Chapter 13

45 34 6
                                    

Cindy POV

"Waaaaaaa ang baby kooooo!" Umiiyak na ako ngayon. huhuhu. Duguan siya. Gustong gusto ko puntahan siya doon kaso pinipigilan nila ako.

"Bitawan niyo ako! Yung baby ko! Hindi pa siya patay! Babae siya at posibleng regla niya lang yan! Kaya bitaw! Aalagaan ko pa ang kitty ko." Kasabay nun ay tinulak ko ang mga pumipigil saakin.

"Cindy!" Sigaw nila saakin pero hindi ko sila pinansin at dumiretso sa alaga ko. Yinakap ko ito kahit punong puno na ng dugo.

"Hindi ka pa patay diba? Sabihin mo saakin na regla lang yan kitty! Ang sinungaling nila! Bad sila kitty. Sabi nila patay ka na daw." Pinunasan ko ang luha ko kaya napuno na rin ako ng dugo ni kitty. Hindi ito sumagot saakin, nanatili siyang nakapikit. "Inaantok ka ba kitty? Sige matulog ka na, pero wag sobrang tagal ah? Iisipin kasi nila na patay ka na"

Ree POV

Hindi ko alam kung maaawa ako kay Cindy o maiinis. Actually wala naman talaga kami pakealam sa sinapit ng alaga niya. Mas nagaalala lang kami sa reaction niya plus pinagiisipan naming mabuti yung sulat.

Lumayo layo naman muna ako sandali para makapagisip isip. Nalapit na ba talaga siya/sila saamin? Kainis! Feeling ko, napakauseless ko. Hindi ko manlang malaman kung sino. Napatingin ako kay Troy na nakatingin ngayon kay Cindy. Malayo ang posisyon ko sa kanila pero kitang kita ko ang pag ngiti niya. Nasisiyahan ka ba sa nangyayari ngayon Troy? May naramdaman naman akong kakaiba.

Hindi. Imposible

Hindi maaaring siya. Sh*t, kung siya nga ay hindi ako tatantanan ng konsensya ko dahil sa pinayagan ko siyang mapalapit saamin. Kung siya nga ay dapat siyang namatay! Hindi ko na sana siya hinayaang mabuhay. Sana mali ang hinala ko dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung ako ay naging tulay sa pagwasak nila sa buhay namin, sa buhay ni Cindy.

"May saltik ba ang anak ni Boss Emerson?" Nagpintig ang tainga ko sa narinig ko. This bastard woman called my cousin 'saltik'?

I immediately pointed my gun at her.

"What did you say? Can you repeat it?" Kalmadong sabi ko na ikinatakot niya

"L-lady, i-ikaw pala yan." Takot na takot na sabi niya habang yung kausap naman niya ay paatras ng paatras. Inilipat ko ito at itinutok sa kausap niya kanina.

"Hey. Aalis ka agad?" Pinakita ko pa sa kanya na malungkot ako.

"L-lady"

"Can you tell me kung ano ang sinabi ng babaeng ito kanina? Tell me or sasabog ang utak mo ngayon din? Choose."

"S-sabi niya po na may saltik si Lady Cindy" Nakayukong sabi niya na tila sobrang takot saakin

"I didn't!" Pag-alma naman niya.

Linipat ko naman ang baril ko sa kanya ulit at ipinaputok ito na tumama naman sa braso niya.

"Ahhh" Namilipit siya sa sakit. Hinawakan naman niya ito para pigilan ang pagagos ng dugo.

"You didn't?" Nakangiting tanong ko.

"S-sorry l-lady"

Masyado nang napapahaba ang usapan kaya nagpasiya akong tapusin na.

"See you in hell" Sabi ko sabay pinaputok ang baril ko sa ulo niya. Tumalsik naman ang utak niya kung saan-saan. Malakas yata itong baril ko *wink*

"Anong nangyari?" Tarantang tanong nilang lahat pagkalapit saakin, maski si tita ay nagtataka sa ginawa ko. Wala dito si Cindy at si Troy, busy pa ata sa alaga ni Cindy kaya hindi na napansin yung pagputok ng baril ko.

"Warning number 1." Sabi ko at tumalikod na sa kanila

"Jusko nawala lang kami saglit patay na itong kaibigan mo. Ano ba talagang nangyari"

Hindi naman siya nagsalita kaya bago ako umalis ay may sinabi muna ako.

"Tell them if you want to" Alam ko naman kasing yan lang ang hinihintay niya, masyado siyang natakot sa ginawa ko kaya alam kong mananahimik lang siya hanggat hindi ko siya binigyan ng pahintulot. That's my girl.

Elimie POV

Matagal tagal na simula nung huling pumatay si Ree

Wala parin pala pinagbago ang pamangkin ko, hot tempered parin. Pero sabagay kahit ako ay hindi nakapagpigil noong nagkwento si Riz sa nangyari. Nangati agad ang kamay ko. Wala silang karapatang sabihan ng ganun ang anak ko. Buti at nakapagpigil ako at hindi ko rin napatay si Riz.

Natuwa ako sa ikinilos ni Ree, gagawin niya ang lahat para sa mga mahal niya. Ganyan na ganyan ang ina niya. Ganyan na ganyan ang matalik ko kaibigan. Bago pa man namin nakilala ang magkapatid na Shundle ay magkaibigan na kami, halos magkapatid na ang turingan namin at hindi kami naghihiwalay. Sa tuwing nagkakaproblema kami ni Emerio at nasasaktan niya ako emotionally ay si Penomina ang mas galit na galit at kulang nalang ay patayin na niya si Emerio haha. Matapang ito at mapagmahal na bagay na minana sa kanya ni Ree.

Erich POV

Agad akong pumunta sa bahay nila Cindy para linisin ang kalat na ginawa ni Ree. Wala na akong narinig na kwento tungkol sa nangyari. kahit naman din ako ay mas nanaisin kong manahimik kaysa mangealam. Pagkatapos kong linisin ang kalat ay pinuntahan ko si Ree na nandoon daw sa kwarto ni Cindy, sabi ni Ma'am Elimie.

Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pintuan. Naabutan ko siyang seryoso habang tinitignan ang baril sa kanyang kamay.

"Nabalitaan ko ang nangyari" Pagbungad ko sa kanya.

"Wag kang feeling close. Labas" Cold na sabi niya. Pero hindi ako natinag. Ngayon pa ba ako matatakot eh kilala ko na si Ree?

Tumabi ako sa kanya at kinuha ang baril na hawak niya. Pinagmasdan ko itong mabuti. "Marami nang napatay ang baril na yan" Pag oopen niya ng topic.

"Ang cool mo" Tanging sagot ko sa kanya habang nakangiti. Tumingin naman siya sakin ng nagtataka pero after ilang secs ay natawa naman siya.

"Cool? Ikaw lang nagsabi niyan saakin" Napangiti ulit siya bago tumayo at pumunta sa may bintana.

Mas maganda pala siya pagtumatawa ngayon ko lang napansin.

"Ito ang mga taong dapat pinoprotektahan"

What the- Nasabi ko pala yung nasa isip ko.

"What?" Humarap siya saakin ng seryoso at unti unti ito naging galit.

"Leave" Ma-awtoridad na sabi niya.

Napakamot nalang ako ng ulo habang lumalabas sa kwarto. May nasabi ba akong mali? *sigh*

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon