Chapter 10: Hemophobia

29 1 0
                                    

Dinaanan ko nalang si Sir. Tresh at bumalik na ako sa pwesto namin kanina. Nakita kong nakatitig saakin si Eva at alam kong napansin niyang may nangyari sa akin pero imbis na tulungan ako inirapan niya lang ako.

Lumapit sa akin si Viceral at inalalayan akong makaupo. Halata kasing masakit yung kaliwa kong paa dahil paika-ika akong naglakad papunta sakanila.

"Anong nangyari sayo Altheas?" tanong saakin ni Cyryl at sabay pa silang tumingin sa akin pagkatapos kong makaupo.

"Masyadong mahaba kung ikukwento ko kaagad sainyo. Mas maganda siguro kung magfocus muna kayo para sa test 1 natin!" Bigla rin akong tumayo pero hindi na ako nagpaalalay kay Viceral.

"Pero tandaan niyo maging alerto kayo! Isa kasi yun sa mga bagay na hindi ko nagawa..." Nakita kong medyo natawa si Cyryl sa sinabi ko kaya bigla siyang tinignan ni Viceral.

Umalis muna ko sa tabi nilang dalawa dahil pupunta muna ko sa locker ko. Nararamdaman ko padin yung sakit ng katawan ko pati yung pagod na naranasan ko kaya kumuha ako ng tubig sa lamesa.

Binuksan ko yung locker ko at kinuha ko dun yung tuwalya ko. Nagpunas ako ng pawis ko kasi kahit sobrang lamig sa loob nito kahit anong gawin mo pagpapawisan at pagpapawisan ka talaga.

Dapat pupunta ako ng canteen kaso naisip kong may nilagay pala kong tinapay sa locker ko kaya kinuha ko din yun. Pagkuha ko nun biglang may nahulog sa baba.

Kaya tinignan ko yung nahulog na bagay. At nakita ko yung kwintas na binigay sakin ni ina. Bigla akong napangiti ng makita ko yun.

Bumalik na ako ulit sa pwesto namin nila Cyryl at hindi na ko kumilos pa para mawala yung sakit ng katawan ko. Pero kita ko pa rin sa mukha ni Cyryl yung kaba kaya mas pinili kong huwag na muna siyang kausapin para maging handa siya.

Ilang minuto nalang ay susunod na si Cyryl kakatapos lang ni Viceral at palapit na siya sa pwesto namin. Iniabot ko sakaniya yung twalya niya at makikita mo yung pagod sa istura niya. Halos hinahabol padin niya yung paghinga niya.

"Number 35. Get ready! Your next!" Tumingin ako kay Cyryl para sabihan siyang susunod na siya.

Tumayo na si Cyryl sa kinauupuan niya at lumapit na siya kay Sir. Tresh. Halata ko parin kay Cyryl yung kaba lalo na sa tuwing titingin siya sa akin.

Nakita kong pumasok na sa loob si Cyryl at ilang saglit na lang ay magsisimula na ang test 1 sakaniya. Bago pumasok si Cyryl nakita kong tinali niya yung buhok niya kahit maikli lang yun. Pero mas maganda namin siguro yung naisip niya.

Alam kong nagsisimula na sa loob si Cyryl. Medyo natagalan yata siya sa loob. Ano na kayang nangyayari sakaniya sa loob. Huwag naman sanang mangyari yung nangyari sakin sakaniya.

Medyo matagal din bago makalabas si Cyryl sa loob. Pero alam kong mas mabilis siya kesa saakin. Nakita kong nakalabas na si Cyryl at tulad ng iba pawis na pawis din siya at pilit hinahabol yung paghinga niya.

Bumalik na din siya sa pwesto namin. Ngumiti siya sa harap ko at iniiabot ni Viceral yung tuwalya niya.

"Ang hirap palang maging Joggers!" Sabi niya at biglang upo.

Ilang oras din ang lumipas at halos papalit ng matapos ang Test 1 namin sa araw na ito. Papasok na sa loob yung kahuli-hulihang joggers. Nakita kong pumasok siya at habang si Sir. Tresh naman minomonitor na yung nangyayari sa loob.

"Altheas, tignan mo!" Sabi sakin ni Cyryl habang nakaturo sa direksiyon ni Sir. Tresh.

Tumingin ako sa kinatatayuan ni Sir. Tresh kung may problema nga ba dun." Bakit? May problema ba sa tinutungtungan ni Sir. Tresh? Mahuhulog na ba siya?" Sabi ko at pilit na tinititigan kung may mali nga ba dun sa lugar ni Sir. Tresh.

"Hindi.... Tignan mo si Sir. Tresh." sabi niya at tumitig sa itsura nito,"Tignan mo parang natatakot siya na nagugulat..."

Tinitigan ko si Sir. Tresh at halata sa mukha niyang may nangyayaring kakaiba habang minomonitor yung loob. Pinagpapawisan din siya kahit sobrang lamig sa training area namin. Dinaig niya pa yung taong tumatakbo sa loob.

Hindi na ko nagisip ng kung may nangyayari nga bang kakaiba sa loob dahil biglang may pumasok sa loob na dalawang guard. Pumasok sila sa loob habang si Sir. Tresh hindi parin nagbabago yung itsura.

Tumahimik lahat ng tao sa loob dahil hindi rin nila alam kung ano nga bang nangyayari at halos lahat walang gana para magingay at pilit na iniintindi kung ano nga bang nangyayari.

Biglang lumabas yung dalawang guard at dala nila yung isang joggers na pumasok kanina sa loob. Nagulat kami sa nakita namin dahil duguan yung joggers at halatang may tama siya sa balakang niya.

Kumakalat yung dugo sa sahig habang nilalabas yung joggers na duguan at pilit nilang ginigising yung joggers.

Bumalik ako para tignan si Sir. Tresh at alam kong natatakot siya siguro dahil sa mga nangyari. Lumapit ako sakaniya habang may kausap siyang guard.

"Ano po bang nangyari?" Sabi nung guard at pilit na pinapakalma si Sir. Tresh.

"Ah... Na..na tuma...ma po kasi si....yaa doon sa isang.... Bagay na mata....lim" sabi niya habang pautal-utal.

Umalis na muna yung guard at dinala palabas yung joggers na sugatan. Lumapit ako kay Sir. Tresh para pakalmahin siya.

"Sir. Tresh mas maganda po siguro kung iinom muna po kayo.." Sabi ko at inabot ko yung tubig na hawak ko.

Nakakalat parin yung dugo sa sahig at pilit iniiwasang titigan yun ni Sir. Tresh.

"Sa......salamat!" Sabi niya at hindi parin nawawala yung kaba niya.

Bago pa man niya makuha yung tubig nagulat ako ng bigla siyang tumumba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at hindi ko alam kung bakit yun nangyari sakaniya. Tinawag ko si Viceral para tulungan akong alalayan si Sir. Tresh at dalin sa clinic namin.

O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O-O

"Meron siyang Hemophobia." Sabi nung doctor na tumingin kay Sir. Tresh at kausap namin ngayon.

Bigla kaming nagtingin ni Viceral dahil ngayon lang namin narinig yung salita na yun.

"Ano po yung Hemophobia?" Tanong ni Viceral at tumayo tulad ng ginawa ko habang kausap yung doctor.

"Isa yung kondisyon na kung saan ang isang tao ay nagkakaroon ng takot sa dugo. Maaring sa sarili niyang dugo o sa ibang tao. Maaring nakuha niya ito dahil sa isang pangyayari." Nagtinginan ulit kami ni Viceral sa narinig namin,"Mauuna na ko. Hintayin niyo nalang na magising yung pasyente."

Umupo na kami ni Viceral at walang gustong umimik sa mga narinig namin. Maaaring tulad ko baka nagulat din siya na may ganoong klaseng sakit si Sir. Tresh. Sa laki ba naman ng katawan niya, may ganoon pala siyang uri ng sakit.

Hindi ko alam pero gusto kong magtanong kung kanino man kung bakit nakukuha ng isang tao o paano nagkakaroon ng ganung sakit ang isang tao.

"Sandali pero paano.....?" Sabay kaming nagkatinginan ni Viceral at sabay din naming naitanong sa bawat isa yung tanong na gumugulo sa isip namin.

Bigla kong natawa sa nangyari samin at tulad ko tumawa din siya.

"Nakoo.. Hayaan na nga nakita yun." Sabi niya at biglang tumingin sa kinahihigaan ni Sir. Tresh.

Nakita naming nagising na si Sir. Tresh at tumingin lang sa amin. Tumayo siya agad at tinignan yung sugat sa noo niya dahil sa lakas ng pagkabagsak niya sa training area naming mga Joggers.

Lumapit kami ni Viceral kay Sir. Tresh at handa na kaming mag-paalam sa kaniya dahil hinintay lang naman talaga namin siyang magising.

Paalis na kami ni Viceral sa loob ng clinic ng bigla akong hawakan ni Sir. Tresh bago pa namin mabuksan yung pinto.

Nagulat ako sa sinabi ni Sir. Tresh sakin at parang nabuo ang araw ko dahil sa mga sinabi niya kahit na hindi naging maganda ang Test 1 namin ngayon araw lalong-lalo na sakin.

"Hindi mo ko binibigong pabilibin... Babaeng palaban."

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon