Chapter 4

117 59 97
                                    

Cindy POV

Nasa school kami ngayon, hindi ko parin mai-alis sa isip ko ang Vanah. Nasan kaya sila ngayon? Kumusta kaya sila?

Kinuha ko naman yung inumin ko s  bag at binuksan ito para uminom

"Sana dito nalang sila nag aaral." bulong ko sa sarili ko

"Students, may mga transferee mula sa **** university, dito." Pagbungad ni Sir Dayan saamin.

Nakatuon naman ang atensiyon namin kay sir dahil sa sinabi niya. Lalo na nung tinawag niya yung dalawang trasferee oh my god! Wish grated! Napatingin agad ako sa bote ng inumin na hawak ko ngayon. May Genie kaya sa loob nito kaya natupad yung wish ko? hihi. So nagamit ko na yung 1st wish ko, may dalawa pa.

Nagpakilala na sila. Ganun parin ang pakilala nila katulad ng pakilala nila saakin na with matching talon pa sa VANAH TWIN. hihihi, ang cute nila.

Umupo na sila sa may bakanteng upuan sa likuran.

"Okay. Kompleto na tayo. We all know na hindi allowed ang isang room na lumagpas sa 20 students, kaya imposible na na may magtransfer pa, dahil jan... aayusin ko na ang sitting arrangement niyo. Hindi ito base sa alphabetical ah. Naka ayon ito sa tingin kong tamang posisyon niyo." Sabi ni sir at tinawag kami isa isa para ituro samin kung saan kami pu-pwesto.

"Shailey Allena, Dito ka sa unahan" Pagtawag ni sir sa kanya at sumunod  naman agad si Shai pero bago ang lahat ngumiti muna saakin si shai (Smirk) kung kaya't nginitian ko rin siya kaso sumimangot uli siya bigla. Hala!! Baka may dumi ako sa ngipin kaya siya napasimangot?

Lumapit ako kay Vall para manghiram ng salamin.

"Vall, pahiram ako ng salamin" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh sure! Ito oh" Sabay abot niya ng salamin niya. Napahinto naman ako at tinitigan ito.

"Wow!! Hello kitty??" Naamaze kong sabi.

"Yep! Mahilig ako Hello kitty. Ang cute kasi niya eh, ikaw rin ba?" sabay kaming naging hyper.

"Oo!! Edi Magkakasundo talaga tayo nito?" Tuwang tuwa kong sabi.

Tinignan ko na itsura ko, wala naman dumi sa ngipin ko. Hayaan na nga. Nagkwentuhan nalang kami tungkol sa Hello Kitty habang si Hannah naman kausap ni Ree

"YAYYY!! OO NGA TAPOS...." tuloy ng kwentuhan namin habang tumatalon talon pa.

Hihihi Yeheyyy!! may kasundo na ako!

Ree POV

"Ree, may problema ba? Bakit parang hindi mo kami gusto?" Seryosong tanong ni Hannah saakin pero nakatingin lang ako sa pinsan ko. Nakuha na ni Vall ang loob niya. Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Hannah, wala naman atang mangyayaring masama kay Cindy.

Keep calm, Ree. Walang mangyayari sa kanya, nasa school kayo. Ano ba!

"Hindi sa ayaw ko sa inyo, meron lang part na medjo hindi ako komportable." pag-amin ko

"Ahm, we can be friend naman diba?" Alanganing tanong niya.

Infairness nawawala na ng konti ang pagdududa ko sa kanila, mukha namang sincere siya sa pakikipagkaibigan.

"Yes of course . I'll try narin na maging komportable sa inyo." Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Yeheyy! Thanks!!" Sa sobrang tuwa niya ay nayakap niya ako pero agad rin siyang bumitaw nang marealize niya ang ginawa niya.

"Opps, sorry" Yumuko naman siya sa hiya. Haha, cute.

"Its ok" nakangiti kong sabi at ako naman ang yumakap sa kanya "Don't make me regret it" Seryosong bulong ko. Konting salita ang sinabi ko pero Alam kong naintindihan niya ang pinupunto ko.

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon