sa kung anong mangyayari kapag hindi mo nagawa ang dapat mong gawin?” tanong ni Nihannah.

Bumaling ako sa kaniya. Nakaupo na siya ngayon at nakatingin sa akin na salubong pa ang kilay. Napabuntong hininga ako at muling binalik sa paghuhugas ang atensyon.

“Mamamatay siya...” mahinang sagot ko.

“Ano?!” malakas at gulat pang sabi niya kaya napatingin ako ulit at pinandilatan siya ng mga mata.

“Kailangan bago umabot ang isang taon ay magawa na agad ang dapat. Kapag hindi umabot at sa mga araw na lumilipas na hindi natutupad ang dapat, may mangyayari kay Ryo...” muling sabi ko naman.

“Kailangan mo lang namang banggitin ang kataga na dapat ʼdi ba?” tanong niya na agad kong tinanguan.

“Oo. Sa oras na inuulit daw,” sabi ko pa at muling nagbuga ng hangin. Hindi ko talaga alam ang sinasabi nilang oras na inuulit.

To be continued. . .

KEKKA (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon