Chapter 6: Mayumi

205 12 1
                                    

Hindi ko namalayan na umaga na pala. Kailangan kong bumangon at pumasok ng maaga dahil na din siguro 1st day of training namin . Ang panget naman siguro kung malalate ako.

"Ate Theas! Ate Theas!" Nakita kong nasa tabi ko na si Adam at pilit akong ginigising. Tinuturo niya yung sinag ng araw sa bintana na ang ibig sabihin lang ay oras na para gumising.

"Sige! Wait lang Adam......" Bumangon na din ako at nakita kong bumaba si Adam. Sinundan ko si Adam sa baba ng makita kong andito na din si Sed.

"Oh, masyado ka yatang maaga......." Minulat kong mabuti yung mata ko kung nandito na nga ba talaga siya pero hindi ako nagkakamali.

Ganyan naman talaga si Sed minsan nga siya yung nanggigising sa akin lalo na pagaraw ng pagpunta namin sa gubat. Pumupunta kasi kami sa gubat isang araw kada isang linggo. Pero kung may natitira pa kaming oras madalas kaming nagpupunta sa gubat.

Hindi para manghuli ng makakain kundi para magsaya at maramdaman naming maging malaya sa mundong puno ng kasakiman. Hindi naman mundo kundi lipunan. Pero minsan ginagawa din naming manghuli lalo na pagwalang pangbili si tatay ng makakain namin. Si Sed ang tumutulong sakin na manghuli sa gubat.

"Masyado ka yatang maagang nagising Theas!" Nakita kong napakamot siya ng ulo at ngumiti. Alam kong hindi talaga maaga ang pagkakagising ko kaya ang ibig sabihin lang nun ay dapat na kong magmadali.

Pumunta na ko ng banyo para maligo. Masyadong malamig kaya kailangan kong kumuha ng mainit na tubig. Pero bago ko yun makuha kailangan ko muna yung gawin. Ang ibig sabihin lang ay kailangan ko pang magpainit kahit alam kong malalate na ko.

Dahil nga kailangan kong magmadali hindi na ko nagpainit ng tubig. Kailangan kong tiisin ang lamig ng ipanliligo ko. Lumabas muna ako bago tuluyang pumasok sa banyo. Kailangan kong kuhain yung damit na binigay sa amin kahapon. Kakalaba ko lang kasi nung gabi nun kaya pinatuyo ko sa labas.

Lumapit ako kay Adam at binulungan ko siya na lumapit sa Kuya Sed niya para yayain itong kumain. Alam ko kasing hindi laging nakakain ng umagahan si Sed dahil mas inuuna niyang pakainin yung mga kapatid niya. Masyado kasi silang madami kung ikukumpara sa aming apat nila Johan, Mayumi at Aristo.

At hindi lang sila madami, lahat ng mga kapatid niya ay mga bata pa. Siguro kasing tanda lang ni Adam yung sumunod sakaniya. At yung natitirang tatlo naman hindi lalagpas sa walo ang mga edad.

Nakita kong lumapit kay Sed si Adam. Noong una medyo tumanggi pa siya pero dahil kasing kulit ko din mamilit si Adam hindi na siya nakatanggi pa.

Pumasok na ko sa banyo at pilit kong pinapainit yung buong katawan ko dahil alam kong hindi basta-bastang lamig yung ibubuhos ko sa nangangatog kong katawan. Sinubukan kong magbuhos ng isa hanggang sa naging dalawa at hanggang sa nasanay na ng tuluyan yung katawan ko sa lamig. Pero halata parin na nilalamig ako dahil sa ngatog ng katawan ko.

Wala pang limang minuto ay lumabas na ako sa loob ng banyo naming daig pa ang lugar na puno ng yelo. Sobrang lamig talaga nung tubig at dahil doon pinagsisihan kong hindi ako nagpakulo ng tubig ko.

"Mukhang lumangoy ka sa yelo Theas ah!" Panunukso sa akin ni Sed habang patuloy parin sa pagkain kasama ang nakababata kong kapatid.

Tumuloy na ako sa taas para suotin yung damit na binigay samin ni Sir. Tresh. Tamang-tama naman yun sa klima ng lugar namin dahil halos matakpan na nga ng buong katawan ko yung damit na pinasuot samin.

Binilisan ko ng kumilos ng makita kong unti-unti ng umaangat ng tuluyan ang araw. Tulad ng pangkaraniwang araw, sinuot ko yung binigay na sapatos ni tatay tuwing pupunta kami sa gubat.

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon