Chapter 15

47 32 10
                                    

Cindy POV

Mabilis lumipas ang panahon. Naging okay na ang baby kitty ko. Tapos na kasi menstruation niya kaya okay na kami. Natakot talaga ako nung akala ko mawawala na siya saakin. Buti nalang at hindi.

Tapos na rin ang project namin kaya hindi na namin kailangan pumunta sa orphanage. Nakakalungkot pero sabi nila sisters, pwede naman daw kami pumunta doon kahit anong oras namin gustuhin.

"Cindy! Bumaba ka dito may bisita!" Sigaw ni mommy.

Bisita? Waaaa! ano yun? Para ba yung biscuit? o baka naman uri yun ng chocolate? Hindi pa ako nakatikim nun. Masarap kaya yun?

Agad naman akong bumama. Pagkababa ko, si Troy ang sumalubong saakin. Napakunot noo naman ako. Akala ko ba may bisita?

"Mommy, nasaan yung bisita?" Tanong ko kay mommy.

"Yan oh, si Troy." Sagot sakin ni mommy at tinuro pa niya si Troy.

Pinagloloko ata ako ni mommy eh.

"Eh hindi naman bisita pangalan niya mommy eh"

Nagpipigil naman ng tawa si Troy at si mommy. Bakit? Hindi naman talaga eh *pout*

"Sorry baby, nagkamali lang si mommy. Dapat pala sinabi ko nalang na nandito si Troy" Sabi ni mommy kaya napangiti ako. Sabi na nga ba at tama ako *smiles brightly*.

Ayokong mapahiya si mommy dahil sa pagkakamali niya kaya nakaisip agad ako ng pwedeng gawin namin.

"Babalik ako sa taas mommy. Ulitin mo nalang hihi" Sabi ko at pumanik ako sa taas. Pero bago pa man ako tuluyang maka-akyat ay tumingin ulit ako sa kanya.

"Galingan mo mommy ah? Fightin'!" Pag cheer ko kay mommy. Napailing naman siya pero nakangiti.

Pagka-akyat ko ay naghintay lang ako sa likod ng pinto ng kwarto ko. Hinintay ko na tawagin ulit ako ni mommy.

"Cindy, si Troy nandito" Pagkasabi nun ni mommy ay bumaba na ako. Bumaba ako na parang walang nangyari.

Galingan mo Cindy! Para kay mommy ito.

"Hi Troy!!" Masayang bati ko sa kanya at kinindatan ko pa si mommy para malaman niyang ang galing ng ginawa niya.

"Hello. Nandito lang sana ako para magpaalam sa mommy mo"

Parang bigla naman akong nalungkot sa sinabi niya. Aalis siya?

"Saan ka pupunta? Nakapagpa-alam ka na ba kila Erich? Kailan balik mo? Babalik ka pa ba?" Sunod sunod kong tanong.

"Haha. Hindi ako aalis Cindy. Ipapa-alam lang sana kita kung pwede ka ngayon" Tapos tumingin siya kay mommy "Ma'am pwede ko po ba si Cindy ngayon? Birthday po kasi ng mommy ko, gusto daw po niya makilala ang mga kaibigan ko kasama si Cindy. Don't worry, nandoon din po sila Ree" Panghihingi ng permiso ni Troy kay mommy.

"Naku. Okay lang yun noh at wag mo na ako tawaging ma'am, tita nalang" Nakangiting sabi ni mommy

Tita? Hindi pwede! Mommy naman! Hindi ako papayag! Napatingin ako kay Troy, nakangiti siya ng malapad. Bakit siya natutuwa? Kainis! Bago pa man magsalita si Troy ay agad na ako tumutol

"No!"

Ayoko! Ayoko! Hindi pwede!

"Bakit naman anak?" Nagtatakang tanong ni mommy. Malungkot na tumingin sakin si Troy. Sorry Troy pero ayoko.

"Ayoko mommy. Ayoko maging tita ka niya, ayoko maging pinsan ko siya. Because I like him!" Huhuhu.

Sigurado akong 'like'/'crush' ang nararamdaman ko sa kanya. Thanks to doc dahil siya nag explain saakin

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon