Kurt's Pov
Kasama ko ngayon yung tatlong ugok. Pauwi na kami sa bahay pero dun sila matututulog. Trip lang daw nila tss wala lang mga tong magawa kaya gusto sa bahay matulog.
"Mga pangit kung bumili muna tayo ng foods diba? bobo niyo din eh tsaka nagugutom na din ako." sabi ni Luke at binatukan naman ni Ice. Kala mo ah pangit ka pa ah.
"Edi bumili ka! Ikaw lang naman pangit dito pwe." sabi ni Ice at tinarayan si Luke, gaysht hahaha.
"Hard." bulong ni Luke, buti nalang hindi narinig ni Ice, baka mabatukan pa ulit yun.
"Nagugutom na din ako eh." sabi naman ni Xander. Nako buti naman sinamaan lang siya ng tingin ni Ice. Ayaw kasi ni Ice na may magsabi na 'Gutom na ako' o 'Nagugutom na ako' kasi daw baka magutom din siya pft. Buti ako tahimik lang.
"Tara sa Mini Stop nalang tayo bumili ng foods." sabi ni Ice at dun muna kami pumunta sa Ministop bago sa bahay, malamang.
Buti nalang talaga malapit na agad kami sa ministop. Pumasok na kami at what the? ang daming pinagkukuha ni Luke na pagkain ang takaw talaga nito kahit kailan. Makakuha na nga rin ng akin. Kumuha ako ng 10 spicy pancit canton naalala ko ditosi Ice pft.
"Ops bakit may ganyan ka?" sabi ni Ice.
"Foodtrip natin mamaya?" sabi ko.
"Wag yan punyeta."
"Sabi ko nga babalik ko na to." at agad kong binalik yung pancit canton sa lalagyanan, baka mabatukan pa ako nun. Kumuha nalang ako ng 4 na Tanduay Ice. Ano bayan may pangalan niya naman ngayon? dafuq.
"Ang dami na nito yehey!" sabi ni Luke at tumatalon talon pa, nakita kong kumuha si Ice ng Napkin at binato sa mukha ni Luke. Hahaha kawawa talaga siya.
"Hard mo talaga sakin." sabi ni Luke at nag pout.
"Wala akong paki." sabi ni Ice pft.
"Sabi ko nga wala kang paki." at lumapit siya kay Xander at bumulong siya "Sabi ko sayo wala siyang paki." hahaha kawawa talaga tong si Luke kay Ice.
Si Ice kumukuha pa ng bibilhin niya, ang tagal niya ah 8pm na nagugutom na talaga ako. Habang hinihintay ko sila bumili nakatingin ako sa labas. Ang daming couple pwe walang forever mag bebreak din kayo. Wait parang kilala ko yung dalawa dun? Ang familiar.
"Tara na Kurt bayaran na natin." sabi ni Xander ar pumunta na kami sa Cashier. Mamaya ko na tatanungin kung ano binili nila. Mang buburaot ako hahaha.
Habang naglalakad kami kwento ng kwento si Luke at si Ice naman, walang paki haha naka poker face lang. At nakita ko nanaman yung dalawang familiar kanina, Nakatalikod kasi eh. Medyo lumapit ako sa dalawa at nakita ko sa gilid si.. Renz ar Crishane? agad ulit akong lumapit sa tatlo.
"Si Renz at Crishane yun oh." sabi ko sa tatlo shy naka holding hands pa sila Renz at Crishane.
"Oo nga noh? kala ko boyfriend ni Miss Cookie si Renz? ano yun lokohan?" sabi ni Xander.
"Lagot sakin yang Renz na yan! Gago siya!" sabi ni Luke pero pinigilan naman siya ni Xander.
"Wag muna pre." at tumango nalang si Luke, tumingin naman ako kay Ice at ang sama lang ng tingin niya kila Renz.
"Napakawalang kwenta niya." cold na sabi ni Ice. Galit siya.
Bakit sila magkasama at magka holding hands pa? Nakakainis! Niloko niya si Miss Cookie? napaka walang kwenta niya nga. Sarap bugbugin.
Tumakbo na kami papuntang bahay baka makita pa nila kami, edi lagot pa psh. Agad kaming pumuntang kwarto at naguusap habang kumakain.
"Anong gagawin natin?" tanong ko.
"Edi sumbong kay Miss Cookie! Niloloko na siya ni Renz!" sabi naman ni Luke at binatukan ulit siya ni Ice tsk tsk.
"Tanga, wag muna kailangan pa natin makakuha ng ebidensya para maniwala si Miss Abno." sabi ni Ice, napatango nalang kaming tatlo.
"Bakit kasi kailangan niya pang lokohin si Miss Cookie? tapos bestfriend pa? malapit pa naman 2nd anniversary nila." sabi ko.
"Oo nga ewan nalang basta wag muna sabihin kay Miss Cookie! Argh!!" sabi ni Luke, halatang inis na inis siya.
Lahat naman kami naiinis eh, sino ba naman matutuwa na niloloko siya ng boyfriend niyang walang kwenta? Nakakagago.
--
Si Ice, Luke, Kurt at Xander nasa Media.
Pabasa nadin yung 'Akin Ka Nalang' at 'Feelings' paki tignan nalang sa works ko Thankyou Godbless :)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionLumipat sa Royal University si Kylie Dara Sanchez para dun ipagtuloy ang pagaaral at para din makasama ang boyfriend niyang si Renz at bestfriend niyang si Crishane. May Nakilala pa siyang iba pa kaya lagi na silang magkakasama magbabarkada. Puro ku...