CHAPTER 11

1.6K 38 0
                                    

Family reunion nanaman bukas at ako naman ang magiging center attention ng mga doctor kong pinsan. Mukhang nakasanayan na kasi nila ako maging topic at insultuhin. Hindi ko nga alam kung ganito ba talaga ang pamilya kasi sa pagkakaalam ko hindi naman ganito. Pero iba kasi saamin eh, pag ikaw ang pinaka baba ikaw 'yong kawawa, palibhasa kasi puro sila pasikat, kesyo sino pinaka matalino o pinaka successful ni hindi ko alam kung bakit may ganon saamin? Eh ngayon ay isang tourism management ang kinuha ko ay ako ang naging paburito nilang insultuhin.

"Naka ready naba lahat ng gamit mo?" Mommy asked me.

Tumango ako at sumilip saglit sa mga kapatid ko na kumain.

"Balita ko may jowa ka?" Kuya Zeke asked me.

Halos masamid ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Napatigil ang lahat sa pagkain at na saakin na ang atensyon nila.

"Talaga?" Gulat na sabi ni mommy.

Tumango naman ako bilang sagot, hindi naman strict sila mommy at daddy pag dating sa pag bo-boyfriend, pero hindi ko alam kung papayagan ba nila ako? lalo na konting pag kakamali ko ay bini-bigdeal na nila.

"Sino?" Tanong ni mommy.

Tahimik ako at alam ko na lahat sila ay nag hintay sa sagot ko. Ngunit wala akong balak sabihin sakanila. Hindi ko nga alam kung maniniwala sila pag sinabi ko na si Devfier ang boyfriend ko.

"Sige ganito nalang isama mo nalang siya bukas. Gusto ko rin siyang makilala." Masigla na sabi ni mommy.

Lumaki ang mata ko at tumikhim.

Si Devfier isasama ko?

"Baka a-ayaw ka nanaman? Bakit sino ba boyfriend mo? Anong kurso niya?" Nakataas ang kilay ng ate ko habang tinatanong niya ako.

Tumawa sila kasama ang daddy ko si mommy naman ay galit na pinatahimik sila. Tumayo naman ako kahit hindi pa ako tapos sa pagkain. Wala na akong gana kumain.

"Saan ka pupunta? Naiinsulto kaba? Baka naman pareho kayo ng boyfriend mong patapon?"

Napatigil ako sa paglakad.

"Xykey!" Galit na sabi ni mommy sa pangalan ng ate ko.

"What mom? Lalabanan mo nanaman ang bunso mo? Kaya hindi 'yan natuto dahil sa pag tatanggol mo!" Si kuya Zyk.

"Kaya malaki ang ulo niyan." Si kuya Zyrik.

Nanginginig naman ako at parang tinusok ng karayom ang puso ko sa sobrang sakit. hindi ko mapigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mata ko.

Totoo pala na wala ng mas ikakasakit pa, pag sarili mong pamilya pinagsalitaan ka ng masama.

"That's enough-"

Boses ni daddy ang narinig ko ngunit hindi ko na magawang marinig pa ang lahat ng sinabi niya dahil tumakbo na ako palabas.

Ganito nalang ba palagi?

Naninikip ang puso ko sa sobrang sakit nito. Halos hindi ko makita ang tinakbuhan ko dahil sa luhang kanina pa kumawala sa mata ko. May mga taong nag tataka habang nakatingin saakin. Syempre sino bang hindi mag tataka kung may babaeng tumatakbo parang baliw na umiiyak. Hindi ko na kinaya at tuluyan ng bumigay ang mga paa ko. Humahagulgol ako sa pag iyak binalewala ko ang tingin ng iba saakin ang mahalaga ay mailabas ko lahat ng sakit at sama ng loob ko sa pamilya ko.

Hindi talaga ako naniniwala sa movies na napanood ko na pag malungkot ang bida ay iiyak din ang langit ngunit parang totoo naman pala dahil hindi lang ako ang umiyak dahil sinabayan din ako ng langit.

Binalewala ko ang lamig at ang pag patak ng ulan, patuloy parin ako sa pagiyak nakayuko ako ngayon at ang dalawang palad ko ay nasa mukha ko.

"Hoy gaga!"

Nagulat ako dahil bumungad ang maganda mukha ng kaibigan ko, labis ang pag aalala nito.

"Sabi ko na nga ikaw 'to! Anong drama 'to aber at nag pa ulan kapa talaga." Nangaasar ito ngunit nahalata sa boses nito ang pag alala.

"B-bakla-"

"Shhh, it's okay. Andito lang ako."

I hug him back. Hindi ko mapigilan umiyak sa bisig niya, mas lalong naninikip ang puso ko dahil wala ni isang nag humanap saakin sa bahay namin. Hinayaan lang nila akong umalis man lang. At isa lang ang nag aalala saakin ang bestfriend ko.

It's so many bad things happened to me, than better. But it's okay it's help me to be more stronger. But sometimes I can't handle it anymore. fvck I'm tired..

"Okay kana ba?"

"Okay na ako siguro?" Pabulong na sabi ko.

"Hmm wag mo madaliin syempre may time para riyan. Pero tandaan mo na, nandito lang ako palagi sayo."

Uminit ang gilid sa mga mata ko at umiwas ako ng tingin dahil hindi ko mapigilang umiyak dahil hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang sakit sa puso ko.

Ang sama ng loob.

"Si Devfier alam niya ba ito?"

Umiwas ako ng tingin sakanya.

"Hindi. At wala akong balak sabihin sakanya."

Tumalikod na ako sakanya at humiga. Tahimik naman si bakla at alam niyang wala na akong balak sagutin ang mga tanong niya. Sa ngayon gusto ko mag pahinga at matulog dahil mabigat ang pakiramdam ko. Parang nagsisi na ako dahil naramdaman ko ang pananakit ng katawan ko, mukhang lalagnatin ako nito sa kagagahan ko kanina.

Kinabukasan maayos naman ang pakiramdam ko at salamat sa bestfriend ko. Hindi ko kinaya kagabi at sobrang sama talaga ng pakiramdam ko at pasalamat ako dahil nandito ang bestfriend ko at inalagaan ako. Hindi ko nga alam kung namamalikmata lang ba ako na may kasamang babae si Ernest? At si Devfier na inalagaan ako? panaginip ko lang ba 'yon? May naririnig din kasi akong may kausap siyang babae kagabi at dalawa silang nag alaga saakin.

"Maayos naba pakiramdam mo?" Nasa tono nito ang pag-alala.

Tumango ako bilang sagot, "Salamat bakla. Teka may iba ba tayong kasama kagabi?" I asked him.

Lumaki ang mata nito at namula ang dalawang tenga nito at nag iwas ng tingin saakin.

"T-tumawag pala si Devfier kagabi."

Lumiit naman ang mata ko dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Hmmm."

"Tss. Mukhang galit nga 'yon habang kinausap ako pero sinabi kong may lagnat ka dumaan ito kagabi pero agad din namang umalis."

Nagulat naman ako sa sinabi niya, "Si Devfier? Anong ginawa niya dito?" Gulat na tanong ko. Akala ko panaginip lang 'yon?

"Inalagaan ka niya ngunit tulog na tulog ka naman kagabi. Ako nahiya sayo naka nganga kapa girl!"

"Gago nangasar pa!"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang sakit na naramdaman ko kahapon ay napalitan ng saya.

Ngumiti ako ng palihim dahil kahit papano ay may nag alala rin pala saakin. Hindi lang si bakla pati narin si Devfier at kung sino man 'yong babae kasama ni bakla na ayaw niya sabihin saakin, ay malaki ang pasalamat ko sakanila.

Malaking tulong sila saakin kagabi.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now