Tahimik lang kami sa kotse. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay agad akong bumaba ng kotse at naglakad papasok sa bahay pero biglang sumigaw si Ice.
"Miss Abno! Wala manlang bang Thank you jan?" Tinitigan ko lang siya at nag middle finger. Napakamot nalang siya ng ulo niya.
Nang nakapasok na ako sa bahay nakita ko si Kuya Thunder nakaupo sa sofa kaya tinabihan ko siya.
"Oh? Anong problema mo?" aniya
"Nagugutom lang ako. Nagsabi ka ba kay Ice na hatid ako pauwi?"
"No. Sige wait ka lang tetext ko lang na magdala ng pagkain dito." at kinuha niya yung iphone6 niyang bago. Wao richkid.
Kung hindi sinabi ni Kuya na magpahatid ako kay Ice, edi- what?! Nagsinungaling siya? o para inisin lang ako? Makita ko lang talaga yung yelo na yun tadyakan ko yung 84 times.
"Kuya ang tagal ng pagkain ah nagugutom na ako."
"Wag kang excited malapit na yun. Kung naiinip ka lumabas ka muna." aniya.
At dahil masunurin nga ako, Lumabas nga ako. Nandito ako sa park, ang daming couples. Namiss ko tuloy si Renz. Bumili ako ng Ice Cream at umupo sa damuhan. Ang sarap ng hangin, Napapikit nalang ako.
Pagdilat ko, Nanlaki mata ko. Nakatingin ba naman sakin yung Apat na Sira ulo!
"Bakit kayo nandito?!" sigaw ko sakanila.
"Baka kaso tinext kami ni Thunder na dalhan ka ng pagkain mo pero nakita ka namin dito kaya ayun." pagpapaliwanag ni Ice at sinamaan ko siya ng tingin.
"Ikaw! Walang hiya ka! wala naman palang sinabi si Kuya na ihatid mo ako!" at sabi ko nga kanina, tinadyakan ko siya.
"Aray ko! Masakit tama na Abno ka tala eh no- Aray!"
"H-hoy Miss Cookie awat na!" sigaw ni Kurt at Xander at hinahawakan nila ako sa kamay.
"Go fight fight fight! Hehehe." sabi ni Luke at tinaggal ni Kurt at Xander ang pagkahawak niya sakin at kinotongan niya si Luke.
"Kahit kailang ang bobo mo no? Fight mo mukha mo!" sigaw ni Ice at napatingin ulit ako sakanya ng masama at napa peace sign nalang siya aba.
"Ahhhh!! Bakit mo kasi ako hinatid?!" sigaw ko at sinabunutan ko siya! No one can stop me!
"Para paraan para paraan ~" kumanta si Luke at sinamaan namin ng tingin.
"Tama na nga yan. Para kayong batang ewan jan eh. Yung Mcfloat matutunaw na oh." sabi ni Xander at bigla akong napatigil.
"Mcfloat? Mcdo yan?"
"Oo alam namin na favorite mo to eh haha." Sabi naman ni Luke at kinuha ko yung plastic omg daming fries!
"Wow! Ang dami hehehe." at kinain ko na yun.
"Baliw talaga yun. Ang bilis magbago ng mood. Abno talaga eh." bulong ni Ice at hindi ko nalang siya pinansin. Busy ako.
"Tatlong pangit nandito sina jfkscka." bulong ni Luke pero hindi ko narinig yung pangalan.
"Sino nandito?"
"W-wala! Hehe tara na Miss Cookie punta na tayo sa Bahay niyo hehe." sabi ni Luke at natataranta. Sino ba kasi nandito?
"Oo nga dun nalang tayo kumain niyang dala natin hahaha ehh tara na." sabi ni Xander at hinihila ako paalis sa park.
"Teka lang kasi sino ba kasi nandito? bakit ayaw niyong sabihin?"
"Tanga ni Luke mag bubulong nalang maririnig pa." sabi ni Kurt at masama tingin kay Luke.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionLumipat sa Royal University si Kylie Dara Sanchez para dun ipagtuloy ang pagaaral at para din makasama ang boyfriend niyang si Renz at bestfriend niyang si Crishane. May Nakilala pa siyang iba pa kaya lagi na silang magkakasama magbabarkada. Puro ku...