CHAPTER 13

1.7K 41 7
                                    

"Xyril hija!"

Halos manigas ako sa kinatayuan ko, mahina akong tumingin kay tita, ang mommy ni Devfier na ngayon naka ngiti saakin.

Parang may bumara sa lalamunan ko at ang hirap mag salita. Pinili ko nalang ngumiti at lumapit sakanila.

Nanginginig ako sa takot na baka mapahiya ako at magalit ang daddy ko saakin. Dahil sa pag lapit ko sakanila.

Umiling ako at binalewala lahat ng nasa isip ko, bahala na kung papagalitan nila ako kesa naman magalit saakin ang mommy at daddy ni Devfier. At hindi korin sila kayang baliwalain dahil napakabuti nila saakin.

"What exactly are you doing here? Who's  with you?" Deretsong tanong ni tita saakin.

Tumingin ako saglit sa pamilya ko, na ngayon ay gulat na gulat dahil kilala ako ng mommy ni Devfier. Nakita ko pa ang pag nganga nang ate ko at ang mga kuryusong mata ng kuya ko at lalo na si daddy na ngayon naka kunot ang noo at halata sa mga mata nito ang pag tatanong. Si mommy naman ay nakangiti ito ngunit may gulat parin sa mukha nito.

"Hello po tita." Nag beso ako sakanya, "Hello po tito." Ngumiti ako at ngumiti ito pabalik sakanya.

"Kasama ko po, sila mommy at daddy at mga kapatid ko." Magalang na sabi ko.

Sumilip ako saglit sa pamilya ko na ngayon mag pag tatanong sa mga mata nila lalo na ang kapatid at ang ama ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at mas nanaig ang takot saakin.

"Really? Where are they?" Si tita.

"She my youngest daughter." Pormal na sabi ni daddy.

Kumunot ang noo ng daddy ni Devfier at ang mommy niya naman ay ngumiti ng malawak sa pamilya ko.

"Pano mo sila nakilala?" Deretsong tanong ng ate ko.

Bubuka na sana ang bibig ko upang sagutin siya ngunit naunahan ako ng mommy ni Devfier.

"She is my son's girlfriend." Nakangiting sabi ni tita at nasa tono pa nito ang pag mamalaki. Tahimik at nakangiti naman si tito habang nakatingin sakanyang asawa.

Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.

Nag iwas ako ng tingin sa ate ko na ngayon masamang nakatitig saakin at ang mga kuya ko naman ay seryosong nakikinig sa mga usapan nila. Nakikisali narin ang mga tito at tita ko sa usapan.

"And as always, she is very kind, intelligent, and beautiful. I adore her, and I adore her to my son." Si tito.

Uminit ang mag kabilang pisnge ko sa pag pupuri ni Tito. Parang may humawak sa puso ko na kahit papano ay may nag mamalaki parin naman saakin. Masakit lang isipin dahil maririnig ko pa ito sa ibang tao. What I mean hindi na iba sila tita at tito saakin dahil tinuring ko na silang pamilya. Ngunit hindi ko lang mapigilan masaktan dahil hindi ko man lang narinig 'yan galing sa pamilya ko.

"Come with us!" Excited na sabi ni tita saakin. " Let's surprise my son; I'm sure he'll be surprised and happy. Diba hon?" Si tita kay tito. Nakangiting tumango si tito kay tita na ngayon nangingislap ang mata.

Sana all.

Nag paalam naman ako kila mommy at daddy, ganon din ang ginawa ng mommy at daddy ni Devfier bago kami tuluyang umalis.

"I bet, he will be surprise!" Tita chuckled.

"Pag pasensyahan muna ang tita mo hija. Feeling teenager pa kasi ito." Nasa tono ni tito ang pang aasar.

"Hoy! Anong sinasabi mo Faulkerson?" Galit na sabi ni tita.

"Sabi ko, I love you. Ang ganda mo palagi."

Namula naman si tita at natutuwang tumingin si tito kay tita na ngayon ay kinilig.

Grabi nasaan ang hustisya? At sa harap ko pa talaga nag lalandian ang parents ng jowa ko?

Really Infront of my pancit cantoon?

Charot.

Ngumiti naman ako at hindi mapigilan ang pag hanga sakanila. Naalala ko si mommy at daddy. Ganito rin sila ka sweet sa isa't isa. Naisip ko tuloy kung mag aasawa man ako ay ganito rin ba kami?

"Baby Devfier may suprise ako sayo." Si tita na ngayon ginulo si Devfier.

Nakahiga ito at ginawang pantabon ng mukha ang tuwalya. Natutulog ito.

Mas humaplos naman sa puso ko dahil paniguradong puyat ito, dahil sabi ni bakla saakin ay binantayan ako ni Devfier kagabi.

Bumilis ang tibok ng puso ko, kahit hindi naman ako naka lunok ng butterfly ngunit ramdam ko ang mga paru-parong nag wawala sa loob ng tiyan ko.

"What mom? Mamaya na inaantok ako."

"Edi don't." Pinigilan ko ang pag tawa dahil sa sagot ni tita kay Devfier.

"Xyril hija let's go. Mag bihis kana ng swimsuit maliligo tayo!"

Tinignan ko si Devfier na nakahiga at nakatakip parin ang tuwalya sa mukha nito.

"Sige po." Magalang na sabi ko.

Halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang tumayo si Devfier at parang may hinanap. Natigil ito nong nagkatitigan kami dalawa. Awkward akong ngumiti sakanya.

"Let's go na hija. Wag muna pansinin ang anak ko dahil natutulog pa raw siya." Nang aasar na sabi ni tita.

"What are you doing here?" Hindi pinansin ni Devfier ang pang aasar ng ina nito.

"Let's go honey, tayo nalang ang maligo. Hayaan muna silang mag bebe time." Si tito naman.

Nakahawak ako sa bunganga ko dahil hindi ko mapigilang tumawa dahil sa sinabi ni tito.

Really? Bebe time?

Ngumiti si tito saakin bago inakbayan si tita na ngayon ay gustong bumalik dito.

"Uhm. Sorry nakalimutan kong sabihin sayo may family reunion kasi kami."

"Kamusta? May masakit ba sayo?" He asked me. Nasa tono nito ang pag-alala.

Ngumiti naman ako ng matamis at niyakap siya. Nanigas naman ang katawan nito at alam kong nagulat siya sa biglaang pag yakap ko sakanya.

"Okay na ako. Salamat sa pag aalaga saakin kagabi."

He hug me back, tahimik lang kaming nag yakapan at wala ni isang gustong bumitaw.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at parang kami lang dalawa ang nandito sa mundo.

Sobrang mahal na mahal kita Devfier.   Sana ako nalang ang mahalin mo. Ang selfish ko man sabihin ito pero sana ako nalang ang mahalin mo at wag nalang si Shayne, kalimutan mo nalang siya. Dahil andito naman ako.

Sana ako nalang ang mahalin mo.

Pretending To Be His Girlfriend (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now