Epilogue

26 2 0
                                    

NAKA-UPO ako sa swivel chair habang pinipirmahan ang iilang paperworks na hindi natapos ni Greta nung nakaraan. Pangatlong araw ko na dito sa Pilipinas  at humahanap pa ng tyempo kung kailan ako makikipag kita kay Eros.

According to Greta, Eros' company fell down a couple of months ago. Noong nakaraang taon pa raw talaga nagkaroon ng problem sa kompanya nya pero ngayon lang tuluyang bumigay.

I sighed. Kanina ko pa yan iniisip. Syempre nag-aalala rin ako sa kanya. He was always been good at handling businesses, but seeing him fail right now, something must really happened aside from our silent...split up.

Speaking of that, nakapag file na ako ng Annulment kahapon, tinulungan ako ni Bhea. Nakatunog narin ang media sa pagbalik ko dahil kaninang umaga lang, nag-aabang na sila sa labas ng building. But I did not gave a statement yet since most of the questions are about our relationship with Eros and of course his unforgotten cheating issue with Vera.

Kahapon rin, I asked Greta to email Eros para sa pagkikita namin. Yep, I did not ask him personaly. Gusto ko kapag nagkita na kami, kasama si Seven. Iyon kaagad ang inuna ko dahil yun rin naman talaga ang unang dahilan kung bakit kami nakapag desisyon na umuwi.

Plus my son has been pressuring me since then. He wanted to meet his father real bad kaya bakit ko pa papatagalin? Three years is enough of waiting.

"Excuse me, Ma'am?"

Bumukas ang pintuan at pumasok si Greta. She changed a lot. Iyon talaga ang una kong napansin simula noong bumalik ako sa kompanya. They held a welcome party for me kasama si Collins. Greta's fashion has changed. Mas mukha na talaga syang CEO ngayon dagdag pa na pinahaba na nya ang buhok nya at kinulot ang dulo.

I offered her a vacation sa Maldives pero tinggihan nya dahil aniya, wala pa raw syang balak mag bakasyon ngayon. You know, I am really grateful to have her. She was indeed very professional at talagang mas lumago ang Sonny cosmetics sa pangangalaga nya.

"Yes?"

"Nag respond na po si Sir Eros sa email. Is it okay daw ba kung ngayong upcoming weekend kayo magkikita?"

I blinked a few times. This weekend? That's...two days from now!
"Sure. Ako na ang bahala sa location, Greta. Thank you,"

"You're welcome po."
She replied before she left.

Ako ang pipili ng lugar since dadalhin ko si Seven, gusto ko ng child friendly na ambiance. Nakahanap rin naman ako kaagad at malapit lang rin sa Forbes kaya hindi kami mahihirapan.

I activated all of my social media accounts at nung natapos ko ang mga gawain, nagbasa ako saglit sa internet. I found out that Vera and Eros are no longer seeing each other for the past three years at wala rin akong nabasa tungkol sa anak nila. Did they keep the information private? Siguro.

Nabasa ko rin ang tungkol sa kompanya nya at mas lalo lang akong na bothered kaya tinigilan ko na.

Actually, hindi ko pa ni re-reveal si Seven sa mundo. Gusto ko munang ipa alam kay Eros bago ko ipakilala si Seven sa social world. Todo tago nga ako sa kanya lalo pa't mainit ang mata ng media sa'kin. One time naabutan ko'ng may sinasaway na journalist ang guard sa labas ng village nina Mamita, gusto raw sanang makasagap ng impormasyon mula sa'min. Buti na nga lang hindi sila tuluyang nakapasok, madalas pa naman ilabas ni Mamita si Seven.

Hindi rin naman ako nababahala sa mga kapit-bahay namin dahil kamag-anak lang naman namin sila and we already told them about the situation. Ang epic nga noong una nilang nakita ang anak ko. They all shared the same expression at na hindi raw sila makapaniwala na nagka-anak pa ako knowing my condition.

To be honest, I see Seven as a mircale baby. Born amidst my unstable health condition, and amidst our marriage chaos.

Pagka uwi sa bahay, sinalubong kaagad ako ng anak ko habang kumakain ng broccolli. I hired a nanny for him para hindi na gaanong mapagod si Mamita sa apo nya, lalo pa ngayon na kaliwa't kanang social gatherings ang naka antabay sa kanya, at may scheduled interviews pa.

A Wife's Sorrow [To Be Publish Under PIP)Where stories live. Discover now