Chapter 5

89 57 45
                                    

Cindy POV

"Baby, bumangon ka na jan. Baka malate ka." Pambungad sakin ni mommy. Kanina pa ako gising pero wala ako ganang gumalaw ngayon. Parang ang hinahina ko ngayon. Hindi kaya may sakit ako? Baka may lagnat ako pero di ko alam?

"Yes po mommy" Nginitian ko siya ng pilit at dumiretso na sa Cr para maligo.

Hindi ko mapigilan isipin ang mga kaibigan ko. Baka nagalit sila saakin dahil kinampihan ko si Kyle.

Pagkatapos ko ay naabutan ko si mommy na nagliligpit ng hinigaan ko. Nandito pa pala siya. Dumiretso ako sa salamin kong hello kitty ang design para mag ayos.

"Baby, umamin ka nga saakin. Magkagalit ba kayo ni Ree?" paguusisa ni Mommy pero hindi ako sumagot. Yumuko lang ako kaya nagsalita ulit siya "Kung ano man yan, wag niyo na patagalin. Pinsan mo siya Cindy at bestfriend mo rin, hindi mo naman maaatim na mawala yung pinagsamahan niyo dahil lang sa mga tampuhan niyo diba?" Nakangiting sabi niya.

Yinakap ko siya agad "Thank you mommy" Pareho naman kaming natumba dahil sa ginawa ko. hihi.

Troy POV

Papunta ako ngayon sa bahay nila Erich. May importante lang ako kailangan malaman. Sandali ko lang pinindot ang doorbell at lumabas na agad yung kasambahay nila. Bilis ah.

"Bakit po?" Tanong ni manang

"Nanjan ba si Erich? Si Troy to, classmate niya." -ako

"Oh sige po. sandali lang po, sabihin ko kay sir" Sabi ni manang sabay alis.

Mamaya-maya ay dumating na si Erich na mukhang nagaayos na para pumasok sa school.

"Alam kong hindi ka pupunta dito kung hindi importante ang sasabihin mo. Pasok ka." Seryosong sabi niya sabay tinalikuran niya ako. Sumunod naman ako papasok sa bahay nila

Hindi ko mapigilang ilibot ang mata ko sa buong bahay nila. Hindi maipagkakaila na mayaman din sila, ang ganda ng bahay nila.

"Ano ang gusto mong sabihin?" Tanong niya habang nagsusuot ng uniform.

"May kinalaman kayo sa E.C.R.T diba? At yung dalawang magpinsan ay ang Ladies of E.C.R.T?" Diretsahang tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at may hinablot sa likuran niya. O.O sh*t. Hindi ko yun napansin kanina. Tinutukan niya ako ng baril na hawak niya ngayon.

"Aware ka ba sa rules?" Nakangising tanong niya.

"F*ck dude. Ibaba mo yan. Nagtatanong lang ako." Kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Gusto mo pa bang sagutin ko yung tanong mo kasabay ng pagputok nito?" Sabay tingin niya sa baril niya.

Sh*t. Hindi ka nagiisip ng matino Troy! Alam mo nang papatayin nila ang bawat makaalam, naglakas loob ka pang magtanong.

"Sandali lang ha? Jan ka lang" Nakangiti niyang utos sakin.

Dito lang talaga ako, pano ako aalis kung nakatutok parin saakin yung baril niya. May kinalikot naman siya sa phone niya. Nung una ay nagtaka ako kung anong gagawin niya pero pinicturan niya ako at parang sinend ito kung kanino. Kasabay nito ang pag  ring ng phone niya.

"Boss! Ano balak mo dito?" Nakangiting tanong niya sa kausap niya. Alam kong yung ngiti niya ay para saakin.

Ree POV

Naglalakad ako magisa ngayon papasok sa school. Wala akong lakas ng loob na harapin si Cindy.

Galit pa kaya si Cindy? Pero naman kasi eh, ayoko lang naman na mapahamak siya o kahit sino saamin. Hay.

Tumunog Cp ko. May sinend si Erich saakin na photo. Nakatutok ang baril niya kay Troy. What the hell, Erich! Anong ginagawa mo.

Tinawagan ko siya agad pero busy yung number niya. Buti nalang at malapit lang ako ngayon sa may bahay nila. Agad ako tumakbo papunta doon.

"Lady" Sabay yuko ng katulong nila saakin. Pinapasok naman niya ako agad ng walang tanong tanong. Isa rin siyang miyembro ng E.C.R.T kaya kilala niya ako.

Nagulat ako sa inabutan ko.

"Yes boss! Ililigpit ko na to" With devil smile pang nalalaman si Erich. Alam ko na kung sino ang kausap niya kaya hinablot ko ito agad na ikinagulat ni Erich.

"Lady Ree, anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya.

Kahit na hinihingal pa ako ay kinausap ko ang nasa phone.

Me: Dad!
Siya: Oh Ree, bakit ka nanjan kila Erich?
Me: Wala akong balak makipagkwentuhan sayo. Ano to dad? Anong ililigpit? Sh*t dad! What the hell is happening?
Siya: Watch you words Ree. Alam niya ang about sa inyo ni Cindy at anong inaasahan mong mangyari? Ang pabayaan ko lang?
Ako: DAD! You don't know how much he means to Cindy. Kaibigan ang turing sa kanya ni Cindy at alam mo kung pano magalit ang pinsan ko kung may mangyayaring masama sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Siya: Is he really that important to Cindy?
Ako: Yes dad at alam kong pag nalaman din to nila tito at ni tita ay papalagpasin nalang nila ito para kay Cindy.
Siya: But what if he ruin Cindy's life? our life?
Ako: Then, I'm the one who will kill him.

Kasabay yun ng pagtingin ko ng masama kay Troy.

Siya: Okay you already convinced me, Ree. Kakausapin ko nalang mamaya sila Emerson para mainform sila and yung mga kambal na babae na nakakasalamuha niyo ngayon, alam ko na kung sino sila...

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon