Ilang araw na lang bago ganapin ang Roopers Day, ang araw na pinakahinihintay ng mga Cheerters para laitin kami ng iba sakanila. Hindi ko sinasabing lahat sila ay masasama pero hindi kayang bilangin ng mga daliri ko kung gaano kadami ang masama sakanila.
At tulad ng pangkaraniwang araw para sa mga kabataan na roops kailangan naming magensayo para sa darating na labanan.
Bago maganap ang Roopers Day ang lahat ng mga kabataan sa lugar namin na may gulang na 18 hanggang 20 taon ay kailangang magensayo at hihiranging pinakamagagaling na kabataan sakani-kanilang grupo.
At dahil 18 na ko kailangan ko ng sumali at patunayan ang sarili ko.
May apat na grupo ang maaari naming kabilangan. Ang Streiter,Prodigy,Divers at Joggers.
Ang mga Streiter ang mga taong kilala na pinaka matapang, walang kinatatakutan at mga taong palaban. Sila rin ang mga taong magaling sa paghawak ng ibat-ibang klase ng armas.
Habang ang mga Prodigy naman ay kilala sa larangan ng pagalingan sa pamamagitan ng kanilang mga utak. Tinatawag silang mga genius o mga taong matatalino. Sakanila nanggagaling ang mga paraan kung paano gumaling tulad ng medisina o mga gamot na ginagamit sa buong bansa.
Ang Divers naman ang mga taong may angking talento sa larangan ng paglangoy. Mga taong bihasa sa karagatan at sakanila nagmumula ang mga pagkaing ibinebenta sa lugar namin.
At ang kahuli-hulihan ang pang-apat na grupo na kung saan ay iniwasan ng lahat na pagbilangan. Grupo na kung saan ay kinikilala nila bilang pinakamahina at pinakawalang silbi sa bansa namin. Dahil bukod sa pagtakbo at paglundag ayun lang ang kaya nilang gawin.Ito ay ang grupong Joggers.
Halos naririnig ko na ang ingay mula sa kinatatayuan namin. Lahat ay may kaniya-kaniyang usapan. Kung anong gusto nila at kung anong ayaw nilang grupo.
Pero hindi kami ang mamimili sa grupo na gusto naming puntahan. Kundi isang papel na may ibat-ibang tanong na magsasabi sa personalidad ng isang tao para malaman kung saan kaming grupo nararapat na mapabilang.
Ilang oras nalang din bago kami pumasok sa isang malaking pinto kung saan doon namin malalaman kung saan kami mapapabilang sa apat na grupo.
Kasama ko ang mga kaibigan kong sila Mayumi Matsunaga, Johan Duff, Aristo Fame at syempre si Sed Cyler. Sila ang makakasama ko sa loob ng training area pwera kung saan kami mapupunta.
"Saan kaya ako mapupunta? Sana hindi ako mapunta sa Streiter. Ayokong makalbo!" medyo may pagiinarteng sabi ni Mayumi.
Pero sa totoo lang lahat ng makikita mong streiter ay kalbo. Isa yun sa mga rules nila kahit babae ka pa kailangan mong magpakalbo.
"Sapalagay ko malayong mapunta ka dun Mayumi. Bawal ang maarte sa streiter no!" biglang hinampas ni Mayumi si Aristo at nagsimula na ang ingay sa lugar namin.Halos magtawanan kaming lima.
"Pero kung ako mas pipiliin ko pang makalbo kesa mapunta sa Jogger." Masungit na sabi ni Johan. Lagi talagang wala sa mood si Johan pero mabait siyang tao.
"Ano namang masa-." Hindi ko na natuloy ang gusto kong sabihin dahil may bigla kaming narinig na boses ng babae.
"Magandang umaga roopers." Talagang roopers, pero kilala ko kung sino ang nagsasalita. Si Ms. Tiffy, siya ang president ng training area.
Napakabait ni Ms. Tiffy at isa siya sa mga taong kinahihiligan ng lahat kaso nga lang may pagkasosyal.
"Mga roopers maaari na kayong pumila para masimulan na natin ang pagpapangkat. Gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya kahit san man kayo mapabilang. Lagi niyong tandaan na ito ang araw ng pagbabago, araw na mabibigay sainyo ng dahilan para maging matatag. Tapos na ang araw ng paglalaro kayo ngayon ay inaasahan na para maging malakas at matutong mamuno. Muli magandang umaga at magandang araw." Napakahinahon ng boses na iyon para kaming inaakit sa tuwing maririnig ko iyon.
Matapos naming marinig ang boses ni Ms. Tiffy nagsimula na kaming maglakad para pumila. Nagpahuli ako sakanilang apat.Halos lahat kinakabahan sa mangyayari. Hindi nila alam kung anong grupo sila mapapabilang at halos lahat walang may alam kung anong mangyayari sa susunod pang mga araw.
BINABASA MO ANG
The Show
Science FictionTaong 2220 pinaniniwalaang gumuho na ang buong mundo. Tao, hayop, halaman o anu mang mga bagay na may buhay ay panandaliang nawala. Pero sa taong 2330 muling sumibol sa gitna ng mundo ang isang komunidad na kung saan ay nahahati sa dalawang uri ng t...