Chapter 16

40 28 7
                                    

Cindy POV

Pagkadating namin sa bahay nila Troy. Ang daming mga tao. Hinawakan ako sa kamay ni Troy at hinila doon sa isang table. Bad Troy! kinokoryente nanaman niya ako. Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya? *sigh*

Tinignan ko siya sa mukha habang hinihila niya ako papunta sa kung saan. Hala! Kumikinang siya. Naglagay kaya siya ng glitters?

"Hey mom!" Napatingin naman ako sa kinausap niya.

Waaa! Kamukha niya! Waaaaa! Pati yung katabi nitong lalaki ay kamukha ni Troy!!! Waaa doppelganger!!!

"Uwi na ako Troy (T.T) may nakikita akong dalawang doupleganger mo" bulong ko sa kanya.

Huhuhu natatakot ako. Sabi nila pag may doupleganger daw, may mamamatay huhuhu.

"Hahaha. Cindy, that's my mom and dad" Paliwanag niya.

Doupleganger mommy at daddy niya? Wow! Ang cool! So walang mamamatay? hihihi. Hindi naman ata yun papayagan ng doupleganger na parents ni Troy eh.

"Nice to meet you po and Happy birthday doup- I mean mommy ni troy!!~"

Natuwa naman siya sa inasta ko. hihihi

"Haha. Nice to meet you too iha. Wag mo na ako tawaging 'mommy ni troy' masyadong mahaba. Tita nalang"

*pout* bakit ba pareho sila ni mommy na gusto kami ni Troy na maging magpinsan?

"Ay-" Magsasalita sana ako kaso dumating bigla si Ree.

"Cindy!" Sigaw niya. Then tumingin din siya sa doupleganger na mommy ni Troy "Happy birthday po tita. Yung gifts po namin nila Cindy sa inyo, nandoon na po sa table katabi ng cake" Nakangiting sabi niya.

Tita? *pout* Pinsan din siya ni Ree?

"Hey! Troy! Pwedeng kunin ko muna ang pinsan ko? May paguusapan lang kami saglit." Paalam niya kay Troy

Kukunin? Kikidnapin ako ni Ree? Ang bobo naman ni Ree. Hindi ganun ang pagkidnap, dapat di na siya nagpaalam. Tapos dapat may panyo siya.

"Sure" Pagkasabi nun ni Troy ay hinila naman ako ni Ree. Bakit ba trip nila ako hilain?

Nang makarating kami sa kusina ay sinarado niya ang pinto at humarap saakin.

"Ano yung sinabi mo kay tita? Gusto mo daw si Troy. Paano mo naman nalaman na 'gusto' na nga ang nararamdaman mo?"

Sinong tita? Yung doupleganger na mommy ni Troy o si mommy? Gulo din nitong si Ree eh.

"Huy! Cindy!"

"Bakit?"

"Anong bakit? Tinatanong kita -_-"

"Eh kasi naman Ree, ang gulo mo magtanong. Sino ba kasing tita sinasabi mo? Yung doupleganger na mommy ni Troy?"

"No! Si Tita Phenomina. Wait! Doupleganger? What the hell are you talking about?"

Oh tignan mo! Wala naman akong sinabing hell tapos pinagbintangan pa ako na nagsabi ng hell. *sigh*

"Oo Ree. Ang cool diba? Mommy at daddy niya ang doupleganger."

"Pfftt. Kamukha niya lang yun dahil parents sila ni Troy pero hindi sila doupleganger."

"Ahh" Ngumiti naman ako sa kanya para isipin niyang naintindihan ko. Ayoko mahurt feelings niya. Ang gulo naman kasi talaga niya. Alam ko naman na parents ni Troy yung mga doupleganger eh, wala naman akong doubt doon.

Bago ang lahat ay may bigla akong naalala.

"Ree, anong gifts? Wala naman ako binili na gift para sa doup- I mean, mommy ni Troy"

"Alam ko naman kasing hindi ka na makakabili kasi susunduin ka ni Troy kaya bumili nalang ako ng ipapang-gift mo kanina habang nasa biyahe ako" Paliwanag niya

"Wait! stop with that topic. Let's go back to your feelings. Paano mo nasabing gusto mo siya?" Seryosong tanong niya

kinuwento ko naman sa kanya lahat lahat ng pinagusapan namin ni doc. Pagkatapos ko magkwento ay ito na nga tumawa siya ng tumawa.

"Pfffttt HAHAHAHA Cindy! Shet! HAHAHAHAHAHA. So you like to defeat him?"

"*pout* nagtaka din ako sa sinabi ni doc kasi di ko naman nafefeel na ganun. Pero sinabi niya yun eh, hindi naman ata siya magsisinungaling saakin"

"Loka Hahaha. Bawas bawasan natin pagiging shunga mo ah? Hindi lahat ng nasa merriam webster ay magtutugma sa gusto mong malaman. Tama naman na Crush means defeat, break, use force at kung ano ano pa. Pero hindi sa lahat ng oras, depende parin sa words na pinaggamitan nito. And based sa sinabi ni Doc. Ang ibig niyang sabihin na crush ay yung feelings ng tao. Crush as in paghanga"

Nakatunganga lang ako habang nageexplain siya kaya huminto rin siya sa pag explain saakin at seryosong tumingin saakin.

"Hindi mo gets noh?"

Umiling naman ako sabay peace sign kaya inis na ginulo niya ang buhok niya ng slight lang naman.

"Aish mababaliw na ako sayo. Tama naman yung like at gusto na nasearch mo. Pero lahat ng yan. Like, gusto, at crush ay may iiisang meaning."

"Wait Ree! Dahandahan sa pagsasalita, naguguluhan ako" Pag pigil ko sa kanya. Ang gulo naman kasi eh *pout*

Pokerface na tumingin siya saakin

"Para siyang hello kitty. Hindi kayo magkaano ano pero gustong gusto mo at mahal mo na -_-"

Napatigil ako sa sinabi niya. G-gusto ko si Troy? Katulad ng pagkagusto ko kay hello kitty? Naiintindihan ko na. Gusto ko siya, ayoko siyang mawala, ayoko siyang mapunta sa iba dahil nasasaktan ako. Waaa! Naiintindihan ko na! Pero may isa pa akong tanong kay Ree...

"Ree, pwede ko rin ba siya i hug anytime? tapos pwede ko rin ba siya dalhin sa bahay? hihihi." Sabi ko nang may naisip akong ideya.

Itatabi ko siya sa mga hello kitty stuffed toys ko.

"Bahala ka na nga jan. Suko na ako" Sabay alis niya.

"Waaa! Ree wag mo ako iwan dito!"

Susundan ko sana si Ree nang biglang sumulpot ang mommy ni Troy na doupleganger. May powers din siya katulad ni Troy? hindi kaya pagiging invisible naman sa kanya tapos kanina pa siya nandoon pero ngayon lang siya nagpakita saakin? Halaa! Ang galing. Yung doupleganger na daddy kaya niya, ano kaya powers?

"Iha, bakit ka nandito?" Nakangiting tanong niya saakin. Ang bait bait niya para sa isang doupleganger hihi.

"Hinila po kasi ako ni Ree kanina dito pero iniwan niya ako" Pagpapaliwanag ko

"Ah. You should go there, hinihintay ka ng anak ko"

Hinihintay ako? *lub* *dub* *lub* *dub*

Magiliw ko siyang nginitian "Sige po."

Slow Ako, PERIOD. #TOA2018 #MB2018 #TheAbsolute2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon