SA opisina, halos si Eros lang ang laman ng utak ko. Oo aaminin ko medyo gumaan ang loob ko ng sinabi nyang aayusin nya na ang lahat. That means, we both want to recover already.
Pagod na akong mag mukmok sa dilim at isipin ang sakit, na alam ko namang hinding hindi maghihilom.
Kaya noong natapos ang trabaho ay nagmamadali kaagad akong umuwi kahit inimbita na naman ako ni Bhea sa club. She said may ipapakilala daw syang Doctor sa akin and that my Husband is an ass kaya kailangan ko ng maghanap ng bago.
"I regret admiring him before! Sana talaga lapis nalang ang ipinampirma mo sa marriage contract nyo para mabubura mo kung magloko 'yang si Eros!"
Tumatawa nalang ako sa 'tuwing sinasabi nya yan kasi akala nya kasi madali. Marriage is beyond stronger than ordinary relationships. Hindi ka agad pupweding umalis dahil unang una sa lahat, haharap ka sa batas.
And now that Eros wants to fix everything, sino bang hindi matutuwa?
Pagka rating sa bahay naabutan ko syang naghihiwa ng mga rekados para sa lulutuin. When he saw me, he immediately smiled and like his old habit, he kissed my lips to welcome me.
"Thanks for coming home early. Nagluluto pa ako so you can change upstairs first, okay?"
Malambing nyang sabi. I sighed and smiled, bago tumango.Umakyat ako sa itaas para makapagbihis, gaya ng sabi nya. And since kaming dalawa lang naman dahil pinauwi nya muna sa kanya-kanyang probinsya ang mga kasambahay, isang silky night dress lang ang sinuot ko.
While dressing, naisip ko ulit ang pakikitungo nya. Is Eros really okay of not having a baby in this marriage? Is he really ready to spend his lifetime with this little family? Is he on his acceptance stage already?
Nakakatawang isipin na kasado na kami at ngayon ko lang natanong itong mga posibilidad na ito.
I've known Eros for years. He was raised by a mindset that a marriage with no children is useless. Like I said, he's an only son. Tita Hera was troubled carrying his Son too kasi gaya ko, may problema din sya sa matres. But then both of them are eager to get pregnant so they spend millions just for that.
Sa ibang bansa sya nagbuntis, at sobrang maselan din daw. But nevertheless, they had a baby, and that was Eros. Ang mali lang ay kung paano nila pinangaralan si Eros sa pagbuo ng pamilya.
Mamita was so against on that. One time inaway nya si Tita Hera dahil lang dyan. Hindi pa kami kasal nun, engage pa lang. And you know Mamita, she'll wrangle around pag hindi nya gusto ang nadinig nya. I wonder why both Samuel and I didn't inherit that attitude of her.
Bumuntong hininga ako at tumayo dahil napansin ko'ng tulala na pala ako sa kawalan. I bet Eros is done with his cooking now at ina-antay nalang akong bumaba.
And I was right. Nag-aantay na nga sya sa'kin sa baba. He cooked stake and pasta for dinner. He also put some candles on the dining table, with a wine on its side.
My heart flutter upon seeing the dining table with its red tablecloth. It reminds me of out sweetness before the tragedy happened. Mahigit apat na buwan rin ang dumaan na parating walang buhay ang hapag, at ngayon, nakakatuwa at nakakapanibago.
Sinalubong nya ako sa baba ng hagdan at iginiya ako paupo sa upuan. The delicious aroma of the food made me starve. For the first time, after four months of darkness.
"It's a bit late so shall we start eating while talking?" aniya.
Pinagmasdan ko syang maigi. Dati medyo mahaba ang buhok nya pero ngayon balik na ulit sa dating ayos. Maaliwalas narin ang mukha nya, ibang iba sa mga nagdaang buwan na halos madungis tignan.
![](https://img.wattpad.com/cover/311878109-288-k335055.jpg)
YOU ARE READING
A Wife's Sorrow [To Be Publish Under PIP)
RomanceIf every individual, and every couple has their own definition of love, does it applies in marriage too? What is marriage to you? Does it includes having a child? Is a family without children still called family? Sonia's three years of marriage wer...