Yessa's Pov
"Ice una na ako ha?"
Sabi ko sa magaling kong Kambal, kakagising niya lang kasi at umuwi galing kila Kurt. Aba uminom daw kasi kagabe text sakin ni Luke yun. parang may problema tong Kambal ko pero hindi niya sinasabi nako stupid talaga yun.
"Oo na mauna kana! alam ko namang hindi mo ako hihintayin eh kaya go alis chupi!" aniya at tinarayan pa ako!
"Fvck you twin!" at pinaghahampas ko siya ng bag ko leche to.
"Aray! sabi ko nga umalis kana este pumasok kana sa school wag mo na akong hintayin pupunta din naman sila Luke dito eh!"
"Eh bakit ka nasigaw putragis ang ingay mo makaalis na nga!" at sinara kong padabog yung pinto at naglakad na, malamang. Well ganyan kami lagi ni Ice lagi nalang kasing late nakakaloka
"Yessaaa!!!" jusko may maingay nanaman.
"Pati ba naman ikaw maingay?!"
"Wag ka ngang sumigaw!"
"Sumisigaw ka din naman ah!"
At tinarayan ko siya, buti nalang tumahimik to. Baka hambalusin ko pa to ng Bag ko. Pero na cucurious talaga ako eh, Bakit sila uminom? pati si Ice, eh umiinom lang yun pag may problema siya then kakausapin niya ako.
Ewan ko ba, seriously katulad dati kay Margarette. Nalaman niyang mag Boyfriend na si Marga then uminom siya at napaluha at paulit ulit niyang sinasabi na Mahal niya si Marga, awang awa ako sa kambal ko nun. Napaiyak nalang ako sakanya then sinasabi ko din Marami pang iba jan, para naman gumaan ang loob niya.
"Yessa? the hell why are you crying?" hinawakan ko ang mukha ko at basa, umiiyak na pala ako. binigyan ako ni Treizy ng panyo.
"Thanks, naalala ko lang kasi nung panahon na umiyak ai Ice dahil kay Marga." at pinunasan ko ang luha.
"Tanga din ni Marga eh, ang manhid kingina! Banatan ko mukha nun eh."
"Ok na yun, Past na siya ni Ice."
"Yeah right. Diba may mahal ulit siya? Sino kaya yun baka naman si--" hindi na natuloy ang sasabihin niya at nakatulala siya.
"Hoy ano bang tinitignan mo?" at tumingin ako sa tinitignan niya. What the hell?!
"What is the meaning of this shit?" at nakakunot ang noo niya.
Shit nga talaga to. Makikita mo ba naman si Renz at Crishane na magka holding hands! in public? w-what ugh!
"Si Renz at Crishane oh! sundan natin." bulong niya at sinundan sila.
Bakit sila magkasama ngayon? sinusundo niya ba si Crishane? Leche naguguluhan ako.
Para kaming stalker nito, makatago wagas mahirap na baka makita nila kami baka saksakin agad kami nito eh nako. saksakin agad? lol.
"I smell something fishy." sabi ko at masamang nakatingin sakanila.
"Ay ako ba? isda kasi ulam ko kanina eh baka nakalimutan ko mag hugas hehe sorry." aniya at kumuha sa bag niya ng alcohol, medyo tanga.
"Tangek! hindi yan! si Renz and Crishane!" then i rolled my eyes.
"Oh kalma lang malay ko ba tss." at nilagyan niya ng alcohol ang kamay niya.
pumasok sila sa parang eskinita at tumigil naman muna kami sa paglalakad.
"Papasok pa ba tayo?" aniya habang nakatingin dun sa eskinita.
"Tara."
Naglakad kami papuntang eskinita at sumilip kami baka kasi makita nga kami.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionLumipat sa Royal University si Kylie Dara Sanchez para dun ipagtuloy ang pagaaral at para din makasama ang boyfriend niyang si Renz at bestfriend niyang si Crishane. May Nakilala pa siyang iba pa kaya lagi na silang magkakasama magbabarkada. Puro ku...