Chapter 13

80 8 7
                                    

Renz's Pov

Papunta na ako sa bahay nila Kylie, minsan ko nalang kasi siya nakakasama eh baka magtampo pa yun, matampuhing bata pa naman yun kaya kailangan kong bumawi sakanya.

Nandito na ako sa labas ng bahay nila ng may biglang tumawag saken...

"Hello?"

[Hi Renz, sunduin mo ako please.]

"Hindi pwede, nandito ako kila Kylie kailangan kong makabawi sakanya."

[Bwiset naman oh sige na nga bye see you later!]

At binaba na niya yung tawag at napa hampas nalang ako sa noo dahil sa kagaguhan ko at bumukas na yung pinto at nakita ko yung pinaka magandang babae para saken at paglapit niya saken hinalikan niya ako sa pisngi at pumasok na kami sa kotse.

"Bakit pala ang aga naten ngayon?" tanong niya habang sinusuklayan yung buhok niya.

"Pupunta kasi tayo ng park ngayon gusto kong makabawi sayo kasi minsan nalang kita nakakasama." sabi ko habang nakatingin ako sa daan.

"Waaah talaga? yeheeeeyy!!" aniya at tuwang tuwa siya, gustong gusto ko siyang makita habang nakangiti ngayon pero wag na baka mabangga pa kami nako malalagot ako kay Thunder..

Nakarating na kami sa park at agad siyang lumabas sa kotse napangiti nalang ako kahit kailan napaka kulit talaga nito, maaga pa naman kaya mag dito muna kami sa park.

"Renz I want ice cream!" aniya at nag pout. Ugh i want to kiss her.

"No, it's to early to eat ice cream." at naka pout parin siya habang nakatingin sakin.

"Ugh fine!" sabi ko at napayakap siya saken dahil sa saya, ang babaw ng kaligayahan niya noh?

"Hmm yummy! you want some?" aniya.

"Ayoko sayo nalang hehe." sabi ko at pumunta siya dun sa swing at sinundan ko nalang siya at nakikita ko na pinipicturan ako ni Kylie, halata naman eh ang lapit lapit ng cellphone niya sa mukha ko.

"Renz picturan kita!" sabi ni Kylie at tumingin ako sa camera. After ilang minutes aalis na kame sa park. Pupunta naman kami sa Mall, maaga pa naman mamaya pang 10am pasok namin.

"Tara na Kylie." sabi ko at hinawakan ko kamay niya.

"Saan tayo?"

"Mall." sumakay na kami sa kotse at pinaandar ko na.

"Renz, idlip lang ako saglit ah? gisingin mo nalang ako pag nasa mall na tayo." aniya at pumikit na siya.

Hayy. Malapit na rin pala 2nd Anniversary namin ni Kylie, ano kaya magandang iregalo sakanya? Bag na Cookie Monster? Damit na Cookie Monster? o Stuff toy na Cookie Monster? Ugh. Kailangan ko ng maghanda. Oh nagvibrate cellphone ko, may nag text.

From: By.
Omg where are you? nag skip ka nanaman ng class mo dahil sa babaeng yan?! It's 8:45 na!

To: By.
Wala akong paki, ang mahalaga makakabawi ako sakanya. Magingat ka nalang jan.

At inoff ko na cellphone ko. Baka mabadtrip pa ako wala siyang karapatan dahil -- oh nandito na pala kami.

"Kyl--" napatulala nalang ako sakanya, ang ganda ganda niya, ang himbing ng tulog niya. I kissed her forehead. I love her. Bigla siyang gumalaw kaya umayos na ako ng pwesto ko.

Kylie's Pov

Nagising ako dahil naramdaman kong hinalikan ako ni Renz sa noo. Kinikilig ako huh, nag kukunyari lang akong natutulog eh hehe.

Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon