Chapter 11: Jonah

30 0 0
                                    

Gabi na rin ng makalabas ako ng clinic matapos naming ipagamot si Sir. Tresh dahil sa sakit niya na kakaalam lang namin kanina.

Kasabay kong lumabas si Viceral at nauna ng umuwi si Cyryl dahil kailangan na kailangan siya ng pamilya niya sa bahay nila.

Nakita ko din sa labas ng clinic si Eva kasama yung isa pa niyang kaibigan at napansin kong nagbubulungan sila habang nakatitig sa akin. Hindi ko nalang sila pinansin at sa halip dumaan nalang ako sa harapan nila.

Hindi ko na rin inasahang makita pa sila Sed dahil kailangan din sila ng mga pamilya nila pero nagulat ako ng makita ko sa loob ng training area si Jonah. Medyo pawis pa siya noong makita ko siya.

Nakita kong nagulat si Viceral ng makita niya si Jonah at bigla nalang siyang yumuko. Medyo naweirduhan ako sa ginawa ni Viceral pero hindi ko nalang siya pinansin.

Nagulat din si Jonah nung makita niya ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa gabi na kong umuwi o dahil sa kasama ko. Bihira lang kasi akong sumama sa mga lalaki bukod kila Sed at Aristo sila lang ang nakakasama kong lalaki at bukod din sa pamilya ko.

"Oh mukhang ginabi ka din yata Theas!" Sabay titig ng seryoso sa kasama ko at nababasa ko na yung nasa isip niya.

"Ah! Si Viceral pala. Viceral si Jonah." Ngumiti ng mabilisan si Viceral kay Jonah at yumuko din kaagad dahil na din siguro sa seryosong itsura ni Jonah.

"Altheas. Mauna na ko sainyo ah.... Ingat kayo!" Ngumiti muna siya saming dalawa bago tuluyang umalis.

"Ok... Kasama ko siya kasi si Sir. Tresh dinala namin sa clinic. May nangyari kasi.." Tumitig lang sakin si Jonah na para bang naweweirduhan sa ginagawa ko,"Bakit?"

Hindi na ko pinansin ni Jonah at inaya na kong lumabas pero nakita kong parang natawa siya sa mga ginawa kong paliwanag kanina.

Habang naglalakad kami pauwi. Madaming kinwento sakin si Jonah. Nalaman kong nagsimula na din yung Test 1 nila at ang una daw na pinagawa sa kanila ay kailangan nilang pasabugin yung 5 loob gamit lang ang isang kutsilyo.

"Oh paano yun? 5 loob sa isang kutsilyo? Buti nagawa mong paputukin lahat yun?" Iniisip ko padin kung paano yun nagawa ni Jonah matapos niyang sabihin sakin na napaputok niya yung lahat ng loob.

"Simple lang.. Hinintay kong gumit na lahat ng lobo at doon ko binato yung kutsilyo... Boom!" Sabay ginawa niya kung paano niya binato yung kutsilyo.

"Ikaw Altheas? Mukhang malala yan ah.." Sabay tingin sa paika-ika kong paglalakad.

"Ito minalas sa una naming pagsusulit.." Tuloy parin ako sa paglalakad at tuloy sa pagkukwento kung ano nga bang nagyari sa akin.

Kinwento ko lahat-lahat kung paano ako bumagsak at gumulong dahil sa puno na humarang sa tinatakbuhan ko kanina. Hindi ko napansin na naikwento ko narin sa kaniya yung tungkol kay Sir. Tresh at tulad ko nagulat din siya na may ganoong sakit yung coach namin na may malaking katawan pero hindi natin alam kung ano nga ba talagang nangyari kaya nagkaroon siya ng sakit na ganoon.

Malapit na kami sa bahay nila Jonah at nakikita ko na kung gaano kadilim sa bahay nila dahil wala pang tao. Wala na yung mga magulang niya at wala din sa bahay si Hannah dahil tulad ko iniiwan niya din sa kapitbahay nila yung kapatid niya dahil walang magbabantay doon.

Bago kami makauwi sakanila. Narinig ko ng tumawag yung kapatid niya sa harap ng bahay nung kapitbahay niya at mabilis itong tumakbo kay Jonah.

Nakita ko kung paano ngumiti si Jonah matapos siyang yakapin ni Hannah. Bihira lang makita sa mukha ni Jonah yun. Sigurado akong napawi lahat ng pagod niya kaya napangiti na din ako.

Nagpaalam na si Hannah at Jonah doon sa kapitbahay nila at tuluyan na kaming naglakad papunta sa bahay nila.

Nasa harap na kami ng pintuan nila ng may makita akong basket sa harap nila at tumakbo papasok si Hannah sa loob nila habang mabilis niyang binitbit yung basket na kung hindi man ako nagkakamali. May mga lamang pagkain yun at mga gamot.

Nalaman kong may sakit si Hannah. Nahihirapan siyang huminga minsan at mabuti nalang daw ay may nagbibigay sa kanila ng gamot.

"Pero kanino galing yun Jonah?" Tinitigan ko lang siya habang siya sa iba naman nakatingin.

"Hindi ko din alam. Nasanay na kami na halos 2 beses sa isang linggo may nag-iiwan ng basket diyan para siguro sa amin." Sabay haplos sa ulo niya.

"Ibig mong sabihin hindi mo kilala kung sino yung nag-iiwan ng pagkain diyan?" Umiling lang siya at naghudyat na papasok na siya.

Nagpaalam na ko kila Jonah at Hannah dahil kailangan ko naring sunduin si Adam o kaya naman baka nasundo na siya ni Tatay.

Inaya ako ni Jonah na kumain sakanila pero tinanggihan ko na dahil magkakagabi na din kaya naglakad na ko pauwi. Kailangan kong ipahinga yung binti ko para mas madaling mawala yung sakit. Gusto ko naring magpahinga kasi sobrang naging kakaiba yung araw na ito tulad ng inaasahan ko.

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon