Chapter 12

54 36 5
                                    

Shai POV

Nakakainis. Akala ba nila na hindi ko napapansin na may gusto si Troy kay Cindy. Psh. Tingin palang niya kay Cindy alam ko nang may kahulugan yun. Nakakainis! Ano ba nagustuhan niya sa babaeng yun?  Slow at tatanga-tanga naman.

Hindi ako makakapayag na makuha niya saakin si Troy. Kasalukuyan silang naguusap ngayon habang ako ay nagmumukmok sa gilid at naghihintay na huminto ang sasakyan sa harap ng bahay namin. I need to do something!

Cindy POV

Sasama daw saamin sa simbahan si Troy pagkatapos namin ihatid si Shai. Ang bait talaga niya. Magkatabi kami ngayon ni Shai at gitna namin si Cyle samantalang si Troy naman ay nasa passenger seat.

"Nandito na po tayo" Sabi nung driver.

Pagkahinto ng sasakyan ay agad na lumabas si Troy at pinagbuksan si Shai ng pinto. *pout* kailangan pa yun?

"How sweet, pinagbuksan mo pa talaga ako babe" Sabi ni Shai at lumabas na. Pero pagkalabas niya ay nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Agad ako napaiwas ng tingin ng bigla niyang halikan si Troy sa labi.

A-ano ba ito? Bakit parang hindi ako makahinga ng maayos? Bakit parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita at makahinga, parang naiiyak rin ako. Lumala ba ang lagnat ko? Huhuhu Mamamatay na ba ako? Waaaa! Pano na? Gusto ko pa po mabuhay.

"Bye babe, bye Cyle and bye Cindy" sabi ni Shai pero hindi na ako nakasagot sa kanya, ni hindi nga ako makatingin sa kanya eh. Naramdaman ko nalang na si Troy pala ang pumalit sa pwesto ni Shai kanina.

"Sir, ang sweet ng nobya mo ah" Tuwang-tuwa naman si manong driver habang sinasabi niya yun.

"Hindi ko ho siya nobya." Paglilinaw ni Troy.

"Sorry po sir, pero ligawan niyo na po yun. Bagay na bagay kasi kayo" Epal ulit ni manong.

*pout* Manong, hindi naman sila bagay eh. Tao kaya sila. Gusto ko yun sabihin sa kanila kaso nanahimik nalang ako kasi mas sumikip pa ang dibdib ko sa sinabi niya. Ang hirap huminga. Makapunta nga mamaya sa doctor para magpacheckup.

Hindi na sumagot si Troy sa sinabi ni manong, baka nga liligawan na niya si Shai. Bagay naman sila.

"Ate? Umiiyak ka ba?" Dahil sa sinabi ng kapatid ko ay napatingin din saakin si Troy.

"Okay ka lang?" Nag aalalang tanong niya.

"Okay lang. Medjo masama kasi pakiramdam ko, pupunta nalang ako sa doctor mamaya" Napaamin ako ng wala sa oras *pout* dapat kasi hindi nila napansin. Baka mag alala pa sila saakin.

"Masama pala pakiramdam mo ate dapat sinabi mo nalang, pwede naman bukas na tayo magsimba" Naaawang sabi saakin ng kapatid ko.

"Hindi Cyle. Okay lang ako, kaya ko pa naman eh. Magpapahinga nalang muna ako habang nagbabyahe tayo" Sabi ko at pumikit na. Baka pagnatulog ako mawala lagnat ko ^_^

Troy POV

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Lumabas na si Cyle kasama si manong. Request sakin ni Cyle na wag ko raw gigisingin ang ate niya para makapagpahinga. Kahit hindi naman niya sabihin, wala akong balak na gisingin siya.

Hindi napigilan ang sarili ko at hinaplos ko ang inosente niyang mukha. Sa kabila ng pagiging childish niya ay hindi parin maipagkakailang napakaganda niya. Hinawakan ko ang ilong niya pababa ng pababa hanggang sa labi niya. Sh*t, parang may magnet na humihila saakin. Bago pa man ako makagawa ng isang bagay na pagsisisihan ko ay umayos na ako ng upo ko.

Kanina nung hinalikan ako ni Shai, isa lang ang tumatakbo sa isip ko 'Baka nakatingin si Cindy' at nung nagiba ang kilos niya pagkatapos nun, lihim akong natuwa. Nagbabakasakali na kaya siya naging ganun ay dahil sa nagseselos siya. Ahh! Ano ba itong iniisip ko. Nagmumukha akong matandang pumatol sa bata (Phedophile) haha

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon