Chapter 20

29 21 5
                                    

Ree POV

"Ree, movie marathon tayo?" Pagyayaya ni Vall saamin. Tumango naman ako bilang pagsang ayon.

Napagdesisyunan nila na dito sa bahay magstay until tomorrow kaya pumayag nalang ako.

Nang makita kong wala kasama si Cindy na nakaupo lang sa couch ay linapitan ko ito.

"Cindy"

"Ree! May masakit ba sayo? Dumudugo ba? Kailangan ba dalhin ka ulit sa hospital-" Hindi ko na siya pinatapos.

"Sorry" Seryosong saad ko

"Sorry saan? Ikaw naman Ree, wala ka naman ginawa eh. Hindi ka naman ata nagnakaw ng Hello kitty ko kasi alam mo namang bad yun. Bibigyan naman kita kung gusto mo eh" Napangiti naman ako ng bahagya.

"Sorry sa inasal ko kanina. Natarayan pa kita."

Hindi ko naman gustong gawin yun. Punong puno lang talaga ang utak ko ng mga tanong.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong dambahan ng yakap. "Waaaa! Kahit naman maging bad ka sakin, labs parin kita. Ikaw lang kaya nagiisa kong pinsan." Napangiti naman ulit ako at ginulo ko pa ang buhok niya.

"Ree, pwede ko ba makausap si Cindy?" Nakangiting singit saamin ni Vall.

Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya ng makahulugan. Nagulat naman siya at umiling ng sunod-sunod.

"Hindi naman sobrang importante ng sasabihin ko eh *pout*"

The way she pouted aakalain mong magkapatid sila ni Cindy. May pagkachildish sila Vall at Hannah -well halata naman lalo na kapag nagpapakilala sila- Mas childish nga lang si Vall kaysa kay hannah.

"Then, ano paguusapan niyo?"

"About her feelings for Troy. Tutulungan ko lang na mabawasan ang pagiging slow niya. I am also childish pero di naman ako ganon ka inosente sa mga bagay bagay."

Well she has a point kaya pinagbigyan ko nalang ito.

"Okay. Use my room para walang mang-gambala sa inyo. Kakausapin ko na rin yung iba na hayaan kayo. I'll give you three days. Mag stay kayo dito saamin for 3 days. Sa room ko kayong dalawa mags-stay kasama ko. If you can make her more mature than the current cindy, I'll give you everything you want." Wala eh. I also want the best for Cindy, kung mags-stay siya sa pagiging ganito malaki ang posibility na mabilis siyang maloko at masaktan.

"TALAGA REE?! Yehheyyyy! Makakaasa ka saakin! Oh my god Cindy! Let's go! Tuturuan na kita dali. Gusto ko ng bahay na puno ng hello kitty" Sabay hila niya kay Cindy papasok sa kwarto ko.

What? Bahay? *face palm* hindi ko naman alam na ganun kalaki ang hihilingin niya saakin. *sigh* pero sige. Sisingilin ko nalang sila Tita.

"Bakit ikaw lang? Ako din! Gusto ko rin!"

Rinig hanggang dito ang pagmamaktol ni Cindy kaya napatingin silang lahat saakin.

"Anong nangyari?"
"Where is Cindy?"
"Bakit nandoon sila?"
"Hindi na ba tayo manonood?"

Seryoso? Pano ko sila masasagot kung sunod-sunod ang tanong nila.

"Make over for Cindy" Tanging sagot ko. I guess nasagot ko na ang lahat ng tanong nila. Totoo naman yung sinabi ko. Magma-make over si Cindy, hindi nga lang literal.

"Gusto ko manood" Sabay tayo ni Hannah at akmang maglalakad papunta sa kwarto ko.

"No one is allowed to disturb them for 3 days" Seryosong sabi ko.

Kitang kita ko ang paglunok ni Hannah kasabay nito ang pagbalik niya sa pagkaupo. "Sabi ko nga."

Cindy POV

"Mags-start tayo sa pagmamahal"

*pout* hindi ba dapat sa umpisa kami mag start bakit sa pagmamahal? Anong meron si pagmamahal na wala si umpisa? Pero mukhang determinado siya kaya tahimik nalang akong nakinig sa kanya.

"Kailan nagumpisa ang kakaiba mong naramdaman kay Troy?"

Tignan mo! Sa pagmamahal daw kami maguumpisa pero makikichismis lang pala siya sa powers ni Troy.

"Hmm. Kailan nga ba?"

Kailan ko ba naramdaman yung kuryente powers niya?

"Wag mo na tagalan ang pagiisip! Naghihintay yung bahay saakin" Sabay tingin pa niya sa itaas na para bang nananaginip.

Hindi ko na naman siya pinansin at nagisip ulit.

Wait... Mukhang alam ko na.

"Nakaramdam ako ng kakaiba sa kanya simula nung nasa Orphanage kami. Doon niya pinaramdam sakin yung powers niya. Natakot pa nga ako noon eh. Habang tumatagal nga pakiramdam ko ay tumitindi ang galit niya saakin. Kasi nung una kinukuryente niya lang ako tapos sumunod nun naiinggit siya sa lips at kamay ko kaya gusto niyang tabasin tapos ngayon minamanipulate na niya isip ko katulad ng nangyari sa hospital kanina. Pero mukha naman siya mabait. Tingin mo? Malaki kaya talaga galit nita saakin?"

"Wait. Hindi ko maintindihan" Nalilitong sabi niya.

Tumango naman ako ng marami sa kanya "Ayan din ang nasa isip ko eh! Hindi ko siya maintindihan. Wala naman ako nagawang masama sa kanya." Pag-agree ko

"Hindi ganun Cindy. Ang hindi ko maintindihan ay bakit ka niya pagbabantaang tatabasin ang labi at kamay mo?"

"ha? Kailan niya ako pinagbantaan?" Nagtataka kong tanong.

Pinagbantaan ba ako ni Troy?

"Kasasabi mo lang kaya. Sabi mo pa nga 'naiinggit siya sa lips at kamay ko kaya gusto niyang tabasin' "

"Oo nga. Pero hindi niya ako pinagbantaan."

"So, nag assume ka lang?"

"Hindi rin. Ganito kasi yan, lagi niya kinahawakan kamay ko kasi naiinggit siya. Ewan ko nga ba doon, maganda naman kamay niya. Tapos isang beses kiniss din niya ako. Malakas talaga ang pakiramdam ko na naiinggit siya at anytime tatabasin niya labi at kamay ko"

"OH MY! Kiniss ka niya Cindy? Waaaaa!~ Oh my gahd! Kinuha na niya first kiss mo. Kyaaaahhh! Kinikilig ako"

Nababaliw na ata si Vall. Sinabi ko naman sa kanya na naiinggit saakin si Troy, natuwa pa siya. Nanahimik nalang ako kasi ang sabi saakin noon ni Ree, iba daw magalit ang mga baliw. Pag nabaliw si Vall, baka saktan niya ako.

"Ehem. Seryoso na. Hindi siya naiinggit sayo at mas lalong hindi niya tatabasin ang labi mo Cindy. Mahal ka ni Troy. He feel secured kapag hawak niya ang kamay mo, he can't resist your charm kaya gusto ka niyang i-kiss." huminto siya ng saglit at mamaya-maya ay nagpatuloy ulit "Yung powers naman niya na tinutukoy mo. Wala siyang ganun. Epekto lang yan ng pagmamahal mo sa kanya. Nag-rereact ang katawan mo kapag nanjan siya. May kuryente kang mararamdaman, bibilis ang pintig ng puso mo at kung minsan pa ay nakakalimutan mo ang lahat kapag nanjan siya. Isa yang simbolo na umiibig ka, Cindy."

"Hindi ko parin maintindihan, Vall" sabay kamot sa ulo ko.

He feel secured? Hindi naman niya ako body guard. Kay Erich siya dapat lumapit. Tapos yung charm, meron pala ako nun bakit hindi ko makita? Since birth ba yun o binili sakin ni mommy? Baka naman yung kwintas ko, baka charm yung pangalan niya.

Yung sa powers pa ni Troy! Ibig sabihin wala siyang powers? Ako ang meron kasi ako ang gumagawa ng nararamdaman ko? dahil sa react-react daw?

Waaaa! Ang gulo.

"Wag mong pilitin na matutunan lahat, Cindy. Nandito naman ako para tulungan ka eh ^_^ We still have 2 days. Kaya sa ngayon may mga ipapanood muna ako sayo." Nakangiting sabi niya

"Ano yun?"

"Movies, drama at kung ano-ano pa. Hihiramin muna natin laptop ni Ree tapos manonood tayo ng lovestory." Tumayo naman siya at lumabas para siguro manghiram kay Ree.

Hindi naman nagtagal at bumalik na siya hawak-hawak ang laptop ni Ree.

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon