MORNING came, and Eros wasn't on my side any more dahil medyo late na akong nagising. Binati kaagad ako ng pagduduwal at kapit na kapit ako sa sink para hindi mabuwal sa kinakatayuan. Habang nagsusuka, umiiyak ako because aside from my upset stomach, maaga rin akong tinawagan ni Bea kanina.
"Good morning, just wanna check up on you, kamusta? Baka i mo-move ko ang check up date natin dahil importante 'tong sasabihin ko. Say, after your launching para hindi gaanong stressful." panimula nya.
Mamungas mungan pa akong umupo sa gilid ng kama dahil kakagising ko lang.
"Sure. Si Mamita pa rin naman ang hahawak sa kompanya hanggang matapos ang first trimester ko. Anyway, tungkol ba 'to sa ginagawa mo'ng test nung nakaraan?" I asked. Medyo nakaka intriga lalo pa't seryoso ang boses nya.
"Yes. Anyway, setting aside the topic, matanong ko lang ah, ginagago ka ba ni Eros?" pagalit nyang tanong. Tumuwid ang upo ko at saglit nawala ang antok.
"Ginagago?"
Taka ko'ng tanong. Natahimik ang kabilang linya kaya akala ko binabaan nya na ako."I don't want you stress, Sonia, but I swear to God if I ever caught your husband in act, talagang masasapak ko sya."
Diretso, at seryoso nyang sabi. Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita at sumagi sa isipan ko yung pinag-usapan namin ni Collins kahapon.Nahihilo ako.
"What do you mean? Paki linaw Bea, please."
"Wagna. Bumangon kana jan at kumain. Never skip a meal, at as much as possible kumain ka on time. Just always rember if ever Eros is cheating on you, nandito lang ako at ready mangarate. "
Lumuhod na ako sa sahig ng banyo at patuloy na nagsuka kahit puro laway lang naman ang lumalabas. Patuloy ang iyak ko at kalaunan nauwi sa malakas na hagulhol.
After puking, ilang sandali pa akong tumunganga sa banyo bago nagpasyang maghilamos at maligo. I feel so ugly, at buti nalang talaga maagang pumasok sa trabaho si Eros, kung hindi baka magtalukbong ako ng kumot dahil sa kapangitan.
Nagpa-ilalim ako sa malamig na tubig at pumikit. I sighed, remembering how I cried my ass out earlier. Why am I even that upset? Kilala ko Eros at alam ko'ng hindi nya magagawa sa'kin yun. The girl she's with was probably one of his close client or an old...friend. whatever. Hindi dapat ako nagpapadala sa mga sabi-sabi lang, unless personal ko'ng nakita. Naestatwa ako saglit. Hindi ko yata maimagine ang mararamdaman ko kung sakali ngang...nahuli ko syang nangaliwa.
Just stop it already Sonia!
Tinapos ko na kaagad ang pagligo at madaling nagbihis para makakain na. I looked myself in the mirror at pumangit nga ako. I am pale as f*ck. Maga ang mata, may pa-tubo pa'ng eyebags at wala na sa ayos ang buhok.
Wala sa sarili ako'ng napahaplos sa tyan ko. Wala pang umbok pero ramdam ko sya. At maya maya pa, biglaan akong nahilo. Nagdilim ang paningin ko at buti nalang nakahawak ako sa lamesa ng vanity mirror kung hindi baka natumba na ako sa sahig.
I calmed myself down at nawala rin naman kaagad ang pagkahilo. I shook my head at dali dali ng bumaba. Baka sa gutom ko 'yon. Tama, anong oras narin kasi at hindi pa ako nag-aagahan.
I ate my breakfast silently, slightly disgusted by the taste of milk. I have no choice though. Kailangan ko'ng uminom.
After breakfast, I'm bored as h*ll kaya nag disesyon akong bumisita nalang sa kompanya. Ilang araw nalang bago ang launching kaya kakamustahin ko muna ang mga trabahante ko. Hindi narin kasi masyadong nakakabisita si Mamita lately, baka pagod.
Naguilty tuloy ako.
May kasama na akong driver ngayon dahil baka bigla nalang ulit akong mahilo, mahirap na. Bago kami pumuntang opisina, dumaan muna kami sa wine store para bumili ng paboritong red wine ni Mamita. I am beyond thankful for the favor she did kaya kahit kaunti, gusto ko'ng bumawi.
YOU ARE READING
A Wife's Sorrow [To Be Publish Under PIP)
DragosteIf every individual, and every couple has their own definition of love, does it applies in marriage too? What is marriage to you? Does it includes having a child? Is a family without children still called family? Sonia's three years of marriage wer...