Chapter 21

49 20 4
                                    

Ree POV

"Pfftt. Para kang natatae." Pang-asar ni Erich kay Troy. Kanina pa ito pabalik-balik ng lakad. Simula kasi kanina hanggang ngayon ay hindi parin lumalabas ng kwarto si Cindy.

"Umupo ka nga. Nakakahilo ka. Hangga't nandito ang pinsan ko sa bahay namin, walang mangyayari sa kanya."

Para namang natauhan siya sa sinabi ko at umupo na.

"She's right, Troy. Kasama rin naman ni Cindy ang kakambal ko, alam nating lahat na hindi niya ito pababayaan."

Tama siya, hindi nila ito pababayaan dahil sila ang S.H.A at never sila tumalikod sa mga requestors nila.

Napuno kami ng katahimikan pagkatapos noon hanggang sa may nagsalita mula sa likod namin.

"Bakit gising pa kayo?" Nakangiting bungad samin ni mommy na kauuwi lang ng bahay. Alam niyang dito matutulog sila dahil malamang ay nagreport na ang mga guard ng bahay namin sa kanila.

"Matutulog na rin po kami mamaya-maya." Nakangiting sagot ko

"Ah okay. Eh yung sugat mo? Kumusta na?"

"Okay na. Hindi naman na masakit."

Sa totoo lang, masakit pa talaga. Pero kaya naman tiisin.

"Mabuti naman. Doon na kami sa kwarto namin"

"Hindi kayo kakain?"

"Hindi na. Tapos na kami kumain. Nga pala Ree, bukas maaga kami aalis. May aasikasuhin lang. Tawagan mo nalang kami kapag may kailangan ka. Sige anak, magpapahinga na kami ng dad mo."

Humalik naman ako sa pisngi niya "Sleepwell mom." Tumingin ako sa paligid para sana mag good night kay dad pero wala na siya. Marami ata silang inasikaso ngayon.

Pinagmasdan lang kami ang mommy ko hanggang sa makapasok ito sa kwarto.

"Tulog na tayo" Sabay talikod ko sa kanila.

"Saan ako matutulog?" Tanong sakin ni Hannah.

Oo nga pala. Alangan naman patulugin ko ito kasama nila Erich. Hindi rin kami pwede sa kwarto ko dahil hanggang tatlong tao lang yung higaan. Pwede pa naman ang apat kaso siksikan na.

"Sa isang guestroom tayo. Titignan ko lang sila Cindy sa kwarto ko." Sabi ko sa kanya at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Buti nalang at dalawa ang guestroom namin. Pero sa bagay kung isa lang, sa couch sa sala sila Erich matutulog.

Bago pa man ako makapasok ay puro hikbi ang naririnig ko mula sa labas. Napakunot ang noo ko dahil dito. Agad kong binuksan ang pintuan sa pangambang baka may nangyaring masama.

Umiiyak si Cindy habang si Vall ay mahimbing nang natutulog sa tabi niya.

"Bakit ka umiiyak?" Nag-aalalang tanong ko.

Nabunutan naman ako ng tinik sa lalamunan nang ituro niya ang laptop ko. Nanonood lang pala siya ng drama. Yung 'A love so beautiful' ba yun? Wala naman akong maintindihan kasi chinese naman ito. Natitiis niyang manood ng ganitong klaseng palabas? May subtitle naman sa ibaba pero masakit kaya sa tainga kapag hindi ka sanay sa lenguahe ng nagsasalita.

"Waaa Reee!~ *sob* Si Jiang Chen huhuhu sinasaktan niya yung feeling ni Xiaoxi. Lagi nalang niya pinapakitang wala siyang pake dito pero mahal naman niya talaga huhuhu. Bakit ganun siya? Hindi ba niya alam na nakakasakit na siya. Pano nalang kung sumuko na si Xiaoxi sa kanya?"

Napatulala ako sa mga binibitawang salita ng pinsan ko. Totoo ba itong nakiiita ko? Kung ganun ay isang araw palang nagtatagumpay na si Vall.

"Pano nalang kung sumuko na si Xiaoxi sa kanya? Edi hindi na ako makakapanood huhu. Edi ending na ng story. Waaa! Pag ending na, meron nanaman si Vall ipapanood saakin tapos maiiyak nanaman ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon