Naghahanda ako ngayon para sa book signing ko. Sa ilang taon kong nagsusulat, nakabili pa ako ng sarili kong bahay. I have the things that I want pero ang mga taong gusto kong makasama ay wala.
Minsan naiisip ko kung talaga bang ganito na lang ako o may darating sa buhay ko kagaya sa mga sinusulat ko. Lahat ng gusto ko sa libro ko lang nararanasan.
“Ang pretty mo naman, Miss Mariarcane!” bati sa akin ng isang staff.
Nginitian ko naman siya. “Maganda tayo!” sabi ko pa.
Lagi niya akong pinupuri kapag nagkikita kami. Approachable naman ako at hindi ko naman sila sinusungitan. Wala lang talaga akong masasabi kong kaibigan ko.
“Ready na ang pwesto mo, Madam!” sabi naman sa akin ni Geoffe, isa ring staff na medyo close sa akin.
Iʼm wearing my favorite outfit today. Korean style ʼto, suot ko ang polo cropped top na white ko at pinatong ko naman ang sleeveless black and pink na cropped top din pero mas mahaba ito kumpara sa polo. I wore my gray high waist skirt and my black high cut boots. Korean style indeed.
“Miss Mariarcane, ang sabi sa amin ay ang mga pwede lang magpasign ay ang mga may set na book. Kapag daw po kulang ay hindi pwede,” sabi ni Lea, ang bumabati sa akin madalas.
Agad nangunot ang noo ko. Thatʼs unfair. Hindi patas sa mga hindi kumpleto ang libro pero nagpunta para magpasign sa akin.
“No. Papasukin pa rin kahit na isa lang ang librong dala,” sagot ko sa kaniya.
Hindi na siya umimik pa dahil alam niya namang ipipilit ko pa rin ang gusto kong mangyari kahit sabihin pa nilang bawal. Ayaw ko lang maging unfair sa mga gustong magpasign.
Nang sabihing magsisimula na ay hinanda ko na ang pen and marker ko. Ang iba kasi sa kanila ay gustong sa mismong cover ako pumirma kaya kailangan marker ang gamitin ko.
“Wow! Ang cute naman ng bag mo!” manghang sabi ko dahil nakabag pa talaga ang book ng unang magpapasign.
“Yes, Ate. Iniingatan ko ang books ko,” sagot niya naman sa akin.
Isa-isa kong pinirmahan ang books niya. Hindi maalis ang ngiti ko kapag nakikita ko ang mga ito. Hindi ako makapaniwalang ako ang gumawa ng mga ito. Nahahawakan ko na sila physically.
“Ang galing mo pong magsulat, Ate Mariarcane!” sabi naman ng sumunod.
Ang dami kong natatanggap na mga papuri sa kanila habang nagsʼsign ako ng mga book nila. Nakikipagbiruan pa ako minsan sa iba.
“Sana kasi nag-exist na lang si Ryo!” sabi pa ng isa kaya natawa ako.
Ang dami namang nagmamahal kay Ryo. Kung nag-exist pala siya ay marami akong kaagaw? Pffft. Kidding.
“Malay mo naman makita mo na rin ʼyung Ryo ng buhay mo,” pang-aasar ko pa.
Natawa kami parehas dahil doon. Pero totoo naman sinabi ko, masyado nilang tinaasan ang standards nila at binase sa mga nasa libro kaya bihira na lang talagang makahanap ng tulad ni Ryo.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na magkaroon ng isang tulad ni Ryo, hindi ko na talaga pakakawalan ʼyon. I will do my best para sa kaniya kasi deserve niya rin naman.
“Oh? Ngayon lang ako naka-encounter ng lalaking nagpapasign,” hindi ko na napigilang sabihin pa.
Nagulat kasi ako nang lalaki na ang sumunod na magpapapirma. Kumpleto ang librong dala niya at may hawak pa siyang isang maliit na box na inilagay rin naman sa table ko.
“Ang ganda kasi ng mga gawa mo,” sagot niya naman.
Ngumiti ako sa kaniya. “Thank you!” sagot ko pa.
“Regalo ko sa ʼyo,” sabi niya at inilapit sa akin ang maliit na box.
Agad nangunot ang noo ko sa pagtataka. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Ibinaling ko ang atensyon sa box na bigay niya at kinuha iyon para buksan. Isang bracelet na may nakalagay na letters ang nandoon. Pangalan ko ang nakalagay.
“Para saan naman ʼto?” tanong ko. Ngumiti lang siya sa akin at kinuha na ang mga libro niya.
Tapos na siya kaya umalis na siya. Balak ko sanang ibalik sa kaniya ang bracelet pero hindi naman na siya lumingon pa. Hanggang sa pag-sign sa ibang libro ay hindi ko na magawang makapagconcentrate dahil sa lalaking nagbigay ng bracelet.
“Break time muna, Miss Mariarcane!” sabi ng isang staff.
Mabilis kong kinuha ang pen ko at umalis muna sa pwesto ko. Nagugutom nga ako dahil hindi naman ako nakakain kanina bago umalis.
“Hey!”
Agad naman akong natigil nang makita ko ʼyung lalaki kanina. Siya ʼyung nagbigay ng bracelet sa akin. Nilahad ko agad sa kaniya ang box kung saan nandoon ang bracelet.
“Nakakahiya tanggapin. Mukhang mahal pa,” natatawang sabi ko na may halong hiya.
“Thatʼs for you, Solemn. Or should I call you Mariarcane?” Napapakamot pa siya sa ulo niya. Nahihiya rin yata siya.
“Kung saan ka mas komportableng tawagin ako,” sagot ko naman.
Mukhang wala rin naman siyang balak kunin ang binabalik ko kaya binaba ko na ang kamay kong may hawak na gift niya.
“Solemn... I want to call you Solemn. Can I be your Josh?” seryosong tanong niya pero natawa rin pagtapos.
“Iʼm Solemn De Vera, nice to meet you...” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya.
“Josh Calizon,” sagot niya.
Muntik na siyang maging Josh Tuazon. Bigla tuloy kumabog ang dibdib ko dahil doon.
“Miss Mariarcane, 30 minutes pa and then continue na tayo sa pag-sign,” sabi ni Lea sa akin.
“Yes. Thank you, Lea!” nakangiting sabi ko pa.
Muli kong binalingan si Josh. Nakakailang namang tawagin siya sa pangalan niya. Pakiramdam ko Josh na nasa story ko ang tinatawag ko.
“Gonna eat. Gusto mong sumabay?” tanong ko sa kaniya.
Tumango naman siya sa akin. Sabay na nga kaming pumunta sa labas para bumili ng pagkain namin. Hindi ko alam kung bakit ganito ako kakomportable sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya.
“Can I get your number?” tanong niya pa. Nangunot ang noo ko. Thatʼs too fast. Lol. “Matagal na kasi kitang kilala, hindi ko alam kung natatandaan mo pa ako pero magkaklase tayo noong elementary,” dagdag niya pa.
Hindi ko na maalala kung sinong mga kaklase ko noon. Pero parang familiar nga siya sa akin. Wala naman sigurong masama kung ibigay ko number ko sa kaniya. Hindi ko rin naman sigurado kung makakapagreply ba ako sa kaniya if ever.
“Itʼs been years. Congrats nga pala sa lahat ng achievements mo. Sobrang proud ako sa ʼyo,” nakangiting sabi niya pa sa akin.
Ngumiti lang din ako sa kaniya at hindi na kumibo pa. Iba talaga sa pakiramdam, hindi ko maipaliwaag pero parang kilalang-kilala siya ng puso ko. Weird lang pero iyon ang totoo. Pero gaya ng sabi niya ay kaklase ko siya noon, baka iyon ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Sobrang proud din ako sa sarili ko dahil kahit ang daming dumaang problema sa akin, kahit na ako lang mag-isa ay nagawa ko pa ring makarating sa ganitong sitwasyon. Nagawa kong maabot ang pangarap ko.
This is Solemn De Vera. Published Author.
THE END
ALL RIGHTS RESERVED©
BINABASA MO ANG
KEKKA (BOOK 2)
Fantasy©All Rights Reserved COMPLETED✔️ Started: May 26, 2022 Ended: June 8, 2022 結果 Kekka Once you fall in love everything will be over. Don't fall or face the consequences? The decision is all yours!