CHAPTER 4

1.4K 42 1
                                    

Pumikit ako ng mariin at halos matumba ako sa lakas ng pag sampal na tanggap ko mula sa ama ko. Gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawang umiyak. Siguro nga ubos na ang luha ko. Gabi-gabi pa naman akong umiyak. Gaba-gabi ko pa naman maramdaman ang sama ng loob. Siguro kahit sobrang sakit na at gusto kong iiyak lahat, pero dahil siguro pagod narin ang mata ko kakaiyak. Parang ayaw narin nitong tumulo.

Yumuko at hinayaan kong mag salita ng masama ang ama ko ngayon.

"Wala ka talagang utang na loob! Wala kang kwentang anak!" Galit na sigaw nito.

Nakayuko at walang imik akong nakinig sa sinabi niya, ramdam ko ang paninikip at pag hahapdi ng puso ko. Ganito naba talaga palagi? Ganito ba talaga ang gusto ko? Bakit parang unting-unti ko pinagsisihan na sinuway ko sila. Puro what if? ang nasa isip ko ngayon.

What if nag medical course ako?

Ganito ba ang buhay ko ngayon?

Pumikit ako ng mariin at tulalang pumasok sa kwarto.

I sighed.

I took a shower and wear my pajamas.

Tulala ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Gusto kong umalis pero wala akong lakas na loob na umalis saamin.

Ang hirap talaga pag palamunin ka lang. . .

KINABUKASAN maaga akong nagising kagaya nang kagawian ko, nag bihis, toothbrush, kumain at pumasok na sa school.

Lunch time na at parehong bakante kami ni bakla kaya nandito kami ngayon sa labas ng university namin, kumakain ng street foods.

Habang lumalamon ako ng pagkain si bakla naman ay busy kaka cellphone, gusto ko nga mag reklamo dahil minsan na nga kami mag kita nag ce-cellphone pa.

"Bruha ka! Bakit nandito ka sa party ni Rix?" Lumaki pa ang butas ng ilong nitong habang nakatingin saakin.

"Ah,,,, Eh,,,,"

"Halika dito!" Umupo kami sa may bakanteng upuan, "Explain mo beh bago kita sampalin."

"Jowa ko kasi si Devfier."

Pumikit ako ng mariin at hinayaang tumawa ng malakas ang katabi ko ngayon, hiniling ko nga na sana malunok niya ng buo ang kwek-kwek na kinain niya. Dahil nga mabuti ang langit at dirinig agad ang hiling ko nalunok ng deretso ni bakla ang kinain niya. Bilang mabuting kaibigan binigyan ko siya bottle water.

"Tangina mo bruha ka! Kasalanan mo talaga ito!" Inis na sabi nito.

Kahit gusto kong sabihin kay bakla ang totoo, ngunit hiling narin ni Devfier na kami lang ang nakaka alam na hindi ang totoo ang relasyon namin.

"Gago ka! Ikaw 'tong kumain bakit ako sinisisi mo!" Char kunware hindi plastic, "Sana pala hindi kita binigyan ng tubig." Kunwareng inis na sabi ko.

"Tangina mo. Patawa ka kasi! Iyon lang ata ang pinaka magandang joke mo sa buong buhay mo eh."

Umirap ako sakanya.

Iwan ko ba, bakit ganito kami ni bakla mag usap. Puro mura ang lumalabas sa bunganga namin.

"Totoo naman kasi." I pouted.

"Hindi nga? Talaga? Leg8 no lice?" Dudang tanong nito.

"Oo nga! Ay bahala ka nga diyan kung ayaw mo maniwala." Umirap ako sakanya.

"Sige nga medyo naniwala na ako dahil katabi mo siya sa picture na pinost ni Rix, pero may duda parin ako. Bigyan mo'ko ng ebidensya." Ang dalawang kamay nito nasa dibdib at ang isang kilay nito nakataas habang nakatingin saakin.

Umirap ako sakanya at kinuha ang cellphone ko na may picture namin ni Devfier.

Naka akbay ito saakin at naka wacky pose kami pareho. Kuha ito no'ng birthday ni Rix.

Lumaki naman ang mata nito at iniscroll ko ang cellphone ko.

Nakangiti kami pareho ni Devfier at nakahawak ang kamay nito sa beywang ko.

May kuha din kaming ako 'yong naka hawak sa cellphone.

Tawang-tawa nga ako no'ng araw na 'yon, ayaw niya kasi mag picture at halata naman dahil lahat ng social media accounts niya konti lang ang pictures, mostly kuha ito pag nag lalaro siya. At wala talagang selfie. Ngunit napilit ko naman ito kahit papano kaya may mga pictures kami. Balak ko sanang e-post ito ngunit, dahil sa nangyari sa bahay nakalimutan korin itong e-post.

"Tangina mo panget! I feel betrayed! Kaylan pa ito?"

Mukhang nakumbinse ko naman ito.

"Uhm bago lang! Ay basta wag mo na akong tanungin!" Umiwas ako ng tingin.

Hindi ko kasi magawang makapag sinungaling kay bakla, dahil kahit naman busy kami pareho magagawan naman namin ng paraan na mag kita at mag bonding kami. Kaya hindi ako makalusot sakali kung mag sisinungaling ako, baka mahuli pa ako na nag sisinungaling.

Tumingin ito saakin na parang may duda kaya tumayo ako. "Tara na bakla anong oras na." Nagulat naman ito at halos lumaki ang mata nito habang nakatingin sa relo niya.

"Tangina!!!" Maarteng sigaw nito.

"Gaga ingay mo!" Hinila ko naman ito at pumasok na kami agad.

"Gaga mali-late na ako!" Nag beso ito saakin at tuluyang tumakbo papasok sa building nila, tumawa at umiiling ako habang nakatingin sakanyang maarteng takbo.

Sayang din itong bestfriend ko. Katunayan ang pogi nito eh, kaso nga lang pogi rin ang nais.

Pumasok ako at nag review dahil wala pa naman ang teacher namin. .

Nag short quiz at discussion ang nangyari saamin pagkatapos tumayo na agad ako upang dumiretso sa parking lot.

"You're late." His boritone voice filled my ears.

"Sorry na uwu." Pinag dikit ko pa ang dalawang kamay ko.

Kumunot naman ang noo nito at naguguluhan sa asta ko kaya tumawa lamang ako.

"Teka hindi kaba marunong mag tagalog? Hindi pa kasi kita narinig nag tagalog eh. Pweding mag tagalog ka? Dumudugo lagi ilong ko pag kasama ka eh." Pag rereklamo ko habang sinuot ang seatbelt.

"Tsss." Iyong lang ang bukod tanging narinig ko.

"Ganito ka ba talaga ka ingay?" He asked me.

Napatingin ako sakanya at gulat na gulat.

"Tss."

Sinampal ko naman ang sarili ko baka kasi may narinig na akong ibang nag sasalita sa loob ng sasakyan niya.

"Tss don't hurt yourself!" He chuckled.

Sabi na eh, hindi nga siya 'yon!

"Dev, saan pala tayo?" I asked him.

"You see." Tumahimik na lamang ako dahil ramdam ko naman na ayaw niya sa maingay.

Ngunit hindi ako makapali dahil nangangati ang bunganga kong mag salita.

"Eh... Pwedi bang mag pa music?"

Tumango lamang ito at deretso ang tingin sa harap.

I pouted.

Ayaw talaga akong pansinin eh.

Weekends naman bukas kaya may dala akong damit.

Mag lalayas na ako. Mag tatanan na kami ni Devfier.

Charot na may halong harot!

Birthday ng pinsan niya at hindi ko alam kung saan kami pupunta ngayon. Hindi narin ako nag paalam na hindi ako makakauwi ngayon sa weekends dahil may family trip sila at syempre hindi ako kasama.

Kahit sanay na ako masama parin ang loob ko. Masakit parin.

Lagi pinipilit ni mommy si daddy na isama ako ngunit ang ama ko matigas ito. Ayaw niya akong isama dahil gusto niyang iparamdam saakin na hindi ako belong simula nong sinuway ko sila. At tagumpay naman ito.

Dahil ramdam na ramdam ko na hindi na ako belong.


Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now