CHAPTER 6

1.4K 40 4
                                    

Alam mo 'yong tipong magigising ka nalang sa umaga na mahal muna pala siya. At ang masaklap lang dahil hindi naman ako ang gusto nito.

Unrequited love kumbaga.

Iyon tipong mag sasandok ka na nakangiti, nag to-toothbrush kang nakangiti, lahat ng bagay nakangiti ka.

Ito ba talaga ang sinasabi nilang love?

Tatlong buwan narin simula no'ng nangyari ang sa resort. Madalang narin kaming mag kita ni Devfier pareho naman kasi kaming busy sa pag-aaral.

Minsan natatakot narin ako sa sarili ko dahil mas lalo akong nahulog kay Devfier. Mabait at mabuting boyfriend ito. Pinaparamdam niya saakin ang respeto sa relasyon namin kahit hindi naman ito totoo.

Pwedi naman siyang mang babae dahil kung tutuusin hindi naman talaga kami. Ngunit mas pinili niyang maging tapat. Kaya mas lalo akong nahulog sakanya. Pero syempre hindi niya alam dinadaan ko lang sa biro lahat. Natatakot din kasi baka pag nalaman niyang nahulog na ako ng tuluyan sa kanya baka maging malamig at a-ayaw naito saakin.

----

Ilang buwan narin kaming naging pekeng mag jowa ni Devfier. Unti-unti naring kumakalat sa buong university namin, bukod sa nobody ang girlfriend ng isang sikat na varsity player. Si Devfier at si Shayne talaga ang gusto nila. Minsan makakatanggap ako ng pag huhusga nag d-dm pa saakin sa Instagram na ginagamit at hindi raw kami bagay ni Devfier dahil si Devfier para kay Shayne lang daw.

Syempre kahit gusto kong mag sumbong kay Devfier hindi ko naman magawa ito. Dahil para saan pa? Ito naman ang rason namin na mag papanggap ako para mag selos at mag balikan sila ni Shayne.

"Hmm, kamusta kayo ni Shayne?" Tanong ko kay Devfier na ngayon nasa harap ko kumakagat ng burger niya.

Kahit masakit ngunit kaylangan tanggapin na hindi talaga ako pwedi at hindi kaylan man maging ako.

"Matigas parin pero unti-unti kong napapansin na nag seselos siya. Alam ko dahil ganon siya mag selos no'ng kami pa." Natutuwang sabi nito.

Ouch naman.

Ngumiti naman ako ng pilit ngunit sinigurado ko naman na hindi niya mahahalata na pilit lang ang ngiti ko.

Ginulo niya naman ang buhok ko. Inaya ko na siyang umuwi, hanggang ngayon hindi niya parin alam na hindi maganda ang relasyon naming mag pamilya. Minsan alam kong napapansin niya na minamadali ko siya pag gagabihin na kami ngunit hindi naman ito nag tanong. Alam kong hinintay niya lang ako mag salita at mag open sakanya. Alam ko syempre sa ilan buwan na kasama ko siya kilalang-kilala ko na si Devfier.

May respeto siya, nirerespeto niya ang desisyon mo.

Kaya mas lalo akong nahulog sakanya kahit alam ko naman na hindi niya ako sasaluin. Syempre nakikita kong gustong gusto niya parin si Shayne.

"Bakit kasi hindi nalang ako." Hindi ko na malayang nasabi ko pala ito ng malakas.

Tumingin ako kay Devfier na ngayon nakatitig saakin, umiwas nalang ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag titigan sakanyan dahil para akong masusunog. Bukod diyan hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa isip niya.

"Joke!" Dinaan ko ito sa tawa ngunit naka kunot parin ang noo nito kaya unti-unting nawala ang ngiti ko at napakamot nalang ako sa likod nang ulo ko. "Uhm, A-ano kasi." Hindi ko mahanap ang saktong salita na gusto kong sabihin.

"Vryll do you like someone na hindi ko alam?" Seryoso itong nakatingin saakin, naka kunot parin ang noo na para bang naiinis ito.

Umiwas naman ako ng tingin dahil hindi ko mapigilang isipin na nag seselos siya. Pero syempre dahil feelingera ako ganyan talaga papasok sa isip ko.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now