CHAPTER 18

2K 51 8
                                    

Nagising ako sa lakas ng iyak ni West. Hinawakan ko ito at laking gulat ko dahil sobrang init nito. Tumayo ako at pumikit ramdam ko ang pag ikot ng paligid dahil sa biglaang pagtayo ko.

Nanginginig ako sa takot at hindi ako mapalagay. Mas lalong lumakas ang iyak ni baby West, mas lalo akong nataranta. Hindi ko alam anong unang gagawin ko dahil sa sobrang takot at pag alala.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Kitty. Pumikit ako ng mariin dahil walang cignal ang phone nito. Tumingin ako sa orasan, 2am na. Pumikit ako dahil nasa airplane pa ngayon si Kitty.

Tinawagan ko naman si bakla pero kagaya kay Kitty hindi rin ito ma contact. Nag iwan ako ng message kay Kitty at kumuha ng jacket, sinuot ko ito at kinuha ang susi ng kotse ko at wallet. Kinarga ko si baby West at kinuha ang jacket niya at sinuot ito sakanya.

Patakbo akong lumabas sa condo at binuksan ko agad ang kotse at nilagay ng maayos si West.

Umiyak parin ito at halos sumikip ang puso ko sa sobrang sakit. Nanginginig ang kamay ko ngunit nagawa ko pang makapag drive papunta sa hospital.

"Shhh. Wag kanang umiyak baby, please nandito na tayo sa hospital."

Kinuha ko ito at pa takbong pumasok sa hospital. Umiyak parin ito. Nanginginig ako sa takot at pag-alala.

Lumapit ako sa pinaka malapit na doctor, nakatalikod ito saakin.

"D-doc tulungan mo ako." Nanginginig ang boses ko.

Humarap ito saakin at laking gulat ko. Ramdam ko ang pag lakas ng tibok ng puso ko, ngunit napalitan ito ng pag-alala dahil sa iyak ni West.

His thick brows and gorgeous nose, as well as his kissable lips and sexy eyes, stare at me.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nag iwas ng tingin.

Kinuha nito sa baby West sa bisig ko, patakbo itong naglakad at halos hindi ko marinig ang mga sinabi nito dahil nakatitig lang ako sa likod niya.

Hindi ako makapali habang hinintay si Devfier na lumabas. Nag text ulit ako kay Kitty na nasa hospital na kami ngayon para sakaling mabasa niya ang unang text ko hindi na siya mag-alala.

"D-dev, I mean Doc kamusta siya?" Nag alalang tanong ko. Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Gosh muntikan ko pang masabi ang pangalan niya.

"He's fine right now, mataas ang lagnat nito pero wag kang mag alala dahil naagapan naman agad." He explained, ngumiti ito saakin pagkatapos.

Hindi ko mapigilang mapatitig sakanya. It's been 5 years at ngayon ko palang siya nakita muli at malapitan pa talaga. Halos matunaw ang puso ko sa sobrang saya..

Ngumiti ako ng matamis sakanya. "Thank you Doc."

Tumango ito saakin, pumasok ako at dumeretso kay baby West. Tahimik itong natutulog. Nakahinga ako ng maluwag. Mygosh muntikan na akong atakehin sa puso.

Bumilis ang tibok ng puso ko at ramdam ko ang mga paru-paro sa tiyan ko na nag wawala ngayon. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang puso ko.

Kalma heart, masyado kang malandi.

Tinignan ko ang cellphone ko, may missed call ito galing kay bakla.

May nurse namang pumasok sa kwarto ni baby West. Binilin ko muna ito upang maka bili ako ng maiinom.

Paglabas ko saktong pag pasok ni Devfier sa kwarto.

Tumikhim ako sakanya at nag bigay daan.

"Saan ka pupunta?" He asked.

Nagulat ako sa tanong niyo ngunit hindi ko pinahalata. "Bibili lang ako ng maiinom."

"Samahan na kita."

"H-hah? I mean sige."

Kinurot ko ang sarili ko sa sobrang kahihiyan.

Sabay kami ni Devfier at halos dumikit ang braso nito sa braso ko sa sobrang lapit. Kumunot ang noo ko dahil pag lalayo ako ay tatabi ito saakin.

Rinig ko ang bulungan ng mga nurse at doctor sa pag upo namin ni Devfier. Umirap ako ng patago, hanggang dito parin pala may mga chismosa.

"Kamusta?" Tanong ko sakanya.

Suminsim ako sa chocolate drink na hawak ko ngayon.

Nakatitig lang ito saakin, kaya nag iwas ako ng tingin. Nakaka ilang naman 'to si Devfier.

Lumaki ang mata ko dahil narealize ko naka pajama pa pala ako. Shoot! buti nalang hindi ko nakalimutan ang jacket ko kanina, dahil wala pa naman akong bra na suot.

"I'm okay. Ikaw kamusta?" He locked his gaze on mine.

"Same!" I laughed sexily.

"Hmm, can I ask?" Ang isang kamay nito  ay nasa likod ng leeg niya at umiwas ito ng tingin saakin.

Tumitig naman ako sakanya, mukhang nahihiya ito saakin. Tumawa naman ako, "Oo naman. Hindi muna kaylangan mahiya pa."

"Si baby West," tumikhim ito at nag iwas ng tingin. "Anak mo?"

Mas lalong lumawak ang ngiti ko at tumango. Syempre pag tripan ko muna ito.

Nakita ko ang pag igting ng panga nito at may pahinayang sa mata nito. Kumunot ang noo ko ngunit binalewala ko ang nakita.

"Where's your husband then?" He asked me.

Umiwas ako ng tingin, hindi ako na inform na police pala ito si Devfier at hindi doctor, kung maka tanong kasi saakin. Pero mas pinili ko parin sagutin ito.

"Nasa New York ngayon, bussines meeting." Pagsisinungaling ko.

"Eh ikaw? Kamusta lovelife mo?" I asked him.

"Ito single." He laughed sexily.

"Pwedi mag apply?" Deretsong tanong ko.

Kumunot ang noo nito at mas lalong lumiit ang mata nito habang nakatingin saakin. "Are planing to cheat your husband?"

Lumaki ang mata ko sa tanong niya. Shoot! Naman parang ang sama ng ugali ko sa tanong niya.

"Charot lang naman 'yon noh!"

Mas lalong kumunot ang noo nito.

Huminga ako ng malalim, "Si baby West anak ng kaibigan ko. Alam mo naman anong trabaho ko diba?" Tumango ito. "Nasa flight si Kitty ngayon ang mama ni baby West. Kaya saakin niya iniwan si baby West dahil wala naman itong ibang pamilya dito."

"Edi single ako ready to mingle!" I laughed hard, hindi ko pa nga mapigilang hawakan ang braso nito.

Char may pa ganon ako pero sinadya ko talagang hawakan ang matigas niyang braso.

Ginulo nito ang buhok ko, "Buti nalang. Pumasok pa naman sa isip ko patulan ka." His tone is husky.

"Loh balak mong maging kabit ko sakali?" Gulat na tanong ko.

Tumawa ito at tumango.

Ay gago!

"Ay hindi no! Hindi kita papatulan kahit sobrang gwapo mo ngayon. Loyal ako sa magiging asawa ko."

Tumayo ito at lumapit saakin. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Hinawakan niya ang kamay ko at pinatayo ako.

Halos manigas ako sa sobrang gulat. Pero hindi ko mapigilan yakapin ito pabalik. Ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito saakin. Rinig ko pa ang bulungan ng mga tao dito, ngunit binalewala ko na ito.

"I miss you so much. Allow me to date you, please." He said this while staring me down, and I blushed.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now