ALTHEA'S P.O.V
Taong 2350
Twenty years na rin bago sumibol ang bansang Carin. Matapos na paniwalaang bumagsak ang buong mundo dahil sa nilamon ng buong katubigan ang kalupaan.
Madaming namatay sabihin na natin lahat. Halos lahat namatay at ganun din kalala ang nangyaring pinsala sa mundo.
Hindi ko alam kung anong itsura ng mundo dati at higit sa lahat kung anong klase ng pamumuhay meron dati.
Kung ang mga mahihirap ay naghihirap din para sa mga mayayaman.
Maraming tanong ang hindi pa nasasagot. Pero isa sa mga tanong ang gusto kong masagot kung ang pamumuhay ba dati ay tulad ng ngayon. Na kaming mga mahihirap o mas kilala ng mga Cheers na Roops ay dapat talagang ituring na mahirap at wala ng pagkakataong umangat pa.
Simula ng imulat ko ang mata ko ganito na ang nasilayan ko. Ang lugar namin sobrang taas halos mahawakan na nga namin ang ulap.
Wala pang nakakasubok na bumaba sa pinaglalagyan namin dahil sa mga babalang sinasabi ng mga Cheers. Si President Sisyr, isa siyang Cheers. Obviously.
Siya President ng Bansang Carin. May katandaan na siya at medyo may kakaiba sa mga ngiti niya tuwing makikita namin siya sa screen.
Maraming may ayaw sa Cheers at isa na ko sa mga taong kinasusuklaman sila. Hindi ko alam kung bakit may mga taong hinahayang maghirap ang iba para lamang sa ikatutuwa nila.
"Hoy! Altheas tara na!" Tinignan ko siya. Si Sed isa sa mga childhood bestfriend ko. Inalis ko na yung tingin ko sa lugar ng Cheers.
Kitang-kita yung lugar nila mula sa lugar namin dahil kung mataas samin mas mataas ang lugar ng mga Cheers.
Halos mamamahang kadin sa kagarbuhan ng lugar nila. Mula sa kulay ng mga bahay ay gara ng mga bagay.
Hinila ko na si Sed para umuwi sa lugar namin.
"Tara na! Sa susunod nalang nating subukan pumunta sa dulo ng kagubatan!" Kahit mahigpit na ipinagbabawal ng mga Cheers na pumunta sa dulo ng kagubatan sinusubukan parin namin ni Sed kahit alam naming imposible.
Isa pa sa mga rules ng Cheers ay bawal ang magpagabi sa loob ng kagubatan dahil may halimaw daw.
"Hindi ka ba napapagod sa ganitong buhay?" Tinignan ko lang si Sed at bigla kong hiwakan yung kaliwa niya kamay. Binaba niya muna yung mga dala niyang gamit at umupo kami sa damuhan.
"Pag sinabi kong hindi napakalaki ko namang sinungaling.... Pero Sed alam mo naman diba? Na wala tayong laban sa kanila." Tama wala kaming laban sa kanila. Ang mga magulang namin nagpapakahirap para sakanila at alam kong dadating yung araw na kami naman si Sed ang magpapakahirap para sa mga Cheers.
Nakita kong pumulot mg bato si Sed. Pumulot din ako ng bato at tulad ng lagi naming ginagawa. Binato namin ito sa direksyon ng mga Cheers.
"CHEERTERS!!!!" Sabay kaming sumigaw ni Sed at bigla kaming nagtawanan na naging dahilan para bumagsak kami ulit sa damuhan. Kinuha na namin ni Sed yung mga bag namin para tuluyan na kaming bumalik sa lugar namin.
Muli na naman kaming nabigo ni Sed na makarating sa dulo ng kagubatan. Hindi ko alam kung anong meron sa dulo ng kagubatan pero parang may gusto akong malaman kahit alam kong imposible.
BINABASA MO ANG
The Show
Science FictionTaong 2220 pinaniniwalaang gumuho na ang buong mundo. Tao, hayop, halaman o anu mang mga bagay na may buhay ay panandaliang nawala. Pero sa taong 2330 muling sumibol sa gitna ng mundo ang isang komunidad na kung saan ay nahahati sa dalawang uri ng t...