"I CALLED Beca earlier, sya yung mag m-make-up sa'yo mamaya para hindi kana mahirapan. And I believe you already have a dress for this launching?"
"Yes Mom, don't worry about that."
"Okay. So, I'll hang up now, marami pa akong gagawin. See you later!"
"Yep, see you!"
Madalian ko'ng binaba ang cellphone para pumikit ng mariin. Mula pag gising ko kanina binati kaagad ako ng pagduduwal at pagka hilo. I honestly don't feel well until now, kahit nakakakain na ako ng breakfast. Pakiramdam ko pag tumayo ako matutumba ako.
I've been like this for the past two days. Makailang beses akong nawalan ng malay, maya't mayang nahihilo at walang ganang kumain. I'd like to say it's part of pregnancy but I have a strange feeling na may iba. Lalo na dahil minsang kumikirot ang kaliwang bahagi ng puson ko.
"Ma'am? Tumawag po si Sir Eros, ayaw nyo raw pong sagutin ang tawag nya."
Sumilip ang kasambahay namin sa pinto at pinakita ang cellphone na tinawagan ni Eros.Hinagilap ko ang akin at nakitang sampong beses pala syang tumawag. I sighed. Hindi ko namalayan, naka silent mode kasi 'to matapos ang tawag ni Mommy.
"Tell him to call me again, Ysa."
Tumango ang kasambahay at muling kinausap si Eros sa linya nya. Maya maya pa, sa akin naman sya tumawag.
"Is something wrong?"
Bungad nya. I massage my temple and tightly shut my eyes."Wala naman, naka silent lang ang cellphone ko."
"Hm. Alright. Just wanna say na baka ma late ako sa launching mo mamaya. I have a lunch meeting with Mr. Rodolfo later tungkol dun sa ipapatayo nyang condominium. I'm not sure kailan matatapos ang meeting kaya hindi ko rin masabi kailan ako dadating."
He informed. Nalungkot ako ng kaonti dahil hindi sya makakadalo sa mismong oras ng launching. I guess the meeting is important, at wala rin naman syang sinabing hindi sya makakadalo."It's okay. Susunduin rin naman ako ni Samuel mamaya."
"Good to know. Take care then?"
Hindi kami nag-usap ng matagal ni Eros dahil may mga gagawin pa daw sya. Ako naman, muli akong nahiga sa kama at di kalauanan, dinalaw ulit ng antok. Kung hindi lang siguro ako ginising ng mga kasambahay, at sinabing dumating na si Beca, baka hanggang ngayon tulog parin ako.
I forced myself to get up, at kahit ayaw ko man, naligo ako. Nandun pa'rin ang pagkahilo pero buti nalang hindi na sing lala kanina.
After bathing, Beca started doing my makeup already. I am supposed to be excited today because it's my product launching, pero mas nangingibaw ang pagod ko kesa excitement.
Mom invited some of her amegas, at of course, cover ng media ang entire program. Famous socialate were also on the list og guests, at iilang modelo na kakilala ni Mommy.
Mabilis lang naman natapos ni Beca ang makeup kaya nagsuot na ako ng gown.
"Are you okay Sonia? Sis, you look tired. Like dead tired." Beca commented. Mamungay mungaw kasi ang mga mata ko ngayon.
Sa totoo lang, gusto ko sanang 'wag nalang dumalo pero kompanya ko ito. At isa pa, malaki ang utang na loob ko kay Mamita dahil kung hindi nya sinalo ang trabaho ko, baka walang launching na maganap.
"Don't mind me, Beca."
"Are you sure? Maputla ka rin."
Hindi ako umimik. Manang Susan brought us a cold drink kaya medyo bumuti ang pakiramdam ko. I continued putting my dress on. It's a sage green body con dress that hugs my curves perfectly. May kaunting umbok na sa bandang ibaba ng tyan ko pero hindi naman halatang buntis ako.
YOU ARE READING
A Wife's Sorrow [To Be Publish Under PIP)
RomanceIf every individual, and every couple has their own definition of love, does it applies in marriage too? What is marriage to you? Does it includes having a child? Is a family without children still called family? Sonia's three years of marriage wer...