Chapter 12: Butterflies

20 0 0
                                    

Masyado pang maaga para bumangon ako sa kinahihigaan ko pero dahil sa sakit ng balakang ko imposibleng bumalik ulit ang antok ko.

Tumayo na ko para bumaba at tulad ng inaasahan ko, nakita kong nakaupo si tatay sa sala habang humihigop ng kape para pangpagising sa umaga.

"Altheas! Masyado pang maaga. Kailangan niyo bang pumunta sa training area ng ganito kaaga?" Tanong sakin ni tatay sabay alok ng maiinom sa akin at mabilis naman akong tumanggi.

"Hindi naman po. Tanghali pa po ang punta ko sa training area pero ito po hindi na ko dinalaw ng antok!" Sabay lakad at nakita kong napansin ni tatay kung paano ko naglakad.

"Oh.. Anong nagyari diyan? Nakoo...Mukhang kailangan mo yang ipahinga Altheas ah." Tuloy parin siya sa ginagawa niya habang ako paunti-unting bumaba sa hagdanan kahit may kakaunti pang kirot na nararamdaman sa balakang ko.

"Ito hindi pinalad pero magaling narin po ito. Kailangan ko rin pong gumalaw-galaw para mas madaling masanay ang balakang ko at tuluyang mawala ang kirot." Nakababa na ko at pumunta ko kaagad sa kusina habang iniwan kong nagbabasa si tatay.

Naisipan kong magluto ng makakain para kay tatay at kay Adam dahil bago sumikat ang araw ay sigurado akong gising na si Adam.

Kukuha sana ako ng mga bagong dalang isda ni tatay ng biglang sumulpot sa harap ko si Adam at nagpupunas pa ng mukha niya.

"Masyado pang maaga Adam." Bigla kong nilapitan si Adam at hinawakan ko siya sa buhok habang patuloy siya sa paghihikab.

Hindi parin siya umaalis sa kinatatayuan niya pero dahil gising na siya sinabi kong tulungan nalang niya akong maghanda ng makakain namin para sa araw na ito.

Si Adam na ang kumuha ng isda sa lalagyan na dala-dala ni Tatay. Mukhang bagong huli pa talaga yung mga isda na nakita ko at kung hindi ako nagkakamali baka kakauwi lang ni tatay ngayon galing sa trabaho at galing sa panghuhuli.

Sumilip ako saglit sa sala at nakita kong nakaidlip na si Tatay. Tulad ng balakang ko hindi pinalad ang kape na malabanan ang antok ni tatay dahil na rin sa pagod nito mula sa magdamag na pagtatrabaho.

At kung may hahangaan ako sa kasipagan sa lugar namin. Sigurado akong si tatay iyon.

Inutusan ko si Adam na kuhanan si tatay ng kumot at unan sa itaas. Madali rin naman niya itong sinunod tulad ng inaasahan ko.

Hindi uso sa lugar namin ang tatamad-tamad. Sanay ang mga bata dito sa pagkilos. Maaga silang sinasanay, maaga kaming sinasanay sa responsibilidad lalo na sa ganitong lipunan.

Nakita kong inilagay na ni Adam yung unan at kumot kay tatay. Sa sobrang pagod niya hindi na siya inistorbo ni Adam. Nakita ko ding hinalikan ni Adam sa pisngi si tatay na naging dahilan ng pagngiti ko habang nililinisan ko yung isda na ihahain namin.

Lumapit sa akin kaagad si Adam at inaabot niya sa akin yung kwintas na bigay ni nanay. Lagi ko kasi itong nakakalimutan kuhanin kapag bumabangon ako at nakasanayan ko na rin kasi itong hubarin kapag natutulog.

Ilang minuto lang ay natapos ko ng lutuin ang isda at ilang minuto nalang ay sisikat ng araw sa mga bintana namin.

Mahimbing parin ang pagkakatulog ni tatay kaya kami nalang muna ni Adam ang magkasabay na kumain sa hapagkainan.

Tahimik lang akong kumakain at tulad ko ganoon din si Adam. Pinagmamasdan ko siya kung gaano pa siya kabata at kung gaano ko pa nakikita ang kasabikan ng isang bata sa mga ngiti niya. Kung paano niya namnamin ang mga pagkain sa hapagkainan.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Hanggang sa muli ko na namang maisip ang sitwasyon ko sa kaniya. Lalaki at patuloy na  lalaki para sa cheers. Mageensayo at patuloy na mageensayo para sa mga cheers. Hanggang sa matutong magtrabaho para sa cheers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon