Kurt's Pov
Alas otso palang at otw na kaming apat sa bahay ni Miss Cookie, wala lang trip lang namen eh ang boring sa bahay eh.
"Tol sigurado ka ito bahay ni Miss Cookie?" tanong ni Luke kay Ice.
"Pupunta ba tayo dito kung hindi ito bahay ni Kylie?"
"Boom basag!" sabi nameng dalawa ni Xander at nag apir haha kawawa talaga tong si Luke kay Ice.
"Eh kung basagin ko mukha niyong dalawa?!"
"No, Not my handsome face" sabi ko sakanya.
"Oo nga kung mukha mo nalang basagin mo! panget ka naman eh hahaha- aray!" sabi ni Xander at binatukan naman siya ni Luke hala sige magsapakan kayo jan.
"Halika kayong tatlo" sabi ni Ice.
At agad kaming lumapit kay Ice at pinag uuntog kame!
"Ouch!" sabi namin with matching hawak sa noo masakit fo yun.
"Ingay niyo eh! eh kung pumasok na tayo sa loob diba? mga bwiset" sabi ni Ice at napa pout nalang kami at kumatok na sa pinto.
"Hindi naman ata uso doorbell sainyo noh?" sabi nung lalaki na nagbukas nung pinto.
"Thunder?!" sabi nameng apat at niyakap namen si Thunder. Grabe namiss ko to kalaro kasi namin to dati sa basketball.
"Musta kayo? grabe wala parin kayong pinagbago ang papangit nyo parin hahahaha" pangaasar sami ni Thunder. Wala pa din siyang pinagbago, palaasar padin siya.
"Luh K fo" sabi ni Luke haha k fo? lol.
"Bakit pala kayo nandito?" tanong ni Thunder samin.
"Eh bakit ka rin nandito?" tanong ni Luke.
"Kasi bahay ko to?"
"Mag asawa kayo ni Miss Cookie este kylie?!" gulat na tanong naming apat, diba may boyfriend si Miss Cookie?
"Tanga! kapatid ko yun aba." at pinagsasapak kame sa balikat. "Sige pasok kayo."
At pumasok na kame sa bahay nila, ang ganda ng bahay nila tas ang laki pa.
"Kung gusto niyong puntahan si Miss Cookie niyo nandun yung kwarto niya sa taas tapos kanan kayo at pag nakita kayong violet na pinto sakanya yun." sabi ni thunder samen habang nanunuod ng sesame street. kaya pala.
At umakyat naman kame sa taas at binuksan ni Luke yung pinto.
"Sira ulo ka talaga! malay mo gising yun!" bulong ni Ice pero parang pasigaw yung sabi.
"Luh K fo."
At dahan dahan kong binuksan yung pinto at nakita na namen si Miss Cookie. Wow color violet at ang laki ng room niya, tapos puro cookie monster collections! astig!
"Anong gagawin naten kay Miss Cookie?" tanong ni Xander kila Luke, alangan naman tanong niya saken eh wala akong alam dito.
"Pagtripan naten." sabi ni Ice at pinagpipindot niya yung pisngi ni Miss Cookie.
"Kuya ano ba?" sabi ni Miss Cookie pero nakapikit padin.
"Kurt kuwain mo yung mga pentelpen dun dali." utos ni Ice saken, at dahil masunurin ako kinuha ko yung pentelpen at binigay sakanya.
Nagsimula na si Luke, Ice at Xander.. o wait sali na rin ako hehehe, magdrawing o magsulat sa mukha niya.
"Hahahahaha." tawa ni Luke at agad siyang binatukan ni ice yan ang ingay kasi.
"Eto gagawin naten, hilain naten yung paa niya pababa sa kama oke? oke." sabi ni Ice at hinawakan na namen yung paa niya.
"1, 2, 3, go."
At hinila na namen yung paa niya at bumagsak siya sa kama.
"HAHAHAHAHAHAHAHA." tawa naming apat kasi ang epic nang mukha niya, parang nakakita ng multo.
"ANONG GINAGAWA NIYO DITO?!!!!!" ouch shet sakit sa tenga.
"Dinadalaw ka lang Miss Cookie hehe" sabi ni Luke at nag peace sign.
"Bakit patay na ba ako?" cold na sabi ni Miss Cookie kay Luke.
"BOOM BASAG!" asar nameng tatlo kay Luke hahahaha kawawa to.
"Pero patay na patay sayo si Ijfkupworjdmw"
"Ano?"
"Wala! sige na maghilamos kana dun! may tulong laway ka pa oh hahaha!" pangaasar ni Ice kay miss cookie at agad lumabas ng kwarto niya, syempre lumabas din agad kame.
"HAHAHAHAHA." tawa parin namen hanggang sa makaupo sa sofa.
"Pano kaya pag hilamos nun makikita niya mukha niya sasalamin? hahahaha." sabi Xander.
"Oo ng-"
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!!" sigaw ni Miss Cookie at agad na pumunta samen si Thunder.
"Oh anong nangyari dun bakit ang ingay? ang aga aga eh!" pagrereklamo niya.
At patakbong bumaba si Miss Cookie papunta samen na may dalang tsinelas.
"MGA WALANG HIYA KAYO! ANONG GINAWA NIYO SAKEN AHHHH!!!"
"Si Ice pasimuno!!" sigaw nameng tatlo at tinuro pa si Ice, at si Ice nalang pinagpapalo niya hahaha ng tsinelas.
"Ouch! Aray ko shit tama na!" sabi ni Ice.
At inawat sila ni Thuder.
"Oh princess anyare sa mukha mo?" tanong ni Thunder pft, yung mukha ni Thunder parang nandidiri kay Miss Cookie hahaha.
"Sila! Sila may gawa nito saken! Pinagtripan ba naman ako habang tulog!"
"Sorry na Miss Cookie." sabi ni Luke at lumuhod. Lumuhod din kame ni Xander.
"Sorry na please!" sabay nameng sabi.
"No! bilhan niyo muna akong ice cream na cookies and cream! okay ge."
"Ang aga aga mag iice cream ka?" cold na tanong ni Ice.
"Eh gusto ko ng ice cream eh."
"Mag breakfast ka muna kaya."
"Ayoko nga!"
"Bakit?"
"Paki mo ba?"
Hindi na sumagot si Ice, awtsu malala bes buti tahimik lang kame. Pilosopo rin pala tong babaeng to hahaha.
"Guys tumahimik siya." bulong samin ni Miss Cookie.
"Nagtatampo yan Miss Cookie, mag sorry ka" sabi ni luke at napa sigh nalang si Miss Cookie.
"Ice, Sorry please *pout*"
"Sorry din."
"Bati na tayo?"
"Oo."
"Thank you." at lumabas siya ng bahay, anong problema nun?
"Bakit yun lumabas?" tanong ko sakanila at nag ewan lang sila.
"Pustahan bibili yan ng ice cream." sagot ni Thunder sa tanong ko.
After 5 minutes at ayun nga! may dala siyang ice cream at dumertso siya sa kusina, Paglabas niya ng kusina may hawak siyang tray na puro baso at ice cream sa loob.
"Para sa inyo yan hehe!" sabi niya at binigyan kami tig iisang baso.
"Kaya pala mahilig sa cookies eh! hahaha."
At biglang tinapon ni Ice yung ice cream sa mukha ni Miss Cookie nakoo.
"KYLER ICE SANCHEZ!!!!!"
--
Si Kurt yung nasa media :) k fo.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionLumipat sa Royal University si Kylie Dara Sanchez para dun ipagtuloy ang pagaaral at para din makasama ang boyfriend niyang si Renz at bestfriend niyang si Crishane. May Nakilala pa siyang iba pa kaya lagi na silang magkakasama magbabarkada. Puro ku...