Chapter 11

49 41 9
                                    

Author's note: Before you start reading this, kindly read the past chapters. May mga binago po ako. (04-24-18)

Cindy POV

Second day sa orphanage at sinama ko na ang baby Cyle ko para makipaglaro sa mga bata. Hindi ko mapigilang mapangiti habang naglalaro ang kapatid ko, totoo na ito. May kapatid na talaga ako. Sobra sobra ang saya na nararamdaman ko.

Hay~ I wonder kung sino ang true parents ni Cyle? Sana naman di siya kunin saamin. Sabagay, legally adopted na naman siya kaya sigurado akong mahihirapan sila kung magbabalak man sila kunin ang kapatid ko. Pero kung mangyayari man yun, hindi rin namin ipagkakait si Cyle sa kanila. Anak parin nila ito.

"Baby, Saan mo gusto pumunta pagkatapos natin dito?" Tanong ko sa kanya nang lumapit siya saakin para magpapunas ng pawis.

Akala ko ay mamamasyal kami kaso iba ang baby brother ko sa ibang bata kaya ang sagot niya ay ...

"Sa simbahan po" sagot niya

"Why? Ayaw mo ba mamasyal ngayon?" Nagtatakang tanong ko

"Gusto po, pero I want to thank God first dahil binigyan niya ako ng ate at parents na alam kong mahal ako." Nakangiting sagot niya. Masyadong matured magisip ang kapatid ko. Proud na proud ako na siya ang naging kapatid ko.

"Mga bata. Who wants to play?!" Energetic na tanong ni Troy. Mahilig pala siya sa bata.

"Me!!!" Sabay taas pa nila ng kamay nila. Ang cute~

"Ano ang gusto niyo?" Irita na tanong ni Shai, napagod lang yan kaya ganyan pero mabait talaga si Shai.

"TAGU-TAGUAN PO!!!" Sigaw ng mga bata kasama si Cyle.

Hihihi parang gusto ko ulit mag ampon dito. Kukunin ko nalang silang lahat at patitirahin sa bahay. Kaso pinagsabihan na ako ni mommy eh. Wag na daw ako magaampon ulit para naman mafocus yung buong attention namin kay Cyle.

Nagbato-bato-pick muna kami para malaman kung sino ang taya.

"Bato bato pick" Sabay sabay naming sabi at napapikit nalang sa kaba na baka kami ang taya.

Pag dilat ko ng mata ko. Waaaa! Lima kaming talo. Nag bato kasi kami, eh nagpapel sila.

"Bato bato pick" Sabay na sabi naming lima habang busy na yung iba sa pagtingin kung saan sila pwede magtago.

Nagbato ulit ako pati si Troy at sad to say nag papel naman sila, so ang ending ay kami nalang ni Troy ang maglalaban. Kinakabahan ako. Ayoko mataya.

"Bato bato pick" Pagkasabing pagkasabi nun ay pumikit ulit ako para hindi ko makita. I decided to make it scissor kasi nga kanina pa ako natatalo ng papel. Baka magpapel siya kaya nag gunting ako kasoo huhuhu kasamaang palad, bato parin siya. Waaa! Talo ako. huhuhuhuhuhu (T.T) ibig sabihin, ako ang tayaaaaa.

"Hahahahahaha. Si ate Cindy ang taya!!" Nagtawanan namanbyung mga bata dahil ako ang taya. *pout* Ayoko maging taya eh. Gusto ko magtago.

"Pass! Pass si ate Cindy niyo jan. Ako nalang taya." Pagpiprisinta ni Troy.

"Madayaa. Walang ganun kuya Troy. Si ate ang taya." May mga umangal pa pero wala na rin sila nagawa. Si Shai naman umikot nanaman ang mata, nakuryente ba ulit siya? Malayo naman ngayon si Troy sa kanya ah.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo, Isa, Dalawa..." Pagbibilang ni Troy.

Thanks to Troy, hindi ako taya. Kanya kanya kaming naghanap ng matataguan. Hihihi sa may ilalim ng mesa ako nagtatago. Nang matapos siya bumilang ay naghanap na siya. "Ang gagaling niyo magtago." Sabi niya at mamaya maya ay nakita ko ang paa ni Troy na naglalakad papunta sa tinataguan ko. Waaaa! Yari.

"Hindi ko alam na nasa may ilalim ka ng mesa, Cindy. Hindi ko talaga alam." Sabi niya at umikot sa mesa.

Hihihi. Di niya ako nakita! Galing ko kasi magtago!

Umalis na siya sa Mesa at lumapit sa poste na nasa sulok. "Hello Ella! Taya. Hahaha" Sabi niya at tinaya si Ella na tawa ng tawa. Pagkatapos ay binuhat niya ito papunta sa upuan.

"Hihihi, kuya hanapin mo sila!" Tuwang tuwa na sabi ni Ella.

Bumalik naman siya sa pwesto ko at biglang nagsalita "Balita ko, may mga ipis daw sa ilalim ng mesa, di ko lang alam kung totoo"

W-wha-WHAT?!!!

"WAAAAAAAAAAA!!!!" Sabay takbo ko palabas ng mesa. Takot ako sa ipis.

Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko sabay sabing "Taya. Hahahahahaha"

Waaaaa~ andaya! Nataya na agad ako *pout*

Ngunit bumulong siya ulit sakin "Wag ka magalala, hindi naman ikaw ang una ko nakita kaya hindi ikaw ang taya. Hindi ko hahayaang mataya ka *wink*" Sabay alis para hanapin yung iba.

W-what? Bakit parang ang init ng pisngi ko? May lagnat ba ako? Tumakbo ako papunta kay Sister Rose.

"Ohh Cindy, bakit namumula ka?" Tanong niya agad nung nakita niya ako.

"Sister, masama po ata pakiramdan ko. Basta nalang po uminit pisngi ko nung bumulong sakin si Troy. SISTER!! MAY LAGNAT AKO!! WAAAA!!!!" Umiiyak kong sabi.

"Mga kabataan nga naman ngayon" Yun lang ang isinagot sakin ni Sister. Sinabi niya ito ng may ngiti sa labi.

Ano daw? Kabataan ngayon? Mga bata ngayon? Ano kinalaman ng pagkakaroon ko ng lagnat, sa mga bata? Naku, si sister talaga dinadamay mga bata kahit kami lang naman naguusap.

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon