CHAPTER 19

2K 47 11
                                    


It's been a month simula nong inaya ako ni Devfier ng date. Pumayag naman ako no'n. Hindi ako na ako nag pa bebe kasi hindi naman ako ganon. At hindi akong pweding humindi dahil gusto ko naman talaga.

Dumaan muna ako kila kitty upang ibigay ang dala kong pasalubong para kay baby West.

"Hi baby West." Kinarga ko ito at hinalikan sa pisnge.

Tumawa ito at inabot ang mukha ko. Nilapit ko ang mukha ko sakanya upang maabot niya ito. Ngumiti ako sakanya, ngumiti ito pabalik saakin. Parang may humaplos sa puso ko sa konting ngiti saakin ni baby West.

Parang gusto ko tuloy yayain si Devfier na makipag jugjugan upang mabigyan niya ako ng anak.

"Mag anak ka nalang kaya?" Kitty suggest.

"Balak ko ring humingi ng super sperm kay Devfier."

Sinapak naman ako nito ngunit mahina lang dahil karga ko ang anak niya.

"Bunganga beh si West nakikinig saatin."

I rolled my eyes.

At hinalikan muli si West bago ito binigay kay Kitty.

Malaki ang pasalamat saakin ni Kitty, noong nag kasakit si baby West. Kakarating niya lang sa New York at tumawag agad ito saakin, bungad ang hikbi at pagalala sa anak. Ngunit I assured her na maayos na si baby West. Katunayan ay gusto na nitong bumalik agad sa pilipinas ngunit pinigilan ko ito, dahil okay na si baby West. Muntikan ko pang hindi mapigilan ngunit sinabi ko sakanya na ayos na ang lahat. Nakipag video call pa ako upang hindi ito mag alala. Naintindihan ko naman ito dahil ina ito at sino ba namang may gustong mag kasakit at makikitang nahihirapan ang mga anak diba?

Hindi ako nag tagal at nag paalam nasa dalawa. Dumeretso na ako sa hospital kung saan nag trabaho si Devfier. I mean hospital din nila ito.

Tinali ko ang mahabang buhok ko at sinarado ang kotse ko bago pumasok sa hospital. Deretso ang lakad ko papuntang office niya. Binati naman ako ng ibang nurse, bumati ako pabalik sakanila kahit hindi ko naman sila kilala.

Kumatok muna ako ng tatlong beses ngunit wala naman sumagot, sinubukan kong buksan. Hindi naman sarado kaya binuksan ko ito, nag buntong hininga ako, kaya naman pala walang bumukas kasi wala naman talagang tao.

Pumasok ako sa office niya, sinabi niya rin naman saakin na pag pupunta ako sakanya ay deretso nalang ako sa office, at kung wala naman siya sa office niya ay pumasok nalang ako. May spare key din ako sa office niya binigay niya ito saakin.

Umupo ako sa malaking sofa niya, katunayan ay dinalaw ako ng antok. Dahil pagod pa ako sa flight namin kanina. Smooth naman ang trabaho ko dahil si bakla ang piloto namin. Ngunit hindi ko parin mapigilan ang pagod.

Nagising ako sa haplos ng mukha ko, umupo ako ng maayos at humikab.

"Kanina kapa?" I asked Devfier.

Tumango ito at nakatitig parin saakin.

"Still tired? Dumeretso ka nalang sana sa condo mo." He said in low tone.

"Ayos lang no. Nakatulog naman ako kahit papano. Tapos kana ba?" I asked him.

Tumango naman ito.

Tumayo na ako at sa gilid ng mata ko ay kitang kita kong hinubad niya ang lab coat nito at may kinuha sa ilalim ng mesa nito.

Lumapit ako sakanya, tumingin ito saakin at ngumiti. "Let's go?" Tumango ako sa sinabi niya.

Sabay kaming lumabas sa opisina niya. Kitang-kita ko ang pag haba ng leeg ng iilang doctor at nurse.

Umirap ako ng palihim at tumingin kay Devfier na ngayon ay seryosong nakatingin sa dinaanan namin at nakapamulsa pa ito. Nilagay ko ang kamay ko sa braso niya, tumingin ito saakin. Ngumiti ako sakanya.

"Saakin ka nalang sasakay, papakuha ko nalang ang kotse mo kay manong."

Tumango ako sa sinabi niya at kinuha sa bag ang susi ng kotse ko at binigay ito sakanya.

Kagaya ng dati ay binuksan niya parin ako ng pinto, pumasok ako at nag hintay ng ilang sandali bago ito pumasok.

Sabay kaming pumasok sa isang restaurant upang kumain. Dahil pareho kaming pagod ay napag pasyahan naming sa labas nalang kami kumain.

"How's your work?" Tanong nito.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot, "Maayos naman. Ikaw?"

Tumingin ito saakin at nag kibit balikat. "Same as yours."

"Devfier seryoso kaba?" I asked him.

Yumuko ako at nag iwas ng tingin. Hindi ko kasi mapigilang mag overthink.

"God knows how serious I am." He looked straight at my eyes.

I blushed.

"Enebe pereng tenge ke nemen eh."

Kumunot ang noo nito habang makatingin saakin. Hindi ko mapigilan ang paglakas ng tawa ko. Tumikhim ako dahil natablan ako ng nahiya dahil halos lahat ay tumingin saakin dahil lakas ng boses ko kanina sa pag tawa.

I mean? Nakakatawa naman talaga, ang poging kunot noong nakatingin saakin at naguguluhan sa mga sinabi ko. Sinong hindi tatawa diba?

"Kaylan pa?" I asked him again.

"Every day and night, I've been thinking of you since the day I woke up. Your grin will brighten my day. Your presence soothes me, and your speech is soothing to my ears. I recall our first conversation. You're the reason I regained my natural laugh. The reason I dozed off with a grin on my face. The reason I'm motivated to do things once more."

Speechless.

"Si Shayne?" I asked him again. Hindi ako mapakali kasi gusto kong malaman at makompirma ang totoo.

"I loved her." Tumingin ito ng deretso sa mga mata ko, "The day you said na palagi kaming nagkikita. It was because I want closure and to have peace of mind. Hindi ko magawang sabihin sayo 'yon dahil kitang-kita ko sa mga mata mo ang sakit. I'm guilty dahil alam ko na ako ang rason bakit ka nasasaktan ng ganon. I never meant to said those words na hindi kita mahal. Pero 'yon ang kaylangan kong gawin upang mapakawalan ka, dahil alam ko ang panget ang simula nating dalawa."

Nanginginig ako sa rebelasyon niya, at halos maiyak ako. After all this time, akala ko hindi niya ako mahal.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa lamesa at deretso ang tingin nito sa mga mata ko. At sa puntong ito ay alam kong pati kaluluwa ko ay nakikita nito. Tumingin ako sakanya, marami pa akong gustong itanong sakanya.

"Flings?"

"I never tried to have flings." Seryoso ang boses nito.

Gulat akong napatingin sakanya. "Seriously? You never tried?"

"Never. I can't love anyone as much as I love you. I waited for God's timing and right time, and I assume it's now?"

Omygosh parang nahiya ako sa pinag gagawa ko after we broke up ah.

"I am always proud of your little progress and victory."

Not even once I swallow a butterfly, yet my stomach feels thousand of them inside.

Tumayo ako at hindi mapigilang yumakap sakanya. Hindi korin mapigilan ang luhang kanina pang gusto kumawala. Pwedi palang umiyak sa sobrang saya na nararamdaman.

Uma-apaw ang saya sa puso ko at hindi ko mapigilang ang sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

I never expected to be this happy again. I never expected to be happy again in the arms of the person I love the most and who has caused me so much anguish in the past.

I'll confess that the history we shared a long time ago was not flawless and caused a lot of sorrow, but it made us stronger and helped us become the people we are today.

We mature into the better people we are now as a result of our growth.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now