Malayo pa kami bago makapasok pero may ilan nading nalaman na nila kung anong grupo sila.
Madami paring kinakabahan bago sila makapasok dahil maaring may gusto sila pero hindi nila mapupuntahan.
"Althea, ano bang gusto mong puntahan?" Seryoso ba ito si Sed para tanungin ako niyan.
"Bakit pagsinabi ko bang gusto ko sa Streiter? Pwede ba kong makapunta doon Sed?" Hindi ko siya sinagot pero bumato ako ng tanong sakaniya.
"Kailangan ba sa tuwing tatanungin kita ang isasagot mo sakin ay isa pang tanong? Masyado mong pinapalalim ang simple kong tanong Theas! Kung ano lang naman ang gusto mo?" Pero sa totoo lang lagi ko talagang ginagawa yun kay Sed. Pero ngumiti siya at bigla kaming nagtawanan.
"Kahit ano siguro.........." Ok lang naman sakin kahit ano basta alam kong kaya ko.
"Meron bang grupo na kahit ano Theas! Ikaw talaga masyado kang pamisteryoso!" Tinawanan ko nalang si Sed at hindi namin napansin na si Aristo na pala ang nasa pinto.
Pinasok ni Aristo yung kamay niya sa isang butas at dinedetect na kung anong grupo siya. Sandali nalang at ilalabas niya na ang kamay niya.
Tinaas ni Aristo ang palad niya at lumabas ang simbolo na mata.
"What? Prodigy ka Aristo?" Sumigaw si Mayumi at tumalon sa tuwa. Halatang gusto rin niyang maging prodigy.
Humakbang na si Mayumi sa pinto dahil siya na ang susunod.
"Good luck Yumi!" Sumigaw din si Aristo kahit na nasa loob na siya pero kitang-kita parin namin siya.
"Go Mayumi!" Tinapik ko si Mayumi bago pa man siya humakbang at tumuloy sa pupuntahan niya pero ngumiti lang siya sakin.
Ginawa din ni Mayumi yung ginawa ni Aristo. At ilang sandali lang ay tinignan niya yung palad niya medyo natagalan siya bago ipakita sa amin yun. Kinabahan kaming lahat dahil hindi nakangiti si Mayumi.
"Ano na Yumi? Huwag mong sabihin na Joggers ka?" Sigaw sakaniya ni Johan.
Humarap siya samin at pinakita ang palad niya at bigla siyang ngumiti.
Simbolo na tubig. Tama! Divers siya. Ngumiti kami sakaniya at pumasok na siya sa loob para samahan si Aristo. Si Johan na ang susunod at tulad ng lagi niyang itsura napakaseryoso niya.
Yumakap muna sakin si Johan at bumulong siya sakin na magiging Joggers daw siya. Tumawa ko pero si Johan hindi man lang natawa.
"Johan! Johan! Johan!" Napakaingay nila Aristo at Mayumi sa loob.
Walang pang ilang minuto pinakita na ni Johan yung palad niya na wala paring pagbabago ang itsura. Hindi na ko nagulat sa nakita ko sa palad niya dahil para kay Johan naman talaga yun. Apoy! Tama isa siyang streiter.
Ilang minuto na rin ang nakakalipas matapos na makita nilang apat kung anong grupo sila. At si Sed magkagrupo sila ni Mayumi, parehas silang Divers.
Humakbang na ako at naglakad kakaunti para lumapit sa pinto. Nakikita kong inaabangan nila ko sa loob.
"Theas! Goodluck!" Nakita kong bumulong si Johan.
Pinasok ko na yung kamay ko sa loob ng butas at tulad ng nangyari sakanila dinetect na nung butas yung kamay ko. Wala naman akong naramdaman na kakaiba.
Ilang saglit lang nilabas ko na yung kamay ko at tinignan ko yung palad ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Wala naman akong hiniling kaya walang dahilan para malungkot ako. Pero bakit sa akin napunta ito.
Tinignan ko sila at nakita ko sa mukha nila kung gaano sila kaexcite na makita yung simbolo na nasa palad ko.
Sinubukan kong ngumiti at nagawa ko nga. Pagtaas ko ng kamay ko nakita ko ang gulat sa mga mukha nila. May iba sakanila na hindi tanggap ang nasa palad ko. Hindi nila tanggap na isa lang akong Joggers.
------
A/N
Guys salamat po sa mga nagbabasa. Comment po kayo kung ok lang po. :) Medyo matagal po talaga akong magupdate. Salamat po -@jasuperboy
BINABASA MO ANG
The Show
Science FictionTaong 2220 pinaniniwalaang gumuho na ang buong mundo. Tao, hayop, halaman o anu mang mga bagay na may buhay ay panandaliang nawala. Pero sa taong 2330 muling sumibol sa gitna ng mundo ang isang komunidad na kung saan ay nahahati sa dalawang uri ng t...