CHAPTER 12

1.6K 40 1
                                    

"Wag ka nalang kaya tutuloy?" Nag alalang sabi ni Ernesty.

Tumingin ako saglit sakanya at patuloy na nilagay ang mga damit ko sa backpack.

"Hindi pwedi bakla eh, hahanapin ako doon. Baka sabihin nila na sobrang tigas ko na."

"Sige ihahatid na kita. Wag na wag kang tatanggi dahil sasampalin talaga kita."

Umirap ito at tumalikod saakin. Deretso ang pasok nito sa kwarto at hula ko ay kukunin niya ang susi ng kotse niya.

Umiling nalang ako at wala ng magagawa lalo't na puno na ang desisyon ni Ernest.

Pumunta ako sa kusina ng condo niya at nag salin ng tubig. Hindi ko parin naman alam kung anong mangyayari sa family reunion namin.

Baliwalain mo nalang sila Xyril. Gaya ng ginawa mo dati. Ngayon pa ba ako titigil? Lalo na ilang buwan nalang graduate na ako.

"Babye mag iingat ka palagi. Call me if you need me 'kay?" He whispered.

I hug him back at tumango. Hindi muna ako pumasok sa resort at hihintayin ko munang umalis si bakla. Nag busina ito bago tuluyang umalis, kumaway naman ako at ng nawala na sa paningin ko ang sasakyan ni bakla at pumasok na ako.

Deretso ang lakad ko papunta sa villa na inupahan ng pamilya namin para sa family reunion.

"She graduated with high honors yeah she will good doctor someday." Boses ni tita ang narinig ko.

Umiling naman ako. Dahil hanggang ngayon parin pala ay ganito parin ang maririnig ko sa pamilya namin.

Puro pasikat.

"Here comes the family's disappointment and black sheep." Parinig ng ate ko.

Halos manigas ako sa kinatayuan ko dahil sa sinabi ng ate ko. Yumuko ako at pumikit ng mariin, nanginginig ang dalawang kamay ko dahil sa takot. Uminit ang dalawang mata ko at hudyat na anytime ay maiiyak na ako.

Akala ko ready na ako. Akala ko sanay na ako sa pag huhusga at sa mga masamang salita na galing sa pamilya ko. Pero akala ko lang pala, dahil hanggang ngayon ay nasasaktan parin pala ako.

Silly anong akala ko sa sarili ko robot? Na walang emosyon? Na hindi masasaktan?

Tahimik ang lahat sa sinabi ng ate ko, ngunit ramdam ko na narinig naman nila lahat 'yon.

"So, how is your school doing?" Si mommy.

Nanginginig naman ako at huminga ng malalim.

"F-fine."

Gusto ko batukan ang sarili dahil nakuha ko pang mautal.

Balewala naman sakanila ang sinabi ko at pinag patuloy ang mga usapan nila. Umupo ako sa tabi ni mommy na ngayon ay bumubulong saakin na wag ko nalang daw pansinin ang ate ko at ang mga sinasabi nila.

Gusto ko nga sabihin na, kung pwedi lang balewalain at hindi pansinin ang sinabi nila ay matagal ko ng ginawa.

Bakit naman kasi nila ako pipilitin pumunta sa ganito kung alam naman nila na puro masasakit na salita ang matatanggap ko?

"How about your youngest, is she still pursuing her studies? It's very low, which is somewhat disappointing."

Mahina ngunit rinig kong sabi ni tito kay daddy. Tumingin pa ito saglit saakin at mahinang umiling at tumingin ulit sa kausap.

Umiwas ako ng tingin at lumunok. Tumingin ako sa kamay kong nanginginig hanggang ngayon.

Parang may nababara sa lalamunan ko at ang hirap lumunok. Sobrang hapdi ng puso ko at anytime ay gusto ng kumawala ng luhang kanina ko pang pinipigilan.

Nilibot ko ang paningin ko, masayang nag lalaro sa dagat ang mga pinsan kong babae. Ni hindi man lang nila ako nagawang pansinin o kamustahin. Kung titingin naman sila saakin ay para akong basura. Samantalang ang mga lalake kong pinsan ay nag iinuman, pinapansin parin naman nila ako pero hindi na kagaya ng dati. Mas okay narin 'yon ket papano ay tumatango at ngumiti sila saakin kung titingin ako sakanila.

Nag buntong hininga ako.

Naawa na ako sa sarili ko dahil pilit kong pinag siksikan ang sarili ko sa mga taong ayaw naman saakin.

Nawala lahat ng samahan namin simula nong nag iba ako ng gusto.

Gulat ako napatingin sa dalawang mag asawa na papalapit saamin. Narinig ko pa ang bulungan nga mga tito at tita ko lalo na ang boses ni daddy na pinapatawag ang kapatid ko.

Yumuko naman ako at umatras. Kinabahan ako at naawa sa sarili ko.

Sinadya namang banggain ng ate ko ang balikat ko ngunit binalewala ko nalang ito ay umatras upang hindi ako makita ng mommy at daddy ni Devfier.

Anong ginawa nila dito?

Inopen ko cellphone ko at pumunta sa message.

Devfier:
Papagaling ka. Wag mong kalimutan uminom ng gamot at mag pahinga ka, I miss you. Gusto sana kitang isama sa resort dahil hinanap ka na nilang mommy saakin. Pero may sakit ka kaya mag pagaling ka muna.

Mahina naman akong tumawa dahil deretso ang pagkasabi niya ng tagalog.

Napatigil naman ako sa pagtawa dahil agad ko rin namang narealize. Lumaki ang mata ko, so ibig sabihin andito si Devfier? Napamura ako ng madami sa isip ko.

Shit lang.

"This is my daughter; she is a good student who graduated from college and a doctor, and my son is a good doctor as well." Nasa boses ni daddy ang pag mamalaki sa kapatid ko.

Ngumiti naman ako dahil kahit ganon ang mga kapatid ko saakin, ay masaya ako sakanila. At bilang kapatid nila ay  sobrang proud ako sakanila.

Kahit papano ay nag hintay ako na ipakilala ni daddy kahit impossibleng ipakilala niya ako dahil nahihiya siya na naging anak niya ako.

Ngumiti ako ng mapait at kinalma ang sarili dahil sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

My heart is crying but my lips is smiling. how can I surpass this feelings of mine.

"Xyril baby come here." Nakangiting sabi ni mommy, sapat na kami lang ang makakarinig.

Pumikit ako ng mariin at kahit papano ay nawala ang sakit nararamdaman ko dahil andito pa si mommy. Ang nag iisang may pake saakin.

Umiling ako kay mommy at ngumiti sakanya upang ipakita sakanya na okay lang ako.Narinig ko pa ang pagtikhim ni Daddy at pagirap ng ate ko saakin. Samantalang tahimik lang ang tatlo kong kuya.

Kahit masakit sa loob ko ay dahan-dahan akong tumalikod. Mas mabuti pang pumasok na muna ako sa hotel room ko. Kaylangan kong mag pahinga.

Kahit gusto kong mag pakita sa mommy at daddy ni Devfier upang batiin sila ay hindi ko magawa dahil baka magalit si daddy saakin at may masabi siyang masama na salita sa harap nila at mapapahiya pa ako.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now