Chapter 8: T1

74 4 1
                                    

Pabalik na kami ni Cyryl sa room namin. Sigurado kasi kaming nandun na si Sir. Tresh. Pero kanina iniisip kong malalate na ko pero nagulat ako ng mas maaga pa pala ako kay Sir. Tresh.

Madami na rin saking nakuwento si Cyryl kahit ngayon lang kami naging magkaibigan na ang ibig sabihin lang ay talagang pinagkakatiwalaan na niya ako.

Nakuwento niya saking nasa nanay niya siya nakatira kasama yung dalawa niyang kapatid na babae habang yung tatay niya daw ay matagal ng wala sakanila. Sinabi niya din na wala na yung isa niyang kapatid na babae matapos na mawala noong 19th roopers day.

Masyado daw nalungkot yung nanay niya ng malamang hindi na nakabalik yung kapatid niya. Pero sinasabi kasi sa lugar namin na yung mga nawawalang roops ay nanatili sa lugar ng cheers. Hindi namin alam kung anong kalagayan nila o talaga nga bang nanatili sila ng maayos doon kaysa sa lugar namin.

Sa tuwing iisipin daw ni Cyryl yung ate niya. Naiisip niya daw na baka maayos na yung pamumuhay niya sa lugar ng mga cheers kaya nakalimutan na sila nitong dalawin o balikan man lang. Kaya sobra daw ang galit niya sa ate niya kaya habang sinasabi niya saakin yun sobrang seryoso ng mukha niya.

Sa totoo lang wala naman talagang nakakabalik na iba pang roops pagnanawala sila tuwing roopers day bukod nga lang sa isang sinuswerteng makabalik. Isang hindi naman makausap at hindi malaman kung anong tunay na nangyari pero hindi naman lahat ng roops na nawala at nakabalik ay nagkakaganoon.

Pagdating ng roops na nakabalik sa lugar namin. Makikita mo silang magsasalita sa isang stage na nasa training area at magsasabi ng kakaunting impormasyon sa mga nangyari sakanila. Kumbaga magkakaroon ng welcome party para sakanila.

Yung iba nga sakanila hindi na natatapos yung mga sasabihin nila. May iba na iiyak tapos may iba naman na kala mo walang nangyari sobrang tapang ng mukha nila. At yung iba naman bigla nalang nagwawala. Naalala ko pa yung araw na yun nung magwala yung tatay ni Mayumi habang nagsasalita siya sa harap. Kaya imbis na matapos yung welcome party hindi na tuluyang pinatapos dahil sa nangyari.

Habang nagkukuwentuhan kami ni Cyryl nasabi niya din saking may gusto daw siya doon sa lalaking katabi ko, si Viceral. Matagal na daw niyang nakikita sa lugar nila si Viceral pero hindi naman daw siya nito pinapansin.

Tinanong niya din ako kung nagkagusto na daw ba ako. Syempre ang sagot ko sakaniya "wala pa." Wala pa naman talaga kong nagugustuhan. Bihira lang akong magkagusto sa mga lalaki. Paghanga siguro pwede pa.

"Theas!...." Papasok na kami ng elevator ni Cyryl ng biglang may tumawag saakin.

"Ui! Bakit Sed?" Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita kong papasok na din si Sed ng elevator. Hindi na siya sumagot pero ngumiti siya sakin.

"Sino yun? Boyfriend mo?" Bigla akong napatingin kay Cyryl dahil sa sinabi niya.

"Ha? Hindi no..... Bestfriend ko si Sed!" Pumasok na kami ng elevator pero pinipilit parin ako ni Cyryl na boyfriend ko daw si Sed.

"Oh? Diba dun naman nagsisimula yun? Pagmas malalim ang pagkakaibigan mas matibay ang pundasyon..." Hindi ko na siya pinansin pero hindi pa rin siya tumitigil sa kakaasar sakin tungkol kay sed.

Wala naman talaga kong gusto kay Sed. Bestfriend ko lang siya. Halos kilala ko na nga siya ng sobra. Kung paano siya matulog at kung paano siya humilik tuwing gabi. Nakatabi ko na din siyang matulog at nakasabay ko na siyang maligo sa batis noong mga bata pa kami. Kilala ko kung sinong naging crush niya. Kung sinong naging mga girlfriend niya at kung sinong nagpaiyak sakaniya noong iniwan siya ng girlfriend niya. At kilala ko siya sa mga kahinaan niya at hindi lang puro sa kalakasan niya. Kilalang-kilala ko na si Sed kaya imposibleng magkagusto ako sakaniya.

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon