CHAPTER 7

1.4K 47 4
                                    

I'm wearing blue jersey and denim short, suot ko rin ang canvas brown tote bag. Huminga ako ng malalim at nag lagay ng konting blush on sa mukha at liptint pagkatapos tumayo na ako upang i-suot ang blue nike shoes ko.

Maaga ako nagising dahil hindi ko gustong maabutan nilang naka suot ako ng ibang jersey baka masamang salita naman ang a-abutin ko sakali.

Hindi ko rin alam kung makilala ba nila ang apilyedo ni Devfier sakali. Kilala kasi ang hospital nila Devfier. Bukod andoon ang mga pinaka magagaling na doctor, isa 'yon sa pangarap ng kapatid ko na makapasok sa hospital nila Devfier.

Syempre bilang isang black sheep wala silang paki alam sa takbo ng buhay ko. Simula nga noong nangyari 'yon hindi ko man lang narinig sakanila ang salitang, 'kamusta' kahit man sabihin kong sanay na ako ngunit gusto ko parin marinig 'yon kahit papano.

Nangungulila naako sa mga magulang ko. Ngunit anong magagawa ko? Kahit anong gawin ko. Wala parin kwenta sakanila. Umiling ako at huminga ng malalim, nag mamadali narin akong kumain baka kasi maabutan nila ako.

Pagkatapos kong mag toothbrush umalis na ako naabutan ko pa si manang na nag didilig ng halaman. Ngumiti at nag paalam ako sakanya. Tumango lang ito saakin.

Bumuntong hininga ako dahil bukod sa pamilya ko pati rin lahat ng nag trabaho saamin ay hindi na ako pinapansin. Si mommy lang ang bukod tanging may paki alam saakin.

Naabutan kong naka sindig si Devfier sa kotse niya, ngumiti ako ng matamis ngunit tumingin lang ito ng seryoso saakin.

"Seryoso natin ah?" Natatawang tanong ko.

"Hmm, you look good." Sabi nito.

Namula at nag iwas ako ng tingin.

Inakbayan ako nito at sabay kaming pumasok, medyo maaga pa kami konti pa lang ang mga tao dito.

"Hello!" Masayang bati ni Rix saakin.

Kumaway naman ako at masayang ngumiti sakanya.

"Hello Rix!"

Si Rix ang bukod tanging close ko sakanila. Mabait naman ang iba ngunit hindi ko naman kaylangan pang maki sama pa sakanila.

"Dito ka muna, hmm do you want something?" Devfier asked me.

Masyado ring malapit ang mukha nito saakin kaya ako ang unang nag iwas ng tingin.

"Busog pa naman ako, pero nakalimutan ko kasing dalhin ang tumbler ko." Nahihiyang sabi ko.

Isa rin kasi sa hobby ko ang umiinom palagi ng tubig.

Nakita kong tumango ito at may pinindot sa cellphone nito.

"Nag papa deliver na ako." Ginulo ang buhok ko bago ito nag nakaw ng halik.

Namula ako dahil nakita kong nakatingin saamin ang mga kasama niya isa na doon si Rix na ngayon malokong ngumiti saamin.

Ngunit nawala bigla ang saya at kilig ko dahil nakita ko si Shayne na kasama ang kaibigan at team ng kalaban na ngayon mariing nakatingin saamin.

I see,

Pinilit kong ngumiti sakanya at binalewala ang sakit na naramdaman ko, syempre sanay na ako mag tago ng emosyon pamilya ko nga hindi nila alam ang tunay kong naramdaman, akala nila masaya ako, na wala akong paki alam sa mga sinasabi nila, na akala nila bato ako dahil hindi man lang ako nasaktan, 'yon kasi ang akala nila. Hindi man lang nila tinignan ang sa loob ko. Kung ayos lang ba ako talaga ako.

Ito na ang isa sa mga talent ko ang mag papanggap na masaya samantalang durog sa loob.

Umayos ako ng upo at nag kuha ng konting video at picture upang may ima-myday ako sa Instagram.

May narinig ako ng konting bulungan, kung bulungan nga ba talaga ang ginawa nila dahil rinig na rinig ko naman. Hindi ko nga alam kung sinadya nila ito na i-parinig saakin upang insultuhin at saktan ako.

Ngunit hindi ko pinakita sakanila na maapektuhan ako dahil sino nga ba sila? Sino sila para husgaan ako? Sino sila na mag salita ng masama saakin? Kilala ba nila ako?

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin dahil anytime sasabog na ako sa galit, at sakit na nararamdaman ko.

Kitang-kita ko sakabilang banda ang malditing pangisi ni Shayne saakin, halatang siya ang nag utos sa mga ito. Kung ganon man pwes hindi ka mag tatagumpay sa binabalak mo.

Tumingin ako sa likod at ngumiti ng matamis sakanila. Alam ko itong ngiti ko, ngiting anytime papatay ng tao.

Nag taas ako nang kilay dahil tumigil at namutla sila. Ano 'yun magaling lang sila mag paparinig pero takot naman?

Kung ganon tangina naman nila sagad.

"Tapos naba kayo?" Nakangiting sabi ko, "Kung hindi pa, pwedi naman akong mag request sa boyfriend ko, na bigyan kayo ng microphone total gusto niyo namang mag chismisan ngunit pilit niyong iparinig saakin. Kung ganon man why not iparinig niyo nalang sa buong tao dito para naman ma satisfy kayo ket papano."

"Sorry po!" Tumakbo sila at umalis ng tuluyan sa likod ko.

Nakahinga ako ng malalim, tumingin ako sa kabilang banda, kitang-kita ko ang galit at inis sa mukha ni Shayne. Hindi ko alam kung ano binabalak nito ngunit ang tumatak sa isip ko ay gusto niya akong umalis dito, ngunit hindi siya nag tagumpay dahil ang mga tuta niya ang umalis.

I smirked at her, at umirap.

Tangina mo girl sampalin kita eh.

Lumapit si Devfier saakin na may dalang tubig at burger?

"Para saan 'yan?" Nag tatakang tanong ko.

Ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko, hindi na ako nag tanong ulit kahit nag tataka kinuha ko parin ang binigay niya.

Hindi pa naman nag start may ilang minuto pa naman sila.

Tumabi ito saakin medyo nailang ako dahil madami ng tao ngayon kumpara kanina at ngayon nasa amin ang tingin nila.

"I'm tired."

Tumingin ako sakanya, kitang-kita ko ang pagod sa mata nito.

Ngumiti ako ng matamis at kahit matangkad siya pilit kong inabot ang ulo niya upang ilagay sa braso ko.

"Idlip ka muna saglit."

Hindi na ito nag salita, ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon inisip ko nalang ang sarili ko na hayaang mag kagusto at iparamdam sakanya na andito lang ako palagi na nag mamahal at tanggap siya sa lahat.

Kahit alam kong ako naman ang kawawa sa huli. Gustong-gusto niya pa si Shayne, pansin ko dahil hindi niya magawang hindi tumingin sa banda ni Shayne na ngayon mukhang masaya dahil sa atensyon na nakuha nito.

Ngumiti ako at nag cheer sa grupo nila. Napa tayo at napasigaw ako sa tuwa dahil kami ang nanalo.

I run up to him and hug him while his arms circle around my body and hug me.

"Congrats Devfier! Galing natin ah." I whispered.

He kissed my forehead and whispered into my ears.

"Syempre nandito pa naman ang girlfriend ko."

Namula ako at nag iwas ng tingin.

"Loko-loko!"

He laugh sexily.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now