Chapter 2: Monster

212 13 1
                                    

"GROOOOOOOAAAAARRRRRR!"

Buti nalang ay nakauwi na kami ni Sed dahil rinig na rinig na sa buong bayan ang tunog ng halimaw na sinasabi nilang pumapatay sa mga taong nagpapaiwan o nanatili sa kagubatan tuwing gabi.

"Ate! Natatakot ako." hinimas ko ang buhok ni Adam, ang nakababata kong kapatid.

"Shhhhh! Wag kang magalala hindi tayo lalapitan ng halimaw." Yakap-yakap ko parin ang takot na takot na kapatid ko.

Kada isang linggo laging bumubulabog ang sigaw ng sinasabi nilang halimaw pero kahit isa samin hindi alam kung anong itsura niya kahit isa wala pang nakakakita sa halimaw na sinasabi nila.

Lahat ng mga taong nananatili sa kagubatan tuwing gabi ay hindi na tuluyang nakakabalik. Naalala ko pa yung araw na nalaman kong naiwan sa kagubatan ang ina ko dahil sinubukan niyang pumunta sa dulo ng kagubatan pero tulad ng hindi inaasahan inabot siya ng gabi at tuluyan ng hindi na nakabalik.

Maraming sinasabi ang ina ko bago siya umalis papunta sa dulo ng kagubatan.

"Atheas! Itago mo ito at huwag kang manatiling nakatali sa mga Cheers! Dadating ang araw na ikaw ang magiging dahilan para magbago ang lahat ng pinaniniwalaan nating Roops." Inabot niya sakin yung isang kwintas na hugis bilog at nabubuksan yun. Nasa kaliwa bahagi ng kwintas ang litrato ni papa at sa gitna naman ang larawan ni ina at sa kanan naman ay may mukha ng nakababata kong kapatid.

Hawak-hawak ko yung kwintas na bigay ni ina habang tuluyan ng nakatulog si Adam. Naawa ako sakaniya, ayokong maramdaman niya yung mga bagay na naramdaman ko nung bata ako.

Gusto kong lumaki siyang normal na bata at hindi isang bata na lumalaki para maging bagong alipin ng mga Cheers tulad ko dadating ang araw na magiging alipin na nila ko.

"Theas! Ui!" Lumingon-lingon ako sa bintana at nakita kong nakadungaw sa bintana si Sed.

Itinaas ko ang balikat ko para sabihin sakaniya kung bakit.

Iniangat niya ang kaliwa niyang kamay para sa hudyat na sundan ko siya.

Tumalon ako sa bintana, hindi siya ganun kataas para hindi ako lubhang masaktan sa pagtalon ko. At sanay na kong tumalon sa matataas na lugar.

"Hoy! Hintayin mo naman ako!" Tuloy parin siya sa paglalakad kahit ilang beses ko na siyang sinigawan.

Hinabol ko siya hanggang makarating na kami sa City Circle sa lugar namin. Dito namin napapanuod ang mga pinapalabas ng mga Cheers tungkol sa mga pangyayari sa bansa at mga babala.

Sa tuwing pupunta kami sa Circle laging pinapalabas ang video tungkol sa pagkaguho ng mundo pero alam naming lahat na edited na yun dahil sa mga nangyayari.

Biglang may lumabas na mukha ng lalaking may katandaan na sa screen,

"Good Day, Rooooopers!" Umubo siya para panandalian niyang maitigil ang sinasabi niya. Si President Sisyr.

Kung kami ni Sed, Cheerters ang tawag namin sakanila samin naman ang tawag nilang lahat Roopers.

Alam ko kung anong sasabihin niya.

"Magandang araw, magandang araw! Nais kong ipaalam sainyong lahat na muli tayong magkakaroon ng kasiyahan para sa pagpapasalamat sainyong kabutihang loob at paghihirap sainyong pagtatrabaho ngayong taon." Huminto siya ulit tulad ng ginawa niya kanina.

"Happy 20th Roopers Day, Rooperssss!" bigla siyang ngumiti at muling lumabas ang sinabi niya sa screen habang ang mga tao ay nababalot ng takot na muling bumalik sa lugar ng mga Cheers dahil tuwing gaganapin ang Roopers Day ay may pinangangabahang nawawalang 12 katao na nagmula sa Roops.

Matapos ang higit isang buwan ay lilitaw ang isa sa mga roops na nawawala habang ang 11 na roops naman ay tuluyan ng hindi mahahanap.

Madaming nagiiba sa Roops na muling nakakabalik. Halata sa mga mukha nilang takot na takot sila pero niisa sakanila ay hindi makapagsalita kung ano nga bang tunay na nangyari sakanila.

The ShowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon