Ice's Pov
Nag Thank you si Miss Abno? aba dapat lang. Kung hindi siya nag thank you baka masipa ko pa palabas ng kotse yun. Tss.
Nagdrive na ako paalis sakanila, saan kaya pwedeng tumambay? ang boring naman oh. Walang maasar, dapat pala nag stay muna ako sa bahay ni Miss Abno.
*Beep Beep*
Shit! Muntik na akong makasagasa! agad akong lumabas ng kotse para tignan kung okay lang yung babae. Ang tanga ko, nasagasaan na tapos ok? gago mo Ice. Pero muntik lang naman masagasaan eh.
"Miss ok ka lang?" tanong ko. Nakaupo kasi siya eh tapos nakatalikod pa.
"Ah oo ok lang ako. Hindi naman ako nasugatan eh." aniya at tumayo siya.
"Ice / Margarette?" sabay naming sabi. Ang ganda niya parin, parang walang pinagbago bakit kasi lumipat pa siya ng ibang university.
"Uhm Ice?" at kinakaway kaway niya yung kamay niya sa harap ko.
"Ha?" ayan nalang ang nasabi ko.
"Sabi ko long time no see. Tulala ka kasi eh." aniya at ngumiti sakin. Shit natulala na agad ako nun?
"Sorry ulit ha? Hindi ko sinasadya, sorry." sabi ko sakanya. Ayoko makapatay ng tao noh. Patay agad?
"Ano ka ba, ok lang talaga."
"Ice!" may narinig akong sumigaw, parang boses ni Luke yun ah. Pero wala naman siya dito.
My heart's stereo it beats for you so listen close your my --
From: Luko Luko (Luke)
Nice one Ice! kasama si crush hahaha. Sorry hindi na kami nagpakita ayaw namin makaistorbo eh haha! Nandito na kami sa bahay niyo. K fo.So, siya pala yung tumawag sakin at kasama niya yung dalawang ugok. At bakit sila nasa bahay? mga feel at home ampucha.
"Ah Marga uuwi na ako." pagpapaalam ko sakanya at sumakay agad ako sa kotse. Buti naman malapit nalang din dito yung bahay, lagot talaga sakin si Xander at Kurt.
Ang kapal talaga ng mukha nilang tatlo, ayoko ng papasok sila ng bahay pag hindi nila ako kasama eh. Hay bahala sila mga puta sila. Ang boring talaga. Matawagan na nga lang si Miss Abno, wow sinagot niya agad yung tawag ko huh.
[Anong problema mo bakit ka tumawag?] cold niyang pagsabi. wow wala manlang 'Hi' or 'Hello poging Ice'?
"Namiss lang kita." pangasar ko sakanya. Nakakatuwa kasi pag inaasar ko siya e hahaha.
[Puta ka kung mangtitrip ka lang wag ako!] pasigaw na sabi niya, at inend call niya na. oh diba nakakatuwa siyang pagtripan haha.
Pinark ko na yung kotse at lumabas na sa kotse, at nakita ko yung tatlong ugok kumakaway kaway sakin sa bintana. Pucha tong mga to ayos trip.
"Hi Fafa Ice!" ayan sabi nila pagpasok ko sa bahay. So ako papagtripan nila ngayon?
"Ulol Fafa niyo mukha niyo!" at umupo ako sa sofa katabi nila. "Ang kapal ng mukha niyo noh? Feel at home." at binatukan ko silang tatlo.
"Ang boring kasi eh, tsaka nakita namin kayo ni Marga yiiee." sabi ni Luke at kinikiliti ako sa leeg. Nak ng.
"Yiiieee." pangaasar din ni Xander at Kurt.
"Baka gusto niyong masapak?!" sigaw ko sakanilang tatlo. isa pang pangasar kay Marga masasapak ko tong mga ugok na to. At lumapit si Luke sakin at may binulong. Oo nga pala hahaha.
"Mamaya na Luke, pakyu ka din eh." sabi ko kay Luke at kumuha ng Pizza. Buti naman may binili silang ganito.
"Xander at Kurt halika kayo dito." sabi ko at lumapit sila sakin.
"Aray!" sabi nilang dalawa. Bwisit to kanina eh, makapangpuri ugh nakakagago.
"Sabi sainyo eh lagot kayo mamaya." sabi ni Luke at nag smirk nalang.
"Anong kasalanan namin sainyo?" sabi ni Xander habang nakahawak padin sa noo niya. Si Kurt napa pout nalang eh.
"Secret na namin yun diba Ice?!" sabi ni Luke at nag apir kami. At kumuha nalang ulit si Xander ng Pizza. Ang masasabi ko lang sayo Xander, wag siya.
"Hi mga pangit!" napatingin kaming apat sa pinto, si Yessa lang pala.
Makapangit to kala ko hindi kami kambal eh noh? Kung pangit siya... Syempre gwapo padin ako. Baka Kyler Ice Sanchez to? Haha.
"Grabe ka Ate! Maka pangit! tingin ka din sa salamin para makita mo yung tunay na pangit okay?" sabi ni Luke at agad lumapit si Yessa kay Luke.
"Bwiset ka Luke!" sabi ni Yessa at nagsasapakan na sila dun. Bahala kayong dalawa jan kakain nalang ako ng Pizza.
"Ice yung kambal mo nababaliw nanaman! Tulungan mo ako!" sigaw ni Luke.
"Bahala ka jan."
"Baka gusto mong sabihin ko kung sino mah--" tngna talaga nito ni Luke eh.
"Yessa. Pumunta kana sa kwarto mo."
"K." at umakyat na si Yessa papuntang kwarto niya.
Kung hindi ko lang sinabi kay Luke yun eh. Tss. Nilipat lipat ni Kurt yung palabas sa Tv at lol Phineas and Ferb?
"Alam niyo ba guys true to life yan?" sabi ni Luke at tumingin kaming tatlo sakanya at sabay na sabi ng.
"Talaga tol." at napa poker face nalang siya. Sorry Luke, hahaha pero gusto kong malaman yung sa Phineas and Ferb.
"Joke, so anong meron dun?" sabi ko. tamo tong si Xander at Kurt nakatingin din kay Luke na parang bata.
"Si Phineas may sayad sa utak nagiimagine na may ginawa silang kung ano ano. si Ferb hindi talaga siya nagsasalita. Si Candice baliw naniniwala sya sa sinasabi ni Phineas na gumawa siya nang kung ano ano sa backyard kaya nagsusumbong sya sa mama nila kahit di totoo."
"Ah san mo nalaman yan?" tanong ni Kurt.
"Facebook."
"Ano yung kung ano ano dun?" tanong ni Xander.
"Nagiimagine kuno." galing talaga ni Luke.
Napailing nalang ako, hahaha ang loko talaga ni Luke. Pero ang cool nun medyo creepy.
"Xander, may gusto ka ba kay Miss Cookie?" tanong ni Luke, at napatingin nalang kaming tatlo sakanya.
"Pano kung meron?" aniya at nag smirk pa. Nainis ako sa smirk niya.
"Edi putangina mo." sabi ni Luke.
--
Si Xander yung nasa media :)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionLumipat sa Royal University si Kylie Dara Sanchez para dun ipagtuloy ang pagaaral at para din makasama ang boyfriend niyang si Renz at bestfriend niyang si Crishane. May Nakilala pa siyang iba pa kaya lagi na silang magkakasama magbabarkada. Puro ku...