Ange and Ward pov.
Natapos na kaming mag ayos ng gamit at magbihis ng t-shirt para makauwi na, at sabay sabay na kaming nagsilabas ng studio hanggang sa nagpaalam na isa isa at kaming tatlo ang naiwan nila coach dito.
"Pano coach mauuna na po kami" pagpapalam namin kay coach ( oo ihahatid ko si ward)
"Sige mag ingat kayo ha" yayakapin na sana ni coach ange ng biglang sumingit si ward kaya siya ang nayakap ni coach. ( Bat may pa ganun ward kinikilig ako ano ba. )
"Bye coach ingat kapo." Pagpapaalam ni ward sabay hila sakin nito.
Tuluyan na nga kaming nakaalis sa studio at dumating nayung sundo ko at agad ko naman itong tinawag para lumapit samin at nung pagkalapit nito ay agadkong sinabi na ihahatid muna namin si ward sa ka nilang bahay.
"Manong" pagtawag ko dito.
" Bakit po mam?" Pagtatanong nito.
"Bago po tayo umuwi ihahatid po muna natin siya ha"
" Okay po mam sumakay napo kayo."
At sumakay na mga kami syempre pinagbuksan ko si ward ng pinto ng kotse at magkatabi kami ngayon dito kami nakapwesto sa back seat.
At nakita ko namang inaantok na ang aking bebe este si ward pala kaya tinanong ko ito.
"Inaantok kaba gusto mo gisingin nalang kita pag nasa inyo na tayo?" Pagtatanong ko dito.
"Oo inaantok ako pero alam moba kung saan bahay ko?" Natatawang sabi nito kahit inaantok.
" Sabihin muna lang address mo para dun ka namin maihatid ni manong habang natutulog ka."
" Okay sige ito ang address namin P****** ** ****** dyan nyo nalng ako ihatid."
" Okay sige matulog kana gigising nalang kita pag nandun na tayo."
Tuluyan na nga itong nakatulog at shemay kinikilig ako nakahiga siya sa lap ko i mean yung ulo niya nasa lap ko, feeling ko itong babaeng to antukin masyado, hayst ang kyut naman matulog nito, napaka perfect ng mukha mo mahal ko.
At makalipas ang kalahating oras na byahe ay nakarating nakami sa kanilang bahay kaya naman ginising kona ito at sinabing nandito na kami sa bahay nila.
" Ahm ward gising na nandito na tayo." Paggising ko dito at agad naman itong minulat ang kanyang mata at umupo na.
" Sorry sa lap mopa ako nakatulog, antok na antok na talaga kasi ako e"
" Okay lang ano kaba, dat sa bahay nalang kita inuwi eh HAHAHAHAH" Natatawa kong sabi.
" Baliw ka at bakit namn, sure nextime sa inyo muna ko iuwi HAAHAHA charizzz" natatawa nitong sabi habang naghihikab.
"Mahina ka pala may charizz sa dulo e, sige na para makapag pahinga kana ng maayos,"
"Sigee ingat kayo ha, pahinga kana rin pag kauwi mo, see you tomorrow." Sabay beso nito sakin.( Takte ka ward ano nanaman to)
S-see y-you tomorrow rest well" mautal utal kong sabi.
At tuluyan na nga itong nakababa ng kotse at pumasok na ng kanilang bahay, at kami naman ay umalis na at anong oras narin, mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay.
YOU ARE READING
Wangge For Life
Randomito ay tanging katuwaan lamang ayon sa aking nakikita sa kanila