17

28 18 0
                                    

Gusto kong sabihin lahat kay Papa pero ayaw kong marinig naman ni Ryo iyon.

“Aasikasuhin lang namin ang mga babayaran dito. Maiwan muna kayo rito at titingnan ko rin kung anong nangyari sa labas,” sabi ni Papa.

Hindi ako kumibo. Inalalayan ako ni Nihannah para makaupo ako sa sofa. Si Ryo ay nakatingin lang sa akin at hindi naman kumikibo rin.

“Grabe talaga ʼyung Dominic na ʼyon!” sabi ni Nihannah na nasa tabi ko.

“He have his reason. Naiintindihan ko kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin,” sagot ko naman.

Unti-unti na akong kumakalma kahit papaano. Hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Dominic kanina at gusto ko nang kausapin si Papa.

“Kahit anong reason pa ʼyon, hindi naman tama na saktan ka niya!” galit na sabi ni Nihannah.

Napabuga na lang ako ng hangin. Ramdam ko pa rin nga ang hapdi sa pisngi ko dahil sa pagkakasampal ni Dominic.

“Sol... come here,” pag-aaya ni Ryo sa akin.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Seryoso lang ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya habang nakaharap sa akin.

“Sundan ko lang sina Tita. Balikan namin kayo mamaya,” paalam ni Nihannah.

Nauna pa siyang tumayo sa akin at hindi na kumibo pa, diretso lang siyang lumabas sa pintuan at sinara ang pinto. Naiwan kami ni Ryo rito ngayon. Tahimik lang ako at nanatiling nakaupo sa sofa.

“Maby...” mahinang pagtawag niya sa akin.

Muling umangat ang tingin ko sa kaniya. Bahagya nang nakalahad ang kamay niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod na sa kaniya. Naupo ako sa gilid niya kaya agad niya namang pinulupot sa bewang ko ang mga braso niya.

“Huwag magpapakita sa akin ang Dominic na ʼyon baka doblehin ko sa kaniya kung anong ginawa niya sa ʼyo,” galit na sabi niya.

Naramdaman ko ang paghaplos ng isang kamay niya sa pisngi ko, sa parte kung saan mahapdi pa rin dahil sa sampal ni Dominic. Marahan niya lang hinahaplos iyon.

“Kahit kurot hindi ko nagawa sa ʼyo tapos siya ay sasampalin ka lang ng ganito?” muling sabi pa ni Ryo. Bakas na bakas ang galit sa kaniya ngayon.

“May rason kung bakit ganoʼn siya. Naiintindihan ko naman siya,” mahinang sabi ko naman.

Nagsalubong ang paningin naming dalawa. Sobrang talas ng tingin niya sa akin at parang ibinunton niya na ang galit niya sa akin ngayon sa pamamagitan ng tingin.

“Kagaya ng sabi ni Nihannah, kahit anong rason pa ay hindi pa rin dapat niya ginawa na saktan ka,” blankong sabi niya sa akin.

Hindi ako kumibo at marahan na lang akong tumabi sa kaniya para yakapin siya. Ang ulo ko ay nasa dibdib niya ngayon. Ramdam ko pa rin naman sa bewang ko ang isang kamay niya at ang isa naman ay nasa buhok ko na.

“Naiinis ako dahil hindi man lang kita nagawang protektahan, obligasyon ko ang protektahan ka pero nawalan ako ng silbi kanina,” mahinang sabi niya sa akin.

“Tapos na ʼyon, ang mahalaga nakatakas ako kay Dominic,” nasabi ko na lang.

Naramdaman ko ang bahagyang pagtulak niya sa akin kaya taka ko siyang tiningnan. Hinawakan niya ako sa baba ko habang nakatitig sa buong mukha ko. Nahinto ang tingin niya sa pisngi ko.

“Hindi ko pa rin mapapalampas ang ginawa niya sa ʼyo,” galit pa ring sabi niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero naramdaman ko ang labi niya sa pisngi ko. Sa pisngi kong sinampal kanina. Marahan niyang hinahalikan ang parteng iyon. Paulit-ulit at maliliit na halik ang iniiwan niya roʼn, na para bang sa pamamagitan ng halik niya ay maaalis ang hapdi at sakit na nararamdaman ko roʼn.

“Idedemanda ko ang lalaking ʼyon,” mahinang usal niya.

Naramdaman ko ang mga labi niyang bumaba sa leeg ko. Tine-trace niya ang mga pula na dulot sa pagkakasakal ni Dominic kanina. Maliliit na halik lang din ang iniiwan niya roʼn pero kakaibang pakiramdam ang dulot sa akin. Humihigpit ang kapit ko sa braso niya dahil sa ginagawa niya.

“Ryo...” mahinang tawag ko sa kaniya.

Tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan ako. Magkalapit lang ang mukha naming dalawa ngayon. Nagsasalitan ang tingin niya sa labi at mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at idinikit ko na ang labi ko sa kaniya.

Isang mababaw na halik lang ang balak ko pero naramdaman ko ang paghapit niya sa akin at ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.

“Aww!” daing niya nang masagi ko ang sugat niya.

Mabilis akong umayos nang upo dahil doon. Nakahawak siya sa sugat niya at bakas ang sakit sa itsura niya. Hindi ko naman sadya, nakalimutan kong may sugat nga pala siya.

“Sorry. Hindi ko sadya,” nag-aalalang sabi ko sa kaniya.

Hindi ko malaman ang dapat kong gawin. Hindi naman dumugo ang sugat niya pero dumadaing pa rin siya na masakit iyon. Naabutan pa kami nila Mama sa ganoʼng sitwasyon at tinanong kung ano ang nangyari.

“Nasagi ko ang sugat niya,” sagot ko naman. Hindi ko na sinabi kung paano ko nasagi at bakit ko nasagi. Nakakahiya!

“Nahuli sa cctv ang ginawa ni Dominic sa ʼyo, Sol. Pinadampot na rin siya sa pulis at sasampahan ng kaso dahil hindi biro ang ginawa niya, muntik ka na niyang mapatay!” galit na sabi ni Nihannah.

Mas galit pa siya kaysa kay Mama. Gusto ko siyang tawanan pero hindi angkop sa sitwasyon. Nagawi na naman ang tingin ko kay Papa. Alam kong alam niya na ang dahilan dahil hindi niya ako magawang tingnan ngayon.

“Nabayaran na namin ang gastos dito. Sabi ng Doctor ay pwede na raw lumabas si Ryo mamayang hapon at sa bahay na lang magpahinga nang ilang araw o kaya ay isang linggo para sure na gagaling agad ang sugat niya,” sabi naman ni Mama.

Hindi ako kumibo. Alam kong alam din ni Mama kung anong nangyari. Bakit hindi nila sinabi sa akin  noon pa ang totoo? Bakit kailangang umabot pa sa ganitong punto na muntik na akong mamatay dahil sa kagagawan ng taong naging biktima lang din naman?

To be continued. . .

KEKKA (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon