Chapter 5: Training Area

286 13 0
                                    

Matapos kong malaman na isa akong Jogger, mabilis akong pumunta sakanila at tulad kanina nakangiti parin ako.

Bigla lumapit sa akin si Johan at niyakap niya ako.

"Ok lang yan Theas! Ikaw ang pinakamagaling na Joggers na kilala ko!" Bumitaw din siya pagkatapos niyang magsalita.

"Pero Altheas! Hindi ka ba nalulungkot?" Tanong saakin ni Aristo habang nakaakbay kay Mayumi. Meron talaga kong something na nararamdaman sa dalawang ito eh.

"Meron ba kong dapat ikalungkot?"Ngumiti ako at tinignan ko yung kamay ni Aristo sa balikat ni Mayumi. Bigla namang tinanggal ni Mayumi yung kamay ni Aristo sa balikat niya na naging dahilan para magtawanan kami

."Guys, Tara na!" Tinuro ng nguso ni Sed yung mga taong nakapila. Madami naring nakapasok sa loob pero madami parin namang nasa labas.

Madaming tao ngayon dahil dalawa lang ang elevators kada grupo.Kaya kung bibilangin kung ilang elevators meron ang training area siguro lalagpas ito ng walo. At kada elevator ay may kaniya-kaniya kulay at merong nakalagay na simbolo sa taas nito tulad ng mga nasa palad namin. Ang kulay na nasa elevator naming mga Joggers ay itim. Habang sa Divers ay asul at sa Streiter ay pula at puti naman sa Prodigy. Meron ding dalawang hagdan sa magkabilang parte ng Training area.

Naghiwa-hiwalay na kaming lima para makarating na kami sa mga rooms namin. Mas pinili kong sumakay ng elevator habang yung iba naman mas piniling maghagdan.

Nakapila na ako at nakita kong papunta si Johan sa hagdan at isa lang ang ibig sabihin nun mas pinili niyang maglakad paitaas. Habang sila Mayumi at Sed naman ay tuluyan ng nakasakay.

Sa pila naman ng mga Prodigy, napakahaba ng pila dahil wala niisa sakanilang gustong maghagdan. Hinanap ko si Aristo at halata sa mukha niyang inip na inip na siya.

Pasakay na ko ng elevator ng may bumangga saking tatlong babae at dahil doon muntikan na kong madapa. Hindi ko na sila pinansin at pumasok na ako sa elevator.

"Hindi ko alam kung bakit nagkaroon pa ng Jogger! Wala naman silang silbi!!" May pagkamataray na sabi nung babaeng pula yung buhok. Mukha bang ikakaganda niya yung sinasabi niya dahil sa bukod sa nilalait niya yung sarili niyang grupo, eh minamaliit niya pa pati sarili niya. Baka nakakalimutan niyang Joggers siya.

"Sapalagay ko gusto lang nila tayong gawing katatawanan!" Biglang umapir yung babaeng pula yung buhok doon sa babaeng dilaw naman yung buhok. Napansin kong may kasama pa silang babae pero tahimik lang siya.

Masyado na yata itong mga babaeng ito kung kanina sa elevator ngayon naman nilalait nila yung sarili nilang grupo at sarili kong grupo. Hindi ko alam kung anong pag-uugali meron itong mga ito. Maarte at ubod ng yabang pwera nga ang dun sa isang babae.

Magsasalita na sana ko ng biglang bumukas yung elevator. Nauna yung dalawang babae at naiwan yung isa napansin kong madami siyang dala. Mukhang sakaniya lahat pinadala yung bitbit nung mga kasama niya.

Sumunod na siya doon sa dalawang kasama niya ng biglang mahulog yung salamin niya. Sinubukan niyang hanapin yun pero inabot ko na sakaniya yung salamin niya.

"Kailangan mo ba ng tulong.?" Inalok ko siya pero tinanggihan niya lang ako.

"Ahhh... Huwag na p-pero salamat....." Biglang tumingin sa amin yung babaeng pula yung buhok at tinignan niya yung kausap kong babae at napansin kong medyo naalarma siya na naging dahilan para tumakbo siya.

Naglakad na ako papunta doon sa loob ng room namin habang sa labas naman nito may maliit na lugar kung saan maaari kaming makatakbo dahil na din siguro halos isang linggo kami mageensayo. Nasa gilid yung pinto papasok ng room namin.

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon