CHAPTER 1

1.8K 45 4
                                    

I'm wearing brown trouser, white polo croptop, at rubber shoes. Nag mirror selfie muna ako, bago tuluyang sinuot ang brown shoulder bag ko.

Cheneck ko muna kung andoon ang wallet ko, pagkatapos nag spray ako ng pabango sa leeg at braso.

Hindi na ako nag paalam sa parents ko. Total, wala naman silang pake saakin. Lahat nalang ng galaw ko, mali sa paningin nila.

Sumakay ako ng taxi at nag bayad.  Deretso ang pasok ko at pinakita ang id sa guard. Pag dating ko sa gymnasium hinarangan ako, kaya kinuha ko ang ticket bago tuluyang binigyan ng daan, upang makapasok.

Kagaya kahapon maingay at sobrang dami ng tao. Actually mas marami ngayon, hindi narin ako mag tataka, dahil ngayon ang championship. Sayang nga at wala si bakla.

Umupo ako sa hindi kalayuan, at kumuha ng picture, upang may ipang-myday ako sa Instagram.

Cheneck ko muna ang post ko kahapon, maraming nag heart at comments.

Girl ang pogi ni Devfier diyan! Pahiram ng picture!

Hala shet sana naging bottle water nalang ako.

Pangarap ko rin maging bottle water.

Sana tubig nalang ako.

Sana brief nalang ako.

Ay gago 'to ah anong brief?

Napasimangot naman ako. Kaylangan ko na sigurong e-private ang account ko sa Instagram.

Napatakip ako sa tenga ng tumili ang mga kababaihan, at mas lalong naging wild ang mga tao dito sa loob. Dahil sabay-sabay na pumasok ang dalawang team na halos puro Greek Gods ang mga mukha.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko, dahil namataan ko agad ng tingin si Devfier, nakikipag biruan ito sa isang kasama niya, mas lalong lumiliit ang chinitong mata nito habang tumatawa.

Lumipas ang ilang minuto, nag start na ang laro. Medyo magaling ang kalaban ng university namin, at alam kong nahihirapan ang players sa school namin.

Halata naman sa mga mukha nila ang pagseseryoso, samantalang nakangiting mapang-asar ang kabilang grupo.

Kumunot ang noo ko. Teka, bakit ramdam kong may alitan sa dalawang grupo?

Bakit parang hindi lang sa game sila  mag kaaway?

So weird.

Umiling ako at binalewala ang napansin.

Nag focus ako sa laro dahil nga, sobrang intense ng labanan ngayon, puro magagaling ang mga players, at walang balak mag patalo.

Fourth quater at lamang ang kalaban, isang minuto nalang matatapos na ang game at kung minamalas nga naman, nasa kalaban pa ang bola.

Mas naging maingay ang kalaban naming university, dahil pabor sakanila ang game.

"GET THE BALL!"

"GET THE BALL!"

"GET THE BALL!"

"GO EMPERIAL UNIVERSITY!"

"GET THE BALL!"

Umingay ang mga taga EU, at hindi ako makasabay sa, 'get the ball', na sinasabi nila, dahil kabado ako.

Mukhang matatalo pa kami.

70-76

Anim din na puntos ang lamang ng kalaban saamin. 30 seconds nalang, ngunit nasa kalaban parin ang bola. Mahihirapan talagang kunin dahil, aaminin ko magaling talaga ang DU.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now