CHAPTER 17

2K 44 3
                                    

There have been more bad things happen to me than good. But that's okay because it makes me stronger. I will forgive them, even if they do not apologize. I understand there are numerous reasons why this occurred. We are merely human beings. We committed errors and lacked. But then we must open our minds to the fact that we must forgive them in order to grow as people and find peace.

Healing takes time. Instead, concentrate on developing yourself in order to make better life decisions.

It's been five years, and I'm doing great. One of my greatest accomplishments is pursuing my ambition.

"Pa favor ako ulit Xy." Nasa tono ni Kitty ang pag mamakaawa. Ang dalawang kamay nito ay pinagdikit at ang mga mata nito ay kumurap kurap.

Tumawa naman ako at tumango, "Ano kaba. Walang problema saakin na bantayan si West." Tukoy ko sa anak nito.

"Hulog ka talaga ng langit! Kaya karin favourite ni West eh! Maraming salamat talaga Xyril, dibali babawi ako sayo."

Umiling naman ako at sumenyas sa kanya na ayos lang talaga. Kasamahan ko si Kitty sa trabaho. Mabait at madaldal ito, halos hindi maubusan ng mga salita kaya nakakatuwa itong kasama. Natutuwa rin ako sa anak niya. Katunayan ay nainggit ako, parang gusto ko naring mag ka anak.

"Salamat talaga. Mamaya hatid ko si baby West sayo." Niyakap ako nito, yumakap ako pabalik sakanya.

"Sure."

Nag paalam ito saakin kaya pumasok na ako sa kwarto.

Single mom ito nong nakilala ko. Nagulat nga ako dahil may anak na pala ito, don't get me wrong nagulat lang ako dahil hindi halata sa katawan niya.

Sinubukan ko rin siyang tanungin kung sino ang ama ni West. Pero tumanggi ito saakin. Kahit gusto kong malaman ayuko namang pilitin ito. Minsan kasi naawa narin ako sakanya, saksi ako sa lahat ng hirap niya.

Tumingin ako sa cellphone ko, umilaw ito at hudyat na may nag text. Tumayo ako at kinuha ang phone ko sa lamesa.

KITTY:
Otw na kami ni West.

Kumunot naman ang noo ko. Ang aga naman ata niyang ihatid si West? Binalewala ko nalang ito at inayos ang kwarto. Ang lahat ng maliliit na bagay na pweding kainin ng maliit na batang 'yon ay nilagay ko sa taas upang hindi niya maabot.

Tinali ko ang buhok ko into messy bun, at lumabas upang salubungin sila.

"Pasensya kana Xy, maaga ang flight ko ngayon." Hinalikan nito si baby West at binigay ito saakin.

Tumango ako at kinuha si baby West, "Walang kaso saakin. Mag iingat ka."

Nakipag beso ito saakin at muling hinalikan ang anak bago tuluyang kumaway at tumalikod saamin.

Pumasok na ako sa condo at dumaretso sa kwarto.

"M-mommy." Tawag saakin ni West.

"Yes baby? What do you want?" Tanong ko dito.

"Namnam."

Tumawa naman ako at umiling-iling bago kinuha ang  biscuits para kay West.

Tinignan ko itong masayang kumain sa harapan ko. Napaka gwapong bata ito. Nag tataka ako dahil hindi naman ito kamukha ni Kitty. Sino kaya ang ama nito? Curious na curious talaga ako.

Tumingin ako sa pinto dahil tumunog ito hudyat na may nag doorbell.

Kinarga ko si West at pumunta sa labas. Hindi ko kayang iwan si West nakakatakot pag nawala ito sa mata ko, baka kung ano pang mangyari dito.

"Bakla!" Gulat na bungad ko kay Ernesty.

"Hoy gago! Bat may bata?" Lumaki ang mata nito sa gulat.

Sinapa ko ito ng mahina, nag mumura pa naman sa harap ng bata.

"Kay Kitty ito, 'yong kwenento ko sayo na naging kaibigan ko."

Tumango ito at pumasok ng tuluyan sa condo.

"Yayain sana kita mag bar." Kibit balikat na sabi nito.

Tumayo ito, sinundan ko ito ng tingin. Patungo ito sa kusina. Tumingin ako kay baby West na masayang nag lalaro.

"Girl pwedi kanang mag anak." Sabay subo nito sa chips.

"Sus mauna na kayo ni Vilot." Sabi ko sakanya.

Kitang-kita ko ang pamumula ng mag kabilang pisnge nito at umiwas ng tingin saakin.

SANA ALL

"M-mommy... S-sleep." Humikab ito, at ang dalawang kamay ay nakataas. Hudyat na mag pakarga ito.

Tumawa naman ako at kinuha siya. Hinalikan ko ito at rinig ko ang pagtawa nito ng mahina. Sarap talaga sa pakiramdam ang tawa nito, at sobrang bango pa nito. Amoy baby powder and milk.

Pinaayos ko kay bakla ang kama, bago ko nilagay si baby West.

"Girl gusto mo ba ng balita?" Mahinang bulong nito saakin.

Tumaas naman ang kilay ko bago tumango.

"Si Devfier ang pinaka highest paid doctor ngayon."

Bumilis naman ang tibok ng puso ko at ngumiti kay bakla.

"Alam ko." Pabulong na sagot ko kay bakla.

Kinurot niya ako at mahina akong napadaing.

"Ang landi!" Parinig nito saakin gamit ang mahinang boses.

Tumawa naman ako, I rolled my eyes. Bakit bawal na bang maki balita sa ultimate crush ko?

Ito linawin ko lang. Naka move on na ako sakanya, kaya nga naging crush ko nalang ito. Lahat ng masamang alala namin ginawa ko itong inspiration upang makabangon ako muli. Hindi naman ibig sabihin naka move on na ako ay kaylangan kalimutan ko na siya ng tuluyan. Gusto ko mag simula muli kami. Char hindi ko talaga alam kung saan ako mag simula. Basta ang gusto ko, mag simula kami muli sa totoo at hindi sa laro.

Matagal ng single si Devfier, hindi ko alam ang totoong dahilan. Pero ang alam ko tatlong araw  pagkatapos ng graduation ko at pag uusap namin ni Devfier ay wala na sila ni Shayne.

Pagkalipas ng ilang oras nag paalam na saakin si bakla. Nakipag beso ako sakanya at sinundan ko ito ng tingin palabas ng kwarto ko. Binilin ko sakanya na isarado ang pinto ng condo ko dahil hindi ako makakalabas sa kwarto dahil natulog si baby West. Kagaya ng sabi ko kanina, natatakot akong iwan si baby West.

Humiga ako sa tabi ni baby West, naka pajama na ako dahil andito naman si bakla kanina ay nagawa kong mag shower.

Hindi ko mapigilang isipin si Devfier. Aaminin ko 5 years ko siyang hindi nakita sa personal. Kahit sa malayo man lang hindi ko siya nakita.

Dahil iniiwasan mo naman na mag kita kayo. Boses ito mula sa isip ko.

Umiling at humarap ako kay baby West. Natatakot din kasi akong mag pakita sakanya dahil baka habulin ko na ito at hindi ako titigil hanggang hindi maging kami. Lols.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now